Matapos ang araw na yun, hindi na ulit kami nakapag usap ni Alec. Naging abala na kami sa finals. Final exams here, final requirement there. Kaliwat kanan ang mga gawain. Review, documentary film, presentation and such. We became so busy na hindi narin namin nagawang contact-in ang isa't isa. Ugali ko kasi na kapag may exam, hindi ako nagpapaload para iwas distraction. I guess, ganun din ang mind set niya kaya parang nawalan na kami ng communication. Tapos, busy pa siya sa Student Council. Kaya, tuluyan na kaming nawalan ng time para sa isa't isa.
Pero kahit pala busy ang lahat sa final exams, hindi parin pala mapipigilan ang mga estudyante na makakati ang dila na magkalat ng tsismis. Kumalat kasi sa school ang balitang na cool off raw kami ni Alec. Ang galing talaga ng mga tsismosa kong kamag aral. Naisegway pa ang inintriga sa gitna ng pagca-cram nila sa final exams. Ibang klase!
Hindi naman ako nagsasalita tuwing tinatanong nila ako kung anong estado namin. Sa totoo lang, maging ako ay bothered narin sa hindi namin pagkikibuan pag nagkakasalubong kami sa hallway o kaya sa Cafeteria. Ilang beses na ring sinubukan nina Julia na tawagin si Alec sa tuwing kakain kami sa Cafeteria, pero ang damuhong si Alec, ituturo lang si Nelle, tapos deadma na. At dahil ma-pride akong tao, hindi ko siya ina-approach. Deadma siya sakin? Edi, deadma rin ako. Akala niya, siya lang ang marunong mandeadma? Hah! Ako pa hinamon niya.
"Sembreak na. Sama ka sa swiming, Jai?" Naputol ang malalim kong pag iisip at pagmomonologue nang bigla akong kausapin ni Marie. Isa sa mga kaklase ko.
"Hindi na siguro. Sa bahay lang ako ngayong bakasyon." Tamad kong sagot habang nakapangalumbaba ako sa arm chair ko.
"Kj." Komento ni Tom sa likod ko. "Common, Jai. Wake up."
Sinamaan ko siya ng tingin. "Tingin mo sakin, natutulog? Narinig mong nagsalita ako di ba? Anu yon, nag sleeptalk ako? Tsaka kita mo ba to?" Tinuro ko ang mata ko at lalo pang pinanlakihan ang tingin ko. "Mulat na mulat ang mga mata ko. Tapos sasabihan mo ako ng wake up? Nag iisip ka ba?"
Humalakhak siya. "Hindi yun literal, baliw." Mahina pa niyang tinapik ang mukha ko. "Alisin mo nga yang panlalaki ng mata mo, umayos ka nga. Ang pangit mo."
"Wow! Nahiya naman ako sa ka-gwapuhan mong taglay." With sarcasm kong sabi at inirapan siya.
"Ayiiiiiii. Nagpapakilig na naman ang JaTom love team!" Hiyaw ng mga kaklase ko na pinangunahan ni Darlene.
Umiling nalang ako. Ang aadik nila. Gawan ba naman kami ng love team ni Tom? Paano naman kasi, halos araw araw akong inaasar ng mokong. Tapos minsan naman, walang ka abog abog niya akong babantan ng pick up lines. Akala tuloy nila, may namumuong something samin. Eh, duhh! May boyfriend ako, ano. At sa pagkakaalam ko ay hindi pa kami break. Sila lang ang nagdeklarang wala na kami. Oo, gaun kalala ang balita. Kahapon lang cool off, ngayon ay tuluyan na raw kaming break. Nakakaloka!
"Sasama na raw si Jai. Pag hindi ito sumama, gusto niya ako." Mahanging wika ni Tom sa mga kaklase ko.
"May sapak ka ba sa ulo, Tom? Anong pinagsasabi mo?" Muntik ko na siyang nabatukan. Sayang lang at nakaiwas pa ang mokong.
Humalakhak siya. "Ano? Sasama ka o gusto mo ako?"
"Neither of the two!" Sigaw ko.
"Ano? Tayo na?" Ngumisi pa siya.
"Binubwisit mo ba ako, Tom Doromal?" Tumayo ako at hinarap siya. Malapit na talaga akong mapikon sa isang to.
Tumayo rin siya upang makalevel ako. Pero ang kumag, mas matangkad sakin ng dalawang dangkal. Kailangan ko tuloy tumingala para matitigan siya. Ang ganda talaga ng mata ng damuhong to. Tapos ang haba pa ng pilikmata. Nakaka destruct..

BINABASA MO ANG
Binasa Ni Crush Ang Diary Ko!
CasualeBook Two ng Dear Diary. :) Make sure na nabasa na yung book one para alam ang nilalaman ng Diary ni Jai. THANKYOU! :))