Chapter18: "Will You Be My Girlfriend?"

487 11 3
                                    

Kinabukasan..

Maaga akong nambulabog kina Enrique. Nagtataka nga si Tita Elvie eh samantalang wala namang pasok. Sabi ko, may business ako kay Enrique kaya hinayaan niya nalang ako.

"Puntahan mo nalang sa kwarto niya, iha." bilin nito. Kaya dumiretso na ako sa kwarto ni Enrique.

Kumatok muna ako ng tatlong beses, hoping na pagbubuksan niya ako. Sabi nga, daanin muna sa santong dasalan bago sa santong paspasan.

Pero, anak ng tokwa't baboy! Ang damuhong Enrique, parang walang naririnig. Dedma lang siya!

"Oy Enrique. Buksan mo tong pinto." sambit ko habang patuloy parin ang pagkatok.

"Enrique Gil!!" sigaw ko at halos kalampagin ko na ang pinto ng kwarto niya this time.

"Tss. Ano bang problema mo?"

Nagulat ako ng bigla niyang buksan ang pinto. Jusmiyo! Naka boxers lang ang mokong. Di man lang nahiya sakin. Wala pang pantaas at gulo gulo ang buhok. Jeez. Mukha siyang na-rape. =___=

"OY!" sigaw pa niya nang di ako agad makasagot.

Huminga ako ng malalim at kinalma ko ang sarili ko. Hindi pwedeng salubungin ang init ng ulo niya. Dapat maging considerate din ako dahil una, ako ang nambulabog at pangalawa, ako ang may kailangan.

"Mag usap tayo." kalmado kong sabi.

Mukha parin siyang annoyed na tumingin sakin. "Tungkol saan?"

"Hintayin kita sa sala niyo." sabi ko ng di sinasagot ang tanong niya. "At kung pwede lang, ayusin mo muna yung sarili mo bago ka bumaba." dagdag ko pa.

Baka mamaya, bumaba siya ng ganun parin ang itsura niya. Jeez. I can't stand it! Its not that pangit ang katawan niya pero ayoko lang na ganun siya. Nagkakasala ang mga innosente kong mata. Mwahaha!

Pumunta ako sa sala nila at doon nalang naghintay. Agad naman akong pinagserve ng juice at pancake ni Tita. Wow! Favorite ko. ^___^

Kinapa ko ang bulsa ko para kunin sana ang phone ko pero naalala kong hindi ko pala yun nadala. Naiwan sa bedside table ko.

Hm. Mamaya ko nalang nga kunin. Tinatamad akong umuwi eh.

Halos makalahati ko na ang pancake na kinakain ko pero hindi parin bumababa si Enrique.

Ang damuhong yun. Ang tagal naman niya. Wag niyang sabihing iindianin niya ako dito. Ang ayos kong nakiusap sa kanya.

Tatayo na sana ako at lulusob sa kwarto ni Enrique nang maaninag ko na siyang pababa.

Tch! Bababa rin pala, ang dami pang arte.

"O ano?" tanong niya agad.

"Umupo ka." sabi ko.

"Wow. Feel at home ka ah."

"Tch. Upo nalang. Dami pang sinasabe."

"Tss. Nasa teritoryo ko kita, baka nakakalimutan mo. Kaya wag kang umasta na parang ikaw ang masusunod."

"O sige na. Teritoryo mo na'to. Wala akong energy na makipagtalo sayo ngayon. Kaya pwede po ba Ginoong Enrique, maupo na ho kayo ng matapos na'to?"

"Tss." napailing nalang siya pero umupo rin naman.

"Ano na?"

"Okay." huminga muna ako ng malalim bago umpisahan ang interogasyon. "Anong meron sa inyo ni Julia?"

"Wala." bored niyang sagot.

"Bakit kayo nagbreak?"

"Ano bang alam mo?"

Binasa Ni Crush Ang Diary Ko!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon