Chapter 42
"Wag mo na ngang dagdagan ang problema ko!" Sabi ko sabay palo sa kanya sa braso.
Ngumisi siya. "Bakit, Jai? May apekto pa rin ba ako sayo?"
"Spell hopia, Tom?"
Nagpout siya. Ang cute! Haha. Mukha siyang pato.
"Hahahaha! Kamukha mo si soneyo!"
Kumunot ang noo niya. "Sino yun?"
"Yung kaibigan ni Doreimon. Hindi ka ba nanunuod ng cartoons?"
"Hinde. Pambata lang kaya yun."
"Hoy hindi ah."
"Sabagay, isip bata ka naman."
"Ah ganon?" Dinakma ko ang ulo niya at pinagbabtukan siya.
"Aray! Grabe ang bigat ng kamay mo, palibhasa bachoy ka e."
** beep beep **
"Jai, green light na. Aray!"
Napatigil ako sa pambabatok kay Tom nang makitang green light na nga at nagsitakbuhan na ang mga sasakyan sa harap namin kaya binubusinahan na kami ng mga sasakyan sa likuran namin. Umayos ako ng pwesto at pinaandar na ulit ni Tom ang kotse.
"Tindi mo. Sinira mo pa porma ko." Aniya sabay himas sa kanyang magulong buhok.
"Hahaha! Messy hair."
"Atleast gwapo parin." Nagpogi pose pa ang mokong.
"Grabe! Lakas ng hangin. Whoooo!" Natatawang sabi ko.
Tumawa siya at kinurot ang pisngi ko. "I like seeing you smile."
Ngumiti ako, pero sa pagkakataong ito, pilit na ang ngiting pinakawalan ko. Kahit ano palang pilit mong limutin, andun parin ang sakit.
"So please smile for me.." Aniya.
Ngumiti ulit ako. "Uwi na ako."
"Are you sure?"
"Mmm, okay na naman ako." Sambit ko pagkatapos ay marahan kong ipinikit ang mata ko at hindi ko namalayang nakaidlip na pala ako. Nasa kanto na kami ng bahay nang magising ako.
Ni U turn ni Tom ang kotse at tumigil ito nang makitang marami pang sasakyan sa kabilang lane. Ngumiti siya sakin pagkatapos ay may inabot na kung ano mula sa backseat ng kotse.
"Para sa'yo." Aniya, sabay abot ng isang bouqet ng bulaklak. Parang biglang nawala lahat ng bigat sa dibdib ko noon na waring dinala ko sa pagtulog hanggang sa paggising ko. Nakangiti kong tinanggap ang mga bulaklak. Ngumiti rin siya pagkatapos ay umandar ng muli ang aming sasakyan dahil libre na ang kabilang lane.
"Salamat, Tom. Sobrang salamat."
"Wala yun. Willing akong gawin lahat, makita lang kitang ngumiti." Nakangiti niyang tugon.
"Buti nalang andyan ka.." Untag ko.
Ngumiti lang siya at hindi na sumagot.
"Kailan mo pala binili to?" Tanong ko. "Tsaka paano mo nalamang kailangan ko nito? I mean, espesyal ang araw na'to sakin?"
"Binili ko yan kanina habang natutulog ka, dumaan ako sa isang flower shop. Paano ko nalaman? Kilala kita, Jai. Yun lang yun."
Napabuntong hininga ako sa naging sagot niya. Kung sanang siya parin ang laman ng puso ko, hindi ko sana siya nasasaktan ng ganito. Hindi rin sana ako nasasaktan ng ganito dulot ng taong mahal ko. Pero ganun siguro talaga. Kasama ng pagmamahal ang sakit.

BINABASA MO ANG
Binasa Ni Crush Ang Diary Ko!
RandomBook Two ng Dear Diary. :) Make sure na nabasa na yung book one para alam ang nilalaman ng Diary ni Jai. THANKYOU! :))