Chapter 57: Makasama Ka.

163 5 0
                                    

Warning: This is a short update and kinda' cliffhanger. Kaya, ihanda niyo ang mga puso niyo. *wink*

--

Mahal ko siya. Mahal niya ako. What hold us back? Our ego? Issues? Guilt? Pain from the past? Isn't love enough to conquer these things? I guess, it isn't. Minsan, hindi sapat ang pagmamahal. Not all people can sacrifice everything for love. Not because it isn't worth it but because doing so could make them lose themselves.

Matapos sabihin iyon ni Alec ay bumalik na ako sa loob at nag ayang umuwi. Hindi na maganda ang pakiramdam ko sa mga sandaling iyon at alam kong ano mang oras ay magbi-break down na ako. Halos dalawang buwan ko siyang iniwasan tapos isang sabi niya lang ng ganoon ay parang gusto ko na namang umiyak. Umiyak sa harap niya at sabihing. 'Alam mo kung anong nararamdaman ko. I'm feeling the same. Pero gaya mo ay napagod na rin ako. I never stop loving you, I just stop showing it.' Mabuti na lang at agad sumunod si Enrique sa hiling kong iuwi na ako.

Nagpatuloy ang mga araw ng walang pagbabago. Alec didn't make a move. Inamin niya na mahal parin niya ako pero he didn't bother proving it to me. Since we broke up, he already stop showing his love for me. I don't blame him for that. Kaya hindi niya rin ako dapat sisihin if I did the same thing.

Cayle Yzon added you to the group Vicaenjualja.

Napailing ako. Pinush talaga nila ang group na'to. Matagal ng sinasuggest ni Cayle na gumawa raw kami ng group sa Fb exclusive for the barkada lang. Para daw dun nalang namin pag usapan ang mga plano namin ngayong bakasyon.

Binisita ko ang group na iyon at napangiti nang makitang may mga pictures na agad ito. Karamihan ay grupo, habang may tig isang per couple. Nahinto ako sa pagb-browse nang mapunta ako sa picture naming dalawa ni Alec. Kuha iyon nong concert. Naka akbay siya sakin at pareho kaming nakangiti. Nagscroll ako pababa at nakita ang mga comments doon.

Cayle Yzon: Uhhh. Muling ibalik. <3

Vince Robles: Those genuine smiles that we'd never see again.

Julia Montes: Sana pwedeng ibalik ang kahapon.

Enrique Mari Gil: Magbabalikan din naman, pinapatagal pa.

Napaawang ang bibig ko sa tahasang pagco-comment ni Enrique. Napailing nalang ako. Dinaan ko sa iling ang guilt na naramdaman. They all want us together again. Hanggang ngayon, they didn't stop hoping. And Vince was right. I never saw myself smile as genuine as that since we broke up. Hindi ko lang alam kay Alec. But I am 100% sure na hindi na ako nakangiti ng ganoon mula ng iwan niya ako.

I was about to close the picture nang may magpop sa notification ko.

Alec Brandon Chaii Dungo commented on a photo with you.

Kumalabog agad ang dibdib ko. As I click the notif, hindi ko maiwasang mapapikit. Afraid of seeing what he's about to say.

Alec Brandon Chaii Dungo: This made me realize something.

Kating kati ang kamay ko na mag comment ng 'Realize what?' Pero pinigilan ko ang sarili ko. No, Jai. Huwag kang bibigay. Patibong lang niya iyan.

Julia Montes: Ano yun, Kuya?

Alec Brandon Chaii Dungo: Sakin nalang yun.

Napabuntong hininga ako sa sagot niya. Wala siyang balak magsalita. I'm almost dying in curiosity but I don't have the guts to ask. Natatakot akong hindi ko magustuhan ang sagot niya. Kaya pinili kong baliwalain nalang iyon.

Bumukas ang group chat namin nang pangunahan ito ni Cayle.

Cayle Yzon: So, kailan tayo magbi-beach?

Vince Robles: Next week.

Nagtype ako ng reply.

Jyra May Agpangan: Next week, agad agad? Palibhasa RK e. Wala pa akong pera!

Enrique Mari Gil: May nagpaparinig. Alec, libre mo daw ex mo.

Alec Brandon Chaii Dungo: Hindi ako sasama.

Nalukot ang mukha ko sa reply niya. Ang arte! Hindi siya sasama porque nandun ako ganon?

Jyra May Agpangan: Ako nalang ang hindi sasama. Since, wala pa akong budget. Saka baka hindi rin ako payagan kung 3 days, 2 nights.

Julia Montes: Ang kj ng mag ex. Bitter?

Alec Brandon Chaii Dungo: Humanda ka sakin, bukas, Julia. Babatukan talaga kita.

Julia Montes: Hahaha! Hindi nalang ako sasama kila Mama bumisita sa inyo bukas. :P Sama na kasi kayo, Mr. And Mrs. Dungo -- soon to be. Ayiieee!

Cayle Yzon: Oo nga. Nagpapakipot pa e.

Jyra May Agpangan: Libre niyo ako. :D

Alec Brandon Chaii Dungo: I'm not going. Its final.

Enrique Mari Gil: Daming arte. Daig pa ang babae.

Alec Brandon Chaii Dungo: Gusto mo pang sagutin ng pinsan ko, Mari? O gusto mo na yang edad mo?

Natawa ako sabay nanginginig pang nagtype ng reply.

Jyra May Agpangan: Aba! Nagbabanta na siya.

Vince Robles: Yon! Hindi na bitter si babaeng ex. Hahaha!

Alec Brandon Chaii Dungo: Tss.

Napangiti ako. Para akong timang na kinikilig sa Tss niya. Ano ka ba naman, Jai. Tss lang iyon! Bakit wagas ka makangiti diyan?

Julia Montes: Gusto ko 'to.

Cayle Yzon: Haha! Ako rin. Mukhang may magkakabalikan.

Alec Brandon Chaii Dungo: Gaya ng sabi ko, hindi. Hindi ako sasama.

Sinimangutan ko ang screen sa harap ko at padabog na nagreply.

Jyra May Agpangan: Wag pilitin ang ayaw. Baka pumayag. Sama mo nalang sina Dale, Juls. Para marami tayo. :D

Julia Montes: Oo nga, ano? Siguradong sasama yun pag nalamang kasama ka. Baka ililbre kapa nun. Sige sige! :D

Napangisi ako sa pagsakay ni Julia. The best talagang kakampi ang isang 'to. Hinding hindi ka niya ilalaglag.

Cayle Yzon: Edi kasama rin natin sila ng villa?

Lalong lumaki ang ngisi ko. Sige, gatungan niyo pa, Cayle.

Vince Robles: Okay lang sakin.

Enrique Mari Gil: Pauso. Tss.

Jyra May Agpangan: Okay narin niya yun! may ibang langguage yan si Enrique e. Palibahasa alien kase. :P

Alec Brandon Chaii Dungo: Pakasaya kayo. Enjoy.

Kinagat ko ang labi ko habang nagrereply.

Jyra May Agpangan: Last question. @Alec Brandon Chaii Dungo. Sasama ka o hindi?

Alec Brandon Chaii Dungo: Hindi ako sasama..

Inirapan ko ang screen at handa nang magreply ng may capslock nang mag comment ulit siya.

Alec Brandon Chaii Dungo: Hindi ako sasama sa Laguna para lang makasama ka.

Binasa Ni Crush Ang Diary Ko!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon