"Grabe. Miss na miss ko na si Jai. Dalawang linggo palang kaming di nagkikita pero pakiramdam ko, ang tagal tagal na. Para nakong mamatay. Hay."
Napangiti ako sa narinig. Miss na miss din kita, Alec. Kung alam mo lang. At ngayon, hindi ko na sasayangin ang pagkakataong to.
"Kuya Alec, pakuha nga po ng tubig sa kusina. Nauuhaw kasi ako eh."
"Wow Juls. Primadona ang peg? Bakit hindi kaya ikaw ang tumayo dun at kumuha?" boses ni Cayle yun.
"Ehh, natatakot ako eh. Sabi ko na kasing wag horror ang panuorin natin." si Julia yon.
"Tss. Pakulo niyo." Enrique! Subukan mo lang manira ng diskarte!
"Sige na, tama na yan. Ikukuha na kita, Juls. Oy Enrique, hands off. Baka tumalikod lang ako, aakbay kana diyan. Vince, pakibantayan." mahabang litanya ni Alec.
Ang tagal naman oh! Nilalamok na ako dito. Ang dilim dilim pa naman. Huhu.
Narinig ko na ang mga yabag ni Alec papunta ng kusina. Naglakad na ako para salubungin siya bago pa niya masindihan ang ilaw. Niyakap ko siya.
"Sino ka -- mahal?"
Tch! Naman oh. Bakit alam niya agad na ako to? Di ba niya naisip na nasa Bacolod pa dapat ako?
Binuksan niya ang ilaw at tinignan ako. Ngumiti ako sa kanya.
"Ano? Namiss mo ba--" nagitla ako nang bigla niya akong yinakap.
That tight hug that tells me how much he miss me.
Yinakap ko din siya. Dinig na dinig ko pa ang malakas ng pagtibok ng puso niya. Napangiti ako, hearing his fast heartbeat. Parang kinilig ako bigla.
"Jai. Bumalik kana." parang naiiyak pa siya nung hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko.
"Oo, Alec. Totoo to. Hindi ako drawing. Totoo ako." nakangiti kong sabi.
Natawa siya sa sinabi ko. At niyakap niya akong muli. "Sobrang namiss kita!"
"Ako din. Sobra sobrang miss." I hug him tighter.
Grabe, napaka powerful pala ng hug. Kasi you can feel loved and missed with just a single hug.
"Ehe-ehem!" boses ni Enrique. Panira ng moment to, kahit kailan!
Hihiwalay na sana si Alec, pero hindi ko siya hinayaang makakalas. I even hug him tighter. Wala akong pakialam kung makita pa ng barkada.
Basta ang alam ko, sobrang miss ko siya. Kaya yayakapin ko siya ng mahigpit.
"Whoa. Possesive girlfriend!" -Vince
"Uhh. Ang cute! They really miss each other!" -Cayle
"Yey. Masaya na si Kuya Alec. Lahat tayo pati." -Julia
Humiwalay kami sa isa't isa at nagkatitigan sa mata. Pareho kaming napangiti.
"Kami ba, walang hug?"
"Syempre meron!" isa-isa ko silang niyakap. "Na miss ko kayo!"
"Tch! Wag ng maarte." sabi ko kay Enrique nung siya na ang yayakapin ko. Nagkunyari pang iilag ang mokong. If I know, namiss din ako ng bakulaw na sungit na yan. Hmp!
"Kumain ka na, mahal?" tanong sakin ni Alec nang maupo kami sa sofa nila Cayle.
"Oo, kanina pa, mahal. Kayo ba?"
"Tapos nadin. Hmm. Bakit di ka nagpasabing umuwi na pala kayo?"
"Syempre para surprise. Gulat ka no?" nakangiti kong tanong. Mwahaha! Nakaganti rin ako. Last year ganito din ginawa niya nung umuwi siyang Laguna eh. Di rin nagpasabing umuwi. Nagulat pa ako nun nung bigla siyang lumitaw sa mall.
"Oo. Akala ko kung sino yung yumakap sakin sa kusina." natatawa niyang sabi.
"Pbb teens." pang aasar ni Julia.
"Tse!" binato ko siya nung kinakain kong cockies.
"Hahaha!" tumawa lang ang bruha. Tch.
"Guys, since kumpleto na tayo. I-set na natin!" biglang sabi ni Cayle.
"I set ang alin, Yam?"
"Swimming natin!" excited na sabi ni Cayle.
"Tss. Kala ko naman kung ano." ever so sungit na si Enrique.
"Kung ayaw mo, edi wag kang sumama." Go Juls!
"May sinabi ba akong hindi ako sasama?" sasagot pa tong sungit na'to eh.
"Sige Cayle, tuloy mo lang. Wag mong pansinin yung dalawa." wika ko.
Natawa naman si Cayle. "So, yun nga. Tutal summer naman. At kapag ganyan ang magandang gawin ay magswimming. Naisip kong mag outing tayong anim! First outing natin to, if ever." tila excited si Cayle at halos tumalon. "Ano, game kayo?"
"Syempre, game." Vince.
"Game!" Julia.
"Tss." Enrique. Game niya yan! =___=
"Game!" Ako.
"Sige, game." Alec.
"Okay tuloy na. Kailan niyo gusto? Next week?"
"Ikaw ang bahala, Cayle. Sabihan mo nalang kami kung kelan at saan."
"Oki doki." Cayle.
"Oh sige na, late nadin. Hatid ko na si Jai. Kailangan pa nito magpahinga. Galing pa sa mahabang byahe." biglang sabi ni Alec. Tumayo siya at hinintay akong tumayo.
"Ehh? Okay lang naman ako. Dito muna tayo, Lec." alas otso palang naman ng gabi eh.
"Hinde. Jai, wag mong sagarin ang sarili mo. Halos maghapon ang byahe niyo di ba? Tignan mo nga yang mata mo, ang putla na ng kulay mo. Tara na, hahatid na kita sa inyo. Bukas nalang ulit, okay ba yon?"
"Tch!" sinimangutan ko siya. "Dinaan mo na naman ako sa paglalambing mo. Tara na nga!"
Nagpaalam ako sa apat. Hinatid pa nila kami ni Alec sa gate.
Umangkas ako sa motor ni Alec. Binigay niya ako ng helmet at sinuot ko naman. Tapos, humarurot na kami ng takbo.
Pagdating sa harap ng bahay, bumaba ako sa motor at iniabot ang helmet sa kanya. "Salamat sa paghatid, mahal."
"Pahinga kana. Kita nalang tayo bukas." ngumiti siya sakin. Kumikislap ang mga mata niya. Gwapo talaga oh! Walang kupas.
"Uhm. I love you." sabi ko at ginawaransiya ng matamis na ngiti. Hay. Sobrang inlove talaga ako sa lalaking kaharap ko ngayon.
"I love you more." lumapit siya sakin at hinapit niya ang bewang ko, dahilan para mas magkalapit kami. Binaba niya ang mukha niya para maging magka-level ang mga mukha namin. Tumingin siya diretso sa mata ko, then he looked at my lips and close his eyes. He leans closer hanggang sa maramdaman kong dumampi ang labi niya sa labi ko. Pumikit nalang din ako to feel the moment.
Ang lakas ng kabog ng dibdib ko at parang may mga nagliliparang paru-paro sa tiyan ko. I could feel his soft lips pressed against mine. I respond to his kisses for a second, then parted.
His eyes were still sparkling when we parted. "I love you." hinalikan niya ako sa noo.
Ngumiti ako sa kanya. Probably one of the best smiles I've ever thrown. "Mahal na mahal din kita, Alec."
**
Short update. Hehe. Love is in the air! Hart hart. Next chapter, baka outing na. Hehe. Binibilisan ko yung pacing kasi parating na yung turning point eh. Wag masyadong mag expect ha.
![](https://img.wattpad.com/cover/7013941-288-k88318.jpg)
BINABASA MO ANG
Binasa Ni Crush Ang Diary Ko!
RandomBook Two ng Dear Diary. :) Make sure na nabasa na yung book one para alam ang nilalaman ng Diary ni Jai. THANKYOU! :))