Pagkatapos ng maka-agaw atensyong eksena namin ni Alec sa Khub, nandito kami ngayon sa sinehan. Kanina pa nagstart ang movie na pinapanuod namin pero wala akong maintindihan. Iniisip ko parin yung mga nangyari kanina. Inaabsorb kupa, kumbaga. Grabe lang! Ang daming tao nun. Tapos. . . Yh! Baka ma broadcast kami sa school bukas neto.
"Jai, okay ka lang?" alalang tanong ng katabi kong si Alec.
"Oo. Okay lang."
"Nabbored ka ba sa movie?" tanong pa niya.
"Hinde. Ano. M-may iniisip lang."
"Ahh." tipid niyang sagot. Tapos binalik na ang tingin niya sa big screen.
Oh my gosh. Ano kayang mangyayari sa school sa monday? Hindi kaya ako kuyugin ng mga kaklase at kaeskwela ko? Hello! Hearthrob po tong boyfriend ko. Limot nyo na ba? Siya si Mr. Perfect. Nesekenye ne eng lehet. Pete eng pese ke. Mwahaha!
Pero, seryoso. Ano kayang mangyayari?
------------------------------ IMAGINATION one ------------------------------------------------
Masaya akong pumasok sa Campus. Pa hum hum pa ako, pa kanta kanta. Good vibes ako kasi kami na nga ni Ultimate Crush.
"AYAN NA SIYA!" rinig kong sigaw ng isang estudyante.
Pagkatapos nun, nagsitakbuhan silang lahat palapit sakin.
"Jai, totoo bang kayo na ni Alec?"
"May nakakita raw sa inyo sa mall? Sinagot mo na raw siya?"
"Anong masasabi mo dito?"
"Anong pakiramdam nang kantahan ka ng isang Alec Dungo?"
"Oo nga. Tsaka, nagtapat siya sa harap ng maraming tao."
"Ico-confirm mo na ba ang issue na'to?"
"Anong masasabi mo sa mga nambabash sayo at sinasabing feelingera ka lang daw at nagkakalat ng maling tsismis?"
----------------------- End of Imagination -----------------------------------
Erase erase! Ano yon? Artista lang ang peg? Tipong sunud sunod ang mga tanong to the point na wala ka man lang masasagot kahit isa? At ang nakakaloka pa, may bashers agad?! At sino raw ang feelingera, AKO?! Anak ng tinapa. Sasabunutan ko ang magsasabi nun. =___=
------------------------ Imagination two ---------------------------
"Hey!"
Lumingon ako sa tumawag sakin. Malamang ako nga ang tinawag. Ako lang naman ang naglalakad dito sa hallway eh.
"Is it true na kayo na ni Prince Alec?"
At pinalibutan ako ng limang babae na makakapal ang make up.
Seriously. What's going on? =.=
"SAGOT!" sigaw ng isa na may blonde na buhok.
"Oo, kami na." sagot ko.
"HOW DARE YOU!" sinampal ako ng leader-leader'an nilang lima.
"Hindi pwedeng maging taken ang Prince Alec namen! Break up with him!"
"Yeah right. Or else, guguluhin namin buhay mo!"
Na shock ako sa ginawa at mga pinagsasabi nila. Pero ng makarecover ako, gumanti ako ng sampal sa leader 'kuno' nila.
*PAK*
![](https://img.wattpad.com/cover/7013941-288-k88318.jpg)
BINABASA MO ANG
Binasa Ni Crush Ang Diary Ko!
AcakBook Two ng Dear Diary. :) Make sure na nabasa na yung book one para alam ang nilalaman ng Diary ni Jai. THANKYOU! :))