Chapter4: AJ

850 16 6
                                    

"P-para sakin?" di makapaniwalang tanong ko.

Tumango siya ng nakangiti. "Ikaw ang inspirasyon ko sa paggawa ng song na yun, Jai."

I unconsciously smile. Ni hindi ko nga napansin na ang lapad lapad na pala ng ngiti ko. Hindi ko maipaliwanag ang sayang naramdaman ko ng marinig yun mula sa kanya.

Ang ganda ng komposisyon niya, tapos sasabihin niyang para sakin yun? Grabee. Wala akong mapaglagyan ng saya ko ngayon.

The song was about a guy na matagal ng umiibig sa isang girl, na parang sinasabi nya na hindi naman niya sinasadya, pero nahulog sya rito.

Kung para sakin ang kantang yun, ede ibig sabihin. . .

"Jai. I like you. Palagay ko nga--"

"Sandali lang.." bigla kong naisip yung sa Diary.

Nabasa ni Alec lahat ng nasa Diary ko. Nabasa nya kung gaano ko sya kagusto. Hindi kaya nadala lang sya sa mga nabasa niya?

Naguguluhan ako. Kinakabahan. Natatakot. Baka panaginip lang pala to. Baka nabigla lang din sya. Baka bigla niyang bawiin, kapag naniniwala na talaga ako.

Takot akong mag risk. Takot akong magtiwala. Takot akong masaktan.

"Alec.."

"Seryoso ako Jai. Sana maniwala ka."

"Alam ko namang, mabuti ka. Hindi mo kayang manloko ng kapwa mo. Pero kasi, baka nabigla ka lang. Nung mabasa mo yung Diary ko. Baka nadala ka lang, Alec. Baka false feelings lang yan."

"False feelings? Jai naman. Makakapag compose ba ako ng kanta kung false feelings lang tong nararamdaman ko sayo? Wala ka bang tiwala sakin?" tanong niya. Kitang kita ko ang kalungkutan sa mga mata niya.

"Meron. May tiwala ako sayo, Alec. Pero kasi--

Hindi ko naituloy ang susunod kong sasabihin dahil bigla syang nagsalita.

"Gusto na kita, bago ko pa mabasa ang Diary mo."

"H-ha?" para akong nabingi sa narinig ko. "K-kailan pa?"

"Hindi ko alam. Nung naging mag bestfriends tayo? O bago pa dun? Nung nilapitan mo ako? Nung makita kitang nakatitig sakin? Hindi ko alam kung kailan eksakto pero, ang alam ko, matagal na kitang gusto Jai. Hindi ko lang maamin sa sarili ko dati. Inaamin ko, naging duwag ako noon, na torpe ako. Hindi ko magawang umamin sayo. Dahil natatakot akong baka masira yung friendship natin. Natakot ako na baka lumayo ka sakin."

Humakbang siya palapit sakin. Habang ako, ni hindi ako makagalaw. Para akong nabato sa kinatatayuan ko.

Parang gusto kong sampalin ang sarili ko, para maicheck kung nananaginip ba ako o ano. Parang napaka impossible lang kasi. Na ang taong mahal ko, matagal narin palang may gusto sakin.

"Jai." tawag niya sa pangalan ko ng walang makuhang sagot.

Ano na?

Anong sasabihin ko? Ano ba ang dapat kong isagot?

Ang lakas ng tibok ng puso ko. Para na itong sasabog sa lakas ng kabog. Tapos pakiramdam ko, may kung anong lumilipad sa tiyan ko. Ang weird lang, shems.

"Uhh." kinakabahan ako. Hindi ko alam kung bakit. Err! Bakit parang ang awkward ng moment na'to? Tama bang magtapat sakin ang crush ko? Unexpected to teh!

"Hala! May long quiz pa pala kami bukas. Osiya, mauna nako ha. Babayoo!" mabilisan kong dinampot ang bag ko at agad akong tumakbo paalis. Halos matisod pa ako pababa ng hagdan.

"Jai!" dinig kong sigaw pa ni Alec.

Hindi ko siya pinansin, at pinagpatuloy ko lang ang pagtakbo ko pababa ng building.

Takbo.

Baba.

Takbo.

Baba.

Whoo! Nakakapagod yun ah!

Pagdating ko sa ground floor, tumakbo narin ako palabas ng campus. Pero lumingon muna ako sa taas.

Isang nakatalikod na lalaki ang nasa rooftop. Malamang sa alamang eh si Alec yun.

Kumakanta parin kaya siya? Nanggitara?

Ano kayang ekspresyon ng mukha niya?

Masaya ba siya? O malungkot?

Haay. Nakaka guilty naman yun.

                                                                                                                   



***

KINABUKASAN.



Maaga akong pumasok sa school ngayon. Kung tatanungin nyo ako kung bakit, aba'y secret syempre. Mwahaha. Joke!

Eh kasi, nababaliw lang ako sa bahay. Wala kasi akong masyadong ginagawa dun eh. Pagkatapos kong gawin yung mga nakatokang chores sakin, wala na. NGANGA na. Kaya, kapag ganun eh di ko mapigilang mapaisip. At kapag naiisip ko yung mga sinabi sakin ni Alec kahapon ay talagang naloloka nako.

Kaya eto ako ngayon, pa genius ang peg sa library. May hawak hawak na libro, pero di ko naman binabasa.

"Pwedeng maki seat in?"

"Sge." hindi ko na nilingon ang kung sinong studious student na nagtanong. Nagbusy-busyhan nalang ako sa kunyaring pagbabasa habang nakatayo sa tapat ng mukha ko ang librong kinuha ko.

"Uhh Ate. Baliktad po yung librong binabasa mo."

Tinignan ko sa may cover ang libro. Aba'y baliktad nga!

Shungangels lang ang peg. Sorry. Nakakahiya tuloy kay Ate--

"Cayle?"

"Oh, Ate Jai. Ikaw pala!" ngumiti sya ng todo. "Ikaw ha, ang lakas ng trip mo. Magbasa raw ba ng nakabaliktad ang libro?"

Seriously Cayle, nang aasar ka ba? O gusto mo lang ipamukha sakin ang shungangels act ko? =___=

"Walang basagan ng trip." sagot ko ng magtigil siya. Tumawa pa siya saglit, tapos kumalma na. Psh.

"Oh, ba't mag isa ka ata?" Ay. Bigla nalang yun lumabas sa bibig ko. Tama bang?!

"Oo eh. Gusto mo, tawagin ko si Kuya Alec?" akmang tatayo na siya, pero hinigit ko ang kamay niya.

"Ah, wag na Cayle. Anu ka ba, maiistorbo pa yung tao." marahas ko syang pinaupo ulit sa upuan niya.

Natawa siya sakin. "Sige, sabi mo eh."

"Psh. Anu ba to?" hinablot ko yung notebook niyang nakalapag sa mesa.

Binuklat ko ito. Nagulat ako sa tumambad sakin.

Ang nakasulat kasi sa unang pahina ng Notebook ay:

Computer Programming

at sa bottom part ay:

Alec Brandon Chaii Dungo
BSIT-1A

"Kay Alec to?" gulat kong tanong.

"Hehe. Oo. Hiniram ko. Gusto ko kasi pag aralan yung Com.Prog eh." sagot niya.

"Ahh." ibabalik ko na sana ang notebook, pero parang may urge na nagsasabing buksan ko iyon.

Pero oy! Hindi ako tsismosa. Gusto ko lang malaman kung maganda ba ang
sulat niya.

Iniscan ko yung notebook.

Sa last page may nakita akong lettering.

AJ

Napakunot noo ako. "AJ?"

Ngumiti ng pagkalapad-lapad si Cayle. Pakiramdam ko, may alam siya na hindi ko alam.

"Uy Cayle, magsalita ka. Alam ko may alam ka." wika ko.

Ngumiti sya ng makahulugan. "Wala no! Basta alam ko, yang AJ na yan initials ng gusto ni Alec."

"Ahh. Si Nikka." walang gana kong sabi.

"Psh. Slow!" kinuha ni Cayle yung notebook sakin, tumayo siya at aalis na sana pero huminto saglit. "Agpangan, JyraMay."

Binasa Ni Crush Ang Diary Ko!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon