Chapter 31: Bacolod.

363 9 2
                                    

"Oh, bakit parang isang bakol yang mukha mo?"

Nakasimangot akong lumingon kay Alec. Andito kami ngayon kila Cayle, kasama ang abuong barkada. Nagmmovie marathon. Pero ako, hindi naman ako makapagfocus sa pinapanuod namin. Paano kasi, naiinis ako! Aalis na kami bukas papuntang Bacolod. Huhu.

"May problema ka ba, mahal?" bakas sa mukha ni Alec ang pag aalala.

"Hay. Si Mama kasi eh. Ngayon pa naisipang umuwi ng Bacolod."

"Kailan alis niyo?"

"Bukas." sinimangutan ko siya. "Ayoko ngang sumama eh, kaso ayoko din naman maiwan mag isa samin."

"Gaano ba kayo katagal dun?"

"Two weeks daw. Nako! Pag nag enjoy pa si Mama dun baka umabot pa ng three weeks or worst one month! Hay."

"Bakit ba ayaw mong sumama? Ayaw mo sa Bacolod?"

"Hindi naman sa ayaw. Pero kasi.." pag pumunta kami dun, walang chance na magkita tayo. Mamimiss kita! Slow. =___=

"Kase?" nakangisi niyang tanong. Mukhang sa wakas eh nakuha na ang gusto kong sabihin.

"Kase ang pangit mo!" sabi ko sabay binato ko siya ng popcorn.

"Tss. Wag malikot, pwede?!" masungit na sabi ni Enrique. Natamaan kasi siya ni Alec nung inilagan niya ang pagbato ko sa kanya ng popcorn.

Bumuntong hininga lang ako at hindi pinasin ang pagsusungit ni Enrique.

"Okay lang yun. Wag ka ng malungkot diyan." pagch-cheer up sakin ni Alec. "Pwede pa naman tayong magkasama pagbalik niyo e. Hindi naman tayo mauubusan ng panahon, Jai. We all have the time in the world, to be together. Mula ngayon, hanggang sa magpakailanman."

"AYIEEEE!" nabigla ako sa pagtili nina Cayle at Julia na kanina pa pala nakikinig.

"Lakas!" dagdag pa ni Vince.

Naramdaman ko tuloy ang pag init ng pisngi ko. Err! Nakakahiya. Nagbblush ako. Tapos, hindi ko pa mapigilang mapangiti ng todo. Err. Oo na! Kinikilig ako. Mang aasar pa tong mga to eh!

"Psh! Kunyari, seryosong nanunuod ngayon pala nakikinig lang samin?" nakataas ang kilay kong tanong.

"Aba syempre! Multi tasking ang tawag don! Sa tv ang tingin, pero sainyo ang tenga." sabi ni Vince, sabay nagwink pa.

"Tss. Ang ingay naman. Wala na akong naintindihan sa pinapanuod ko."

Sino pa bang magsasabi niyan? Edi ang boring at masungit na si Enrique. Na tanging nag eenjoy sa action movie na pinapanuod namin. Psh! Palibhasa, siya ang pumili eh.

"Tara, sa terrace nalang tayo?" yaya ni Cayle.

"Sige, tara. Tutal naman, di rin kayo totoong nanunuod." natatawa kong sabi.

"Oo nga! Haha. Tara!" -Vince

"Juls, sama ka? Mukhang walang balak sumama si Enrique sa labas eh." -Cayle

"H-ha? Oo, sasama ako. Tara."

Napatingin si Enrique kay Julia nang marinig ang sinagot nila. Umiling nalang siya at dismayadong bumuntong hininga.

Bakit di niya kaya sabihin kung gusto niyang samahan siya ni Julia no? Hay. Ang hirap din ng takbo ng utak nito ni Enrique eh.

--

Nagtungo kaming lima sa terrace nina Cayle at doon pinagpatuloy ang chikahan. Kinulit lang nila ako tungkol sa bakasyon namin sa Bacolod. Kung kailan daw ang alis namin at kailan daw ang balik namin.

Binasa Ni Crush Ang Diary Ko!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon