Chapter 58: Natigilan

202 4 0
                                    

Dumating ang araw ng bakasyon. Madaling araw palang ay sinudo na kami nila Vince. Sasakyan nila ang gagamitin namin. Tutal ay may lisensya na rin siya ay pinayagan na siyang mag drive. Sa front seat sila Vince at Cayle, sa ikalawang hilera naman, si Enrique, Julia at ako. Medyo nainis nga ako nung sinabi nilang hindi daw sasabay samin si Alec papunta doon. Nagmukha tuloy akong third wheel nila Julia at Enrique. Pero siguro ay mas mabuti na iyon. Kaysa naman makatabi ko si Alec sa likod buong byahe. Ang awkward yata noon. Lalo na at hindi ko pa makalimutan yung huling comment niyang, 'Hindi ako sasama ng Laguna, makasama lang kita.' Malantod!

Tinulog ko lang ang buong byahe. Medyo masaklap nga dahil wala akong balikat na masandalan. Habang si Julia ay komportableng nakasandal sa balikat ni Enrique. Perks of having a boyfriend. Err! Sumandal nalang tuloy ako sa bintana ng kotse.

"Ate Jai, gising. Nasa Pangasinan na tayo."

Nalingat ako nang mahinang tapikin ni Julia ang pisngi ko. "Tara!" Yaya niya bago sila bumaba ng Enrique. Nag inat muna ako bago bumaba. Dumiretso kami sa Villa. Ilang sandali pa, dumating narin si Alec. Pero hindi siya nag iisa. Kasama niya si Nelle.

"Bakit nandito yan?" Nakapamewang na tanong ni Julia.

"I didn't invited her." Taas kilay na sagot ni Cayle.

"I did." Ani Alec.

Ang makita lang silang magkasama ay parang karayom na tumutusok sa puso ko. Lalo na nung sinabi pa niya iyon.

"Hihiwalay ba kayo samin?" Tahasan kong tanong.

"No, we'll stay." Sagot ni Nelle matapos ipulupot ang kamay niya sa braso ni Alec.

"Tss. Don't expect us to treat her well, Alec. You know we don't like her, yet sinama mo siya dito without permission. So, we won't adjust just for her." Untag ni Cayle at nag walk out. Sinundan naman siya ni Vince.

"I'm with Cayle, Kuya. I'm sorry pero hindi ko kayang makipagplastikan." Wika ni Julia at umalis rin, kasama ni Enrique.

"Sana ay nagpunta ka nalang ng Laguna at doon mo sinama si Nelle. Mas matatanggap ko pa." Sambit ko kay Alec at tinalikuran ko narin sila. I can't believe na isinama niya rito si Nelle. Paano na yung sinabi niyang hindi siya pupunta ng Laguna para makasama ako? Ako nga ba ang tinutukoy niya sa comment na iyon? Paano kung si Nelle pala ang tinutukoy niya doon? Pero kasi, umasa ako. Umasa na naman ako at nasaktan ulit sa huli.

The next hour didn't turn out well. Sabay sabay kaming kumain ng almusal. Nasa harapan ko pa sina Alec at sweet na sweet silang nagsusubuan. Technically, si Nelle lang ang gumagawa noon pero hindi naman umaangal si Alec kaya sa tingin ko ay gusto niya rin iyon. Ang mas kinaiinis ko pa ay ang pagtingin sakin ni Alec habang ginagawa nila iyon. Parang nang aasar lang. Ano ang gusto niyang ipahiwatig? 'Look how sweet we are. Mamatay ka sa selos.' Is that it? Iniwasan kong huwag tumingin sa kanila but they always get our attention. Ang lakas lang magpapansin.

On the beach, nagtutulakan sila. Tapos aakap pa si Nelle kay Alec. Ako naman 'tong si engot, pinapanuod sila. Kahit na alam kong masasaktan ako. Naghahanap ako ng pagtanggi sa mata ni Alec. Hinahanap ko yung tingin niya na nagsasabing hindi niya aprubado ang mga ginagawa ni Nelle. Pero wala akong makita. All the time ay pagsang ayon ang nakikita ko sa mata niyang iyon. He likes being with her. Siguro nga ay tuluyan na siyang nahulog dito.

"Nelle, wag kang pupunta sa malalim."

Pumikit ako ng mariin nang marinig iyon. He's totally concern with her. Habang ako ay wala siyang pakialam kahit malunod ako. Umahon ako mula sa dagat at nilapitan sina Cayle na kasalukuyang nag iihaw ng isda sa gilid.

"Bakit niya ba isinama ang isang 'yan? Ano bang pumasok sa isip ng pinsan mo at sinasakyan niya ang pagharot sa kanya ni Nelle?" Inis na sabi ni Cayle kay Julia habang mariing tinitignan si Nelle na ngayon ay nakakapit na sa balikat ni Alec.

Binasa Ni Crush Ang Diary Ko!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon