Lumipas ang isang linggo ng di namin namamalayan. Isang araw, sinabi nalang ni Cayle na tapos na ang EnDAREment Game namin. Meaning balik sa normal na ang tawagan namin.
Nagulat pa nga kami dahil di namin namalayang tapos na pala ang one week. Nevertheless, okay narin. Kasi kung ako, parang mas sweet paring pakinggan pag tinatawag ako ni Alec sa pangalan ko.
"Oy panget!"
"Anong problema mo, ubod ng panget?!"
Pero exception sa pagbabalik tawagang ito ang pasaway na couple na sina Julia at Enrique. Aba eh, nawili ata sa pagkakaroon ng endearment, ayan pinanindigan na nila. Mas pumangit nga lang ang tawagan nila. Naging panget at ubod ng panget. Gosh! Parang ang panget? Ay ewan!
"Grabee kayong dalawa. May gusto ba talaga kayo sa isa't isa?" natatawang tanong ni Cayle.
"ASA!" sabay na sagot ng dalawa.
"Sus. Lokohin niyo lelang niyo." komento ko. Mga indenial pa eh. Kung di ko lang alam, iniiyakan pa nila ang isa't isa. Hay nakuu.
Matapos ang kulitan naming anim sa rooftop, bumalik na ulit kami sa mga classroom namin para mag resume ng klase.
[DISMISSAL]
Gaya ng inaasahan, nagprisinta si Alec na siya na raw ang maghahatid sakin. Nung una, kumontra pa ako. Kasi, siya na nga ang sumusundo sakin papuntang school, siya pang maghahatid sakin pauwi? Di ba masyadong abuso na yun? Di naman ako nagboyfriend para may taga hatid sundo ako eh.
Pero ayun, in the end, wala rin akong nagawa. Magkaroon ka ba ng ubod ng sweet na boyfriend na sa lambing niyang magsalita't makiusap eh di mo na magagawang tumanggi pa?
"Salamat sa paghatid." turan ko.
"Wala yun. Responsibilidad kong alagaan ka." nakangiti niyang sagot.
"Asus!"
Inalis ko yung helmet sa ulo ko at inabot yun sa kanya. Kinuha naman niya yun at agad na pinatong sa upuan ng motor niya. Pagkatapos nun, bigla siyang naglakad palapit sakin.
Hinawi niya ang buhok ko sa gilid ng tenga ko at bahagyang inayos ang buhok ko. Tapos ngumiti siya ulit.
"Ganda mo."
"Err! Ano ba." First time in the history! Nahiya ako nang may nagsabing maganda ako! Sana di ako nagblush.
"Oh, bakit?" kunot noo niyang tanong.
"Mabuti pang sinabi mo nalang na I love you, kesa sabihin mong maganda ako. Aba eh, nagkakalokohan ata tayo dito!" sabi ko ng nakapamewang.
Bahagya siyang natawa sa humor ko. Pero nagseryoso rin agad ang mukha niya. Lumapit pa siya sakin, akala ko hahalikan ako.
Gosh! Anu bang naisip ko? Nasisiraan na ata ako ng bait. Bakit ko yun naisip?! Napo-polute na ba ang utak ko?!
"Ikaw" mahina niyang pinitik ang noo ko. "Ayan kana naman e. Dini-degrade mo na naman ang sarili mo. Maganda ka Jai. Di ka ba naniniwala sakin? Tingin mo ba magsisinungaling ako para lang ma-please ka? Hindi ako ganun. Sinasabi ko sayo, kung ano yung nakikita ko, iniisip ko at nararamdaman ko. Lahat yun totoo. Kaya maniwala ka. Okay?"
Tch! Bakit kahit na parang sinisermunan niya ako, hindi ko ramdam? Instead, mas ramdam ko yung sincerity niya. Shems lang. Ang lambing ng boses niya. Tsaka the way he talks, manly but gentle and sweet. Err!
"Oo na! Sorry po." sambit ko, sabay gaya ng pose ni Chichay sa G2B.
Natawa naman siya. "I love you."
BINABASA MO ANG
Binasa Ni Crush Ang Diary Ko!
CasualeBook Two ng Dear Diary. :) Make sure na nabasa na yung book one para alam ang nilalaman ng Diary ni Jai. THANKYOU! :))