SPELL TAMAD? = ME.
Ano ba naman yan, may pasok na agad. Huhu. TT_TT
"Oy Jyra, bilisan mo nga."
"Eto na po, senyoritong sungit!"
Oha. Pano ka ba naman gaganahang pumasok kung isang masungit na Quen ang kasama mo sa pagpasok sa school? Psh. Dapat si Alec nalang naging kapitbahay ko eh. Ede sana, araw araw ko siyang nakikita, tapos palagi ko pa siyang kasabay pumasok sa school. Ede sana, good vibes ako palagi. Eh kaso, hindi. Pinagkaitan ako ng tadhana. =____=
"Ang bagal mo talaga kahit kailan!" reklamo ni Quen habang patuloy parin kaming naglalakad papasok ng campus.
"Wow. Nahiya naman ako sa bilis mong kumilos. Eh ang tagal mo ngang mag ayos, daig mo pang babae. Kung hindi lang talaga ako kinukulit ni Tita Elvie, hindi ako makikisabay sayo no. Kaka badvibes ka!"
"As if naman ikaw nakaka goodvibes!"
"CHEE! Bahala ka nga diyan. Hanapin mo yung first class mo, mag isa!" sigaw ko sabay liko ko sa kanan.
Buti nga sa kanya. Ang hambog hambog magsalita, eh baguhan lang naman dito. Psh!
"Jai."
Hay. Ang hirap talaga magpalaki ng kapitbahay, swear! Nakakastress!
"Jai!"
Sa bahay nga, banas na banas na ako sa kanya. Tapos naging schoolmate ko pa siya. Ang saklap lang ng tadhana. =____=
"JYRA MAY AGPANGAN!!"
Ay Jyra May ka. =.=
Lumingon ako sa may bandang likod.
"Alec."
Sa hindi maipaliwanag na dahilan, bigla akong kumalma.
Ay meganon? Kumalma talaga? Nakita lang si crush / bestfriend / love of my life / suitor, eh kumalma na agad?
Ano to, Pbb teens?!
"Kanina pa kita tinatawag." lumapit pa siya sakin.
Josme! Ayan na naman siya sa ngiti niyang nakakahawa.
"Pasensya na. (hashtag) #MedyoBingi eh."
Natawa siya sa sinabi ko. Hala? Akala ba niya, joke yon?
"Ikaw talaga." Ayan, pinatt pa ang ulo ko. Nagmukha tuloy akong aso.
Ngumiti lang ako sa kanya. Wagas siya makangiti sakin eh. Parang ang rude ko naman kung di ko siya ngingitian. At isa pa, nakaka goodvibes kaya ang smile niya.
"See you at lunch, Jai." sambit niya tapos ay naglakad na paalis.
Ako? Eto, nakatitig sa likod niya.
"Sorry but I'll just keep on loving you, Behind Your Back."
Para akong timang na kumakanta dito sa gitna ng kampus, at naka-mic pa kunware para mas convincing, syempre.
Nang bigla siyang humarap.
*Click!*
Pareho kaming nagulat.
P-pinicturan niya ako?
N-nakita niya akong nagbbaliw baliwan?
OMYGAD!
Nakakahiya!!
Umiwas siya ng tingin, at patay malisyang naglakad ulit.
Ay? Nahiya rin?
EHHH?
Kinikilig ako.
Pero..
Konti lang. XDD

BINABASA MO ANG
Binasa Ni Crush Ang Diary Ko!
RandomBook Two ng Dear Diary. :) Make sure na nabasa na yung book one para alam ang nilalaman ng Diary ni Jai. THANKYOU! :))