Pagkatapos mabasa ang mga sagot na Entries ni Alec sa Diary ko, hindi ko alam kung anong mararamdaman ko.
Part of me, nahihiya. Dahil as I read these, parang it reminds me na nabasa niya lahat ng ka eng-engan, ka echusan, katarayan at kalokohan ko sa Diary ko. Isama mo pa ang konting pagnanasa, este pagaadmire ko sa kanya. And how was that, isama mo pa yung mga kilig kilig chenes ko sa Diary. My Gulay! Nakakahiya talaga. /x.x\
Pero, part of me, was flattered, touched, and happy. Knowing na, hindi lang pala ako ang may gusto sa kanya noon pa. I mean, ang buong akala ko kasi dati, kaya niya ako niligawan dahil:
1. Nabasa niya ang Diary Ko.
2. He got a long with me.
3. Masarap akong kausap, at kasama.
4. Palagi ko siyang napapasaya.
5. FALSE FEELINGS.
Oo, meganon talaga. Kasali yung number 5. May angal ka? Pektos, gusto mo? =.=
Seriously, hindi ko talaga alam na earlier that time na ninakawan ko siya ng tingin eh kilala na pala niya ako. Ang akala ko kasi talaga, hindi niya alam na nag eexist ang isang Jyra May Agpangan sa earth! Eh, malay ko bang makapal ang apog niya at inassume agad na crush ko siya, dahil lang sa sinusulyapan ko siya?
Pero ayun. Nakakatuwa lang na, dahil dun, naging curious siya sakin, to the point na, he's unconsciously thinking of me, na. Parang napaka unpredictable, pero possible pala yun.
Hindi ko mapigilang mapangiti kapag naiisip ko yun. Kapag binabalikan ko yung mga times na ina-admire ko siya, tinitignan sa malayo. Na yun din pala yung mga times na, palihim rin siyang nakatingin sakin.
Those times na, kinikilig ako sa mga ngiti niya, and everytime na nagkakausap kami, may effect rin pala sa kanya.
At hindi ko aakalaing, habang nahuhulog ako sa kanya, unti unti narin pala siyang nahuhulog sakin.
Ang sarap lang sa pakiramdam, na sa una palang, mutual na pala ang nararamdaman namin.
Haay. Sarap lang mainlove. :">
*****************************************************
Dahil sa hindi ako maka-get over sa mga nabasa ko kagabi, hindi ako nakatulog ng maayos. Hanggang 4:30 ng madaling araw ata, dilat ako tapos aga pa nagising. =.=
Kaya ang resulta?
Alam na! EYEBUGS.
"Bat ganyan itsura mo?" salubong na tanong ni Quen paglabas ko ng bahay.
Asusual, kahit labag sa loob ko eh, magkasabay parin kami. Wala eh, no choice.
"Disguise lang, Quen." walang enerhiya kong sagot, at agad na pumwesto sa likod niya sakay ng motor.
"Mukhang multo."
"Don't bother."
"Tss." napailing nalang siya.
Wag na kasing mangealam. =.=
Gaya ng dati, pinaharurot niya ng takbo ang motor niya, not even minding na may sakay siyang babaeng nakauniform, sa likod niya. Oh diba? Hanep pagka-gentleman!
"Salamat ha!" with sarcasm kong sabi, kasabay ng pagbaba ko sa motor niya. Tinanggal ko ang helmet sa ulo ko, at agad na inayos ang gutay gutay ko ng buhok.
"Walang anuman!" ganting sagot niya. With sarcasm rin. Psh!
Ayun, pinaharurot ulit ang motor. Naghanap siguro ng mapapagparkan sa likod ng school. Oo, may parking lot sa likod ng school namin. Bakit ba? =.=

BINABASA MO ANG
Binasa Ni Crush Ang Diary Ko!
RandomBook Two ng Dear Diary. :) Make sure na nabasa na yung book one para alam ang nilalaman ng Diary ni Jai. THANKYOU! :))