Chapter 53 Hindi Nagkaintindihan.

222 4 1
                                    

I spend my worst weekend after that night. Dalawang araw akong nagkulong sa kwarto at nagmukmok maghapon. Saan man ako tumingin ay ang galit na mukha ni Alec ang nakikita ko. The way he curse, the way he shakes his hand, the way he shouts at the top of his lungs. The way he cried. Para iyong patalim na sumusugat sa puso ko. Hindi napagod ang mata ko sa kakaiyak. Every tear was full of regret and pain. Which is an evidence of my love for him. It was love and that love is genuine. What I wrote in that entry was just a mere conclusion without enough basis. I was too careless to write it. I shouldn't wrote it. Iyon ang mali ko. Ang isulat ang isang bagay na hindi naman ako sigurado. Isang pagkakamali na nagdulot ng malaking epekto sa buhay ko. Isang pagkakamali na nagpakawala ng taong pinakamamahal ko.

The next monday is a torture. Mabigat ang paa ko habang naglalakad ako papasok ng Cafeteria kasama ang barkada, excluding Alec. I lose my confidence to get in that place, lalo na nang makita ko si Alec kasama ang ilang myembro ng Student Council at si Nelle. It breaks my heart, to see him laugh with her. Na parang walang nangyari, parang hindi siya nakipagbreak sa akin kani-kanina lang.

---------------------- FLASHBACK ----------------------

Kabado kong tinapak ang huling hakbang ko bago ko marating ang rooftop. Tinext ako ni Alec na magpunta raw ako doon dahil gusto niya akong makausap. Pagkatapos ng dalawang araw na pagbaliwala niya ng mga text at tawag ko ay hindi rin siya nakatiis. He texted me to see him here. Ilang beses akong nagdasal na sana ay hindi siya nakipagkita para makipag break sa akin. Masyadong masakit iyon. Ang siya mismo ang sumuko at magpasyang iwan ako.

"Alec." Binigkas ko palang ang pangalan niya ay naiiyak na ako. Maraming alaala ang nabuo sa rooftop na ito. Dito niya ako kinantahan noon, dito ko kinuha ang Diary ko sa kanya matapos niya itong mabasa. Saksi ang rooftop na ito sa lahat ng pinagdaan namin ni Alec. Kung paano kami naging magkaibigan at kung paano kami na develop sa isa't isa. Saksi ito sa pagmamahalan naming dalawa. Sinadya ba ni Alec na dito kami mag usap? Para ibalik nito sa isip ko lahat ng pinagsamahan namin? Para mabagabag pa lalo ang konsensya ko? This is a real torture. Masyado itong marahas para sa akin.

Mabagal ang naging paglingon sa akin ni Alec. It was like I'm slowly dying while waiting for him to kill me. I hate it that he's prolonging the agony. Pinapatagal niya ang kaba sa dibdib ko. Pinapatagal niya ang paghihirap ko.

Nanginig ako sa lamig ng kanyang titig sa akin. It was like he's staring on a rock, walang ekspresyon at walang emosyon. Para siyang robot na nakatingin sa tao. He was emotionless. At sa titig palang na iyon ay nasaktan na ako.

"Alec, I'm sorry. Yung sinulat ko--"

"Don't talk." Putol niya sa sasabihin ko. Lumapit siya sa akin at kinuha ang kanang kamay ko. Binaling niya ang tingin niya sa pulso ko, kung saan nakasuot ang bracelet na ibinigay niya sakin kamakailan lang. Mahinahon niyang hinaplos ang bracelet na iyon. Hanggang sa unti unti iyong nabigyan ng pwersa. Dahilan para gapangan ko ng kaba.

"Alec," sinubukan kong ilayo ang kamay ko mula sa kanya pero lubhang mahigpit ang hawak niya doon. Nakita kong umigting ang panga niya at lumabas ang galit sa kanyang mata. "Nasasaktan ako." Usal ko habang pilit parin akong pumapalag sa hawak niya.

Binitawan niya ang kamay ko, iyon ay matapos niyang makalas ang bracelet sa may pulso ko. "Sinubukan kong hawakan ka ng mahigpit at huwag kang pakawalan pero sa huli, ako lang ang nasaktan." Aniya sabay buklat ng palad niya at nakita kong may iilang galos at sugat doon, marahil ay galing sa bracelet ko nung hinawakan niya ito at pumalag ako. Tinikom niya muli ang kanyang kamay at hinarap ang railing ng rooftop. Naglakad siya malapit doon. Mabilis ko siyang sinundan habang unti unti ng naninikip ang dibdib ko. Seeing him this ruined was too painful to me. I ruined him. Winasak ko siya ng husto and I hate myself for it. Gusto kong saktan ang sarili ko.

Binasa Ni Crush Ang Diary Ko!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon