Chapter 49 - Ikaw parin

243 5 8
                                    

Araw ng concert. Kabado ang lahat. Handa na ang entablado ngunit kaming mga performer ay tuliro parin. Paulit ulit na bumabalik sa utak ko ang sermon samin ng professor namin sa mga nagdaang araw ng General Practice namin.

"Performance na ang tawag niyo diyan? Sigurado kayo na yan ang ipapakita niyo sa mga audience? Sa palagay niyo ba, hindi kayo lalangawin kung ganyan ang ipapakita niyo?"

Pumikit ako ng mariin kasabay ng pagdarasal ko. Lord, guide niyo po kami. Sana po maging successful ang concert na ito. Hindi ko na po hinihiling na maging perfect pero sana po ay maging worth watching ang mga performances namin. Kayo na pong bahala samin, Lord.

Ilang sandali pa, nagdilim na ang paligid. Umilaw ang entablado at lumabas ang unang singer na kakanta para sa opening. Nagpalakpakan ang lahat. Nakuha kasi ng singer ang timing ng kanta. Matapos noon ay sunod sunod ng nagsilabasan ang ibang singer at mga back up dancer.

Matapos ang opening number ay nagtuloy tuloy na ang flow ng concert. Ginapangan agad ako ng kaba nang mapagtanto kong susunod na ang duet namin ni Tom.

"Relax lang." Hinawakan ni Tom ang kamay ko. "Isipin mo, parang practice lang 'to. Wag kang tumigin sa mga tao. Sakin ka lang tumingin."

Tumango ako. Kahit papaano ay nabawasan ang kaba ko sa ginawang iyon ni Tom kaya hindi ko na siya sinaway sa paghawak sa kamay ko. Dahil doon, naramdaman kong hindi ako nag iisa. Kasama ko siya.

Umakyat kami sa stage, matapos kaming tawagin ng huling performer. Tumugtog agad ang intro ng kanta at hindi ko maiwasang hindi kabahan.

Hinawakan ni Tom ang kamay ko at tinignan niya ako bilang senyas na kailangan ko ng magsimula. Humugot muna ako ng malalim na hininga bago umpisahan ang kanta.

🎶 Lyin' here with you so close to me

It's hard to fight these feelings when it feels so hard to breathe

Caught up in this moment

Caught up in your smile 🎶

Sinunod ko ang sinabi ni Tom. Sa kanya lang ako tumingin sa buong duration ng pagkanta ko. Hindi naman mawala ang ngisi sa labi niya hanggang sa umawit siya ay naroon parin iyon.

🎶 I've never opened up to anyone

So hard to hold back when I'm holding you in my arms

We don't need to rush this

Let's just take it slow 🎶

Napapikit ako nang marinig ang malambing niyang boses. Hindi ko magawang titigan siya sa mata habang kumakanta siya. Kaya pasimple nalang akong tumingin sa noo niya para makita ng audience na sa mata parin niya ako nakatingin.

Nagngitian kami ni Tom bago kantahin ang chorus ng kanta. Narinig kong may mga tumili mula sa harap. Untu unting umingay ang Amphitheater as we sing the chorus.

🎶 Just a kiss on your lips in the moonlight

Just a touch of the fire burning so bright

No I don't want to mess this thing up

I don't want to push too far

Just a shot in the dark that you just might

Be the one I've been waiting for my whole life

So baby I'm alright, with just a kiss goodnight 🎶

Tom walks closer to me habang mariin paring nakatitig sa mata ko. Unti unti na akong nadala sa tingin niyang iyon. Dinampi niya ang kamay niya sa pisngi ko. At nagdulot iyon ng boltaheng kuryente sa sistema ko.

Binasa Ni Crush Ang Diary Ko!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon