- Julia's POV -
Halos sampung minuto na ata kaming nakaupo dito sa sala pero wala parin kaming napag uusapan. Parang may pader na nakaharang sa pagitan namin na pumipigil saming magsalita.
Huminga ako ng malalim para makakuha ng bwelo. Sinubukan kong buksan ang bibig ko. Pero sa huli, ang tanging nasabi ko ay..
"Masarap yang pancake, luto ni mama." sabay push ko nung platitong naglalaman ng pancake.
Oo, tama. Kung hindi ako komportableng pag usapan yun, hindi ko nalang dapat umpisahan ang topic na 'yun.
"I'm sorry." biglang sabi niya.
Nagulat ako sa narinig. Siya ba talaga nagsabi nun? Hay. Atlast, nagsalita rin siya. At yun pa talaga ang unang salitang lumabas sa bibig niya. Ang sorry. Pero, saan?
"Sorry saan?" tanong ko nang diretsong nakatingin sa kanya.
Nakayuko parin siya kaya hindi niya alam ang mariin kong pagtitig sa kanya.
Hindi siya agad nakasagot. To the point na, ilang minuto na akong nag aantay ng sagot pero wala pa din.
"Enrique. Akala ko bang gusto mong makipag usap? Bakit hindi ka nagsasalita?"
Bakas sa boses ko ang munting pagtataka at may halong konting inis. Hindi dahil sa ginulo niya ako, o sinasayang niya ang oras ko. Kundi dahil, gusto kong malaman ang saloobin niya. Kung ano ba talaga ang gusto niyang sabihin sakin.
"Enrique?" ulit ko.
Sa pagkakataong ito, nagawa na niyang lumingon sakin. Inangat niya ang mukha niya para maka level ang mukha ko. Pagkatapos, diretso lang ang tingin niya sa mga mata ko.
"Alam ko, nasaktan kita. Hindi ko man sinadya pero nasaktan ka. . . Dahil sakin. . . Sa mga ginawa ko. Kaya, gusto kong humingi ng tawad sayo."
Ito ang unang pagkakataon na makita ko ang pagsusumamo sa mata ni Enrique. Ramdam na ramdam ko ang sincerity niya sa pagtingin ko palang sa mata niya. Alam kong galing sa puso ang mga sinasabi niya.
At dun palang. Parang gusto ko ng bumigay. Gusto ko ng magpatawad. Gusto ko ng makalimot, sa lahat ng sakit na dinanas ko. Gusto ko siyang tanggapin ulit.
Pero, hindi naman lahat ng gusto ay dapat masunod..
Lalo na kung alam mong ang nakataya ng bawat pagkakamali ng desisyong gagawin mo, ay ang puso mo.
"Tanggap ko ang sorry mo. Pero sorry din. Ayoko ng maulit lahat ng yun. Ayoko ng guluhin ng mga fan girls mo. Gusto ko ng tahimik na buhay, Enrique. At sa tingin ko, makakamit ko yun kung--"
"Iiwasan mo ako." pagtutuloy niya ng sinabi ko.
Hindi ako nakaimik. Yun palang thought na kailangan ko siyang iwasan, ang hirap na. Paano pa kaya kapag kailangan ko ng gawin?
"Sorry ulit, Julia. Pero hindi kita hahayaang gawin yan." sabi pa niya na mariin paring nakatitig sa mata ko.
Napalunok ako sa sinabi niya. "Anong ibig mong sabihin?"
"Dahil simula ngayon, hindi na kita hahayaang mawala sa tabi ko. Babantayan kita, kung kinakailangan. . . Wag mo lang akong iwan."
Heto na naman tayo. Isang salita lang niya, pakiramdam ko safe na ako. Pakiramdam ko, okay na ang lahat.
Sigh.
Bakit ba hindi ko magawang makatanggi?
Oonga pala.. Mahal ko na kasi siya..

BINABASA MO ANG
Binasa Ni Crush Ang Diary Ko!
RandomBook Two ng Dear Diary. :) Make sure na nabasa na yung book one para alam ang nilalaman ng Diary ni Jai. THANKYOU! :))