Chapter 51: Danger.

325 2 0
                                    

Dear Bestie,

I feel so guilty. Tingin ko ay may ideya na si Alec tungkol sa panlalamig ko sa relasyon namin. Nakakatawang isipin na ako pa ang may karapatang manlamig samantalang siya itong maraming dahilan para manlamig. Hindi ko itatanggi na mas maganda si Nelle sa akin. Mas may label siya. Kumbaga sa mga gamit ay mas branded siya habang ako ay ordinaryo lang. Alec can just jump to Nelle and love her back pero hindi niya iyon ginawa. He's been so faithful to me kahit na halos ipagkanulo na siya ng school kay Nelle. Habang ako dito ay nalilito sa feelings ko kay Alec at lumang feelings ko kay Tom. Yes, I believe that the feelings doesn't fade totally. Naitambak lang iyon sa likod ng puso ko. And now those feelings are starting to move again, in the center of my heart. Alam kong kasalanan ko rin iyon. I shouldn't nurture the feelings and just throw them away pero hindi ko mapigilan. I can't leave Tom either. Hindi ngayon na kailangan niya ng masasandalan. Dati ko na siyang iniwan at alam kong nawasak ko siya ng sobra noon. Ayoko na iyong maulit ngayon. I want to be there for him.

Pero kahit yata gaano pa kaganda ang intensyon ko ay ayaw parin akong lubayan ng guilt na ito. My conscience is telling me that its wrong. Mali na samahan ko si Tom at tanggihan ang mga alok ng barkada. Mali na mas piliin kong puntahan sa Hospital ang Mama ni Tom kaysa pumunta kina Alec at i-meet ko ang parents niya. Mali na tanggihan ko ang pagyaya sa akin ni Alec ng date at damayan ang malungkot na si Tom. Am I being unreasonable, Bestie? Kritikal ang kondisyon ng ina ni Tom. The Doctor says na makina na lang ang bumubuhay sa kanya. Was it wrong to be on Tom's side in this situation? Hope you could answer me right now.

Signing Off: Jyra May.

"Should I give her up?"

Mabilis kong sinara ang Journal ko nang marinig si Tom sa gilid ko.

"Can you?" Pagbabalik ko ng tanong.

Umiling siya. "But I have too. Hirap na hirap na siya. She already wants to rest."

"Tom, I know this is hard for you. Andito lang ako." Hinawakan ko ang kamay niya to comfort him. Nagulat siya sa ginawa ko pero it made him smile. He held my hand tighter. Pinagsiklop niya ang mga kamay namin, na siyang hindi ko inasahan. We holding hands inside the Cafeteria!

"What a great scenario."

Ginapangan ako ng kaba nang marinig ko ang maarteng tono ng boses ni Nelle. Hindi dahil takot ako sa kanya kung hindi dahil sa thought na package sila ni Alec. With Nelle around just means that Alec is here as well. At nakita niya ang paghahawak kamay namin ni Tom.

Mabilis kong kinalas ang kamay ko mula sa hawak ni Tom at kabadong nilingon si Nelle. Surprisingly, Alec is not with her.

Humalukipkip si Nelle sa harap ko at tinaasan niya ako ng kilay. "I never expected you're worse than I could imagine. Flirt."

Pumikit ako ng mariin habang pinapanuod ang likod niyang umalis doon. May ilang estudyante ang napalingon sa amin sa ginawang eskandalo ni Nelle habang ang iba ay abala sa pagkain at pagku-kwentuhan. Pinagkibit balikat lang iyon ng mga nakakita. Sanay na sila sa ugali ni Nelle at hindi na iyon big deal sa kanila. Ofcourse, it shouldn't be. Lalo na ngayon na hawak ng Valderama Corporation sa leeg ang school. At ang sinumang bumangga kay Nelle ay siguradong mapapatalsik sa eskwelahang ito. Kaya nga, pati ang mga dating nambash sa kanya sa social media ay tumigil na pagkatapos nilang humingi ng paumanhin. Iba talaga ang nagagawa ng may pera. Power and authority comes with it.

"Don't mind her. She's just jealous." Biglang sabi ni Tom. "Siguro ay crush din ako non." Ngisi niya.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Lakas ng self confidence ah."

Nagkibit balikat siya. "My charm's totally carries it all. I even make you hold my hand. Am I not charming?"

Inirapan ko siya. "Pumunta ka sa Hospital mag isa mo!" At kunyaring magw-walk out.

Binasa Ni Crush Ang Diary Ko!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon