Dahil sa sinabi ni Alec, good vibes ako buong araw. Kahit pa, nakita ko ulit si Nelle nung nagdismiss kami at para siyang unggoy kung makapalupot sa braso ni Alec. Okay lang. Kasi, sa isip ko, ako ang mahal niya. And he rather lose his position than to lose me. Isa iyong implikasyon na mas mahalaga parin ako para sa kanya kumpara sa anumang bagay. At yung ideyang yun ang tumakip sa lahat ng duda at takot ko. Yun ang magiging sandata ko upang iwasang magselos o mainis kay Nelle.
Sa sumunod na araw, ginulat kami ng Prof nang in-announce na may bago daw kaming kaklase. July na for pete's sake. Pero nakapagtrasfer pa ang kung sino mang poncho pilato na yun. Parang medyo unfair kasi supposedly, hindi na sila tumatanggap ng estudyante gayong tatlong linggo na kaming pumapasok. O di kaya eh magiging irregular na yung student na yun. Pero bakit ganun? Regular pa siya at kaklase namin.
"Class, I want you all to meet, Mr. Doromal."
Nalaglag ang panga ko sa pagpasok ni Tom sa klase namin.
Tom Doromal? Anung ginagawa mo dito??
"He'll be included in your class from now on." utas ni Ma'am. Bumaling siya kay Tom na noon ay nakatayo na sa harapan. "Mr. Doromal, introduce yourself."
Tumikhim si Tom. "Good Morning, classmates. I'm Tom Doromal from Xavel University. Nineteen years old." simpleng pakilala niya.
Agad namang may nagtaas ng kamay sa mga kaklase ko para agawin ang atensyon ni Tom.
Kung hindi niyo kasi naitatanong eh, lalong gumwapo si Tom. Yeah, ilang buwan lang ang lumipas mula nung magkita kami sa Bacolod pero parang ang daming nagbago sa kanya. Naka brace na siya ngayon at nakataas ang kanyang buhok. Mas pumuti siya at tumangkad din. Siguro, ginugol niya ang bakasyon niya sa pagbabasketball. Kasi gumanda rin ang build up ng katawan niya. Hindi na siya yung payat na si Tom. Gwapo na siya noon pero mas lalo pa siyang gumwapo. Lutang parin ang mahaba niyang pilikmata at ang expressive niyang mga mata.
"May tanong ako? Okay lang ba?" pa tweetums na sabi ni Mariel.
"Yeah sure." nakangiti niyang sagot na nakapagpalabas ng green niyang braces. Mas naging perpekto ang ngiti ni Tom ngayon. Siguro, dahil mas confident na siya. He now has this killer smile na nagpatili sa mga kaklase kong babae.
"May girlfriend ka na ba?" tanung ni Mariel.
Ngumisi si Tom. "Wala. But my heart is taken to the girl it still beats for."
Kumalabog ang puso ko sa sinagot ni Tom. Hindi naman sa assuming ako, pero bakit parang may tama sakin yung sinabi niya? At ang mas nagpahuramentado sa lintik kong puso ay ang pagtingin niya sakin matapos niyang sabihin iyon.
"Aw!" umaktong nasaktan si Mariel, maging ang mga kaklase ko napa 'Aw' din.
"Sino yung girl? Taga saang school?" tanong ni Jess.
"Someone very special. Taga saan? Hmm. What do you think?" sabi ni Tom at talagang nagwink pa.
Halos mahimatay si Jess sa ginawa ni Tom.
"OMG! Taga rito ata yung babae." bulong ni Bea na nakaupo sa harap ko.
Napailing nalang ako. Kailan pa natuto ng playboy moves tong si Tom? May pa wink wink na siyang nalalaman ngayon? Tss, tapos ngingisi ngisi pa? Tss. Bakit ba kasi nagtransfer siya dito? Tsaka, anu yung sabi ni Bea? Taga dito yung babaeng gusto niya?
Hay. Sana hindi ako yun. Kasi ayokong saktan siya..
"Enough of that. Let's proceed to our discussion. Mr. Doromal, please take your seat." utas ng professor namin.
"Yes, Ma'am." sabi ni Tom at nilibot ang paningin sa buong classroom. Huminto ang mata niya sa direksyon ko. Tapos ay nakangisi siyang naglakad papunta sa upuan..sa likuran ko.
BINABASA MO ANG
Binasa Ni Crush Ang Diary Ko!
RandomBook Two ng Dear Diary. :) Make sure na nabasa na yung book one para alam ang nilalaman ng Diary ni Jai. THANKYOU! :))