Chapter 21: EnDAREment.

439 9 5
                                    

Kasalukuyan pa kaming kumakain ni Alec nang mabaling ang atensyon namin sa may pintuan ng Cafeteria. Bigla kasing naging tahimik ang buong Cafeteria nang bumukas ang pinto nito at may dalawang taong pumasok.

"Magkasama sila?"

"OMG! Don't tell me sila ulit?"

"NO!"

"Flirt."

"B1tch."

Nagsimula na ang bulung bulungan sa paligid, matapos nilang maka'recover sa pagkagulat. Habang ako, lihim na napangiti. Pero nang marinig ang mga bulung bulungan ng mga estudyante, nakaramdam ako ng pagkainis.

Nakayukong pumasok ng Caf si Julia, kasama si Enrique sa tabi niya.

Hindi naman matanggal ang mata ng lahat sa kanila. Para bang may spotlight na sa kanila lang nakafocus kaya't sa kanila lahat ng atensyon ngayon.

"Enrique!" sigaw ng isang babae na mukhang kanina pa gustong magwala sa inis.

Isang malamig na tingin lang ang ibinato ni Enrique sa kanya. Kaya medyo napalunok si Girl.

Oh ayan. Ang lakas ng loob mong sumigaw sa crowd, tapos isang cold stare lang, tiklop kana agad teh?

"Makinig kayo." sambit ni Enrique ng nakatingin sa lahat.

Seriously. Gagawa siya ng eksena dito? I mean, of all places, dito pa talaga niya naisipang mag announce?

Kung sa bagay. Sa Cafeteria naman talaga nagmumula ang lahat ng tsismis. So, may point rin siya.

"Wag na wag niyong gagalawin tong katabi ko." dagdag pa niya sabay marahang hinila ang balikat ni Julia palapit sa kanya. "Ang sinumang nagtangkang manggulo sa kanya, mananagot sakin."

Napanganga naman ang mga nakarinig. Parang di nila ma-absorb ang tinuran ni Enrique. Habang ako, konti nalang, papalakpak na ako sa tuwa. Finally, pinaglaban niya rin si Julia.

Juls, haba ng hair mo girl!

"Pwede na ba naming ituloy ang pagkain namin?"

Nagulat ako sa biglang pag entrada ni Alec. At sa tono niya, parang may konting iritasyon.

May kataliman rin ang pagtitig niya kay Enrique.

Hala, may namumuo pa atang tensyon sa pagitan nila? Oh noes.

"Wala namang nagbabawal sayong kumain, Dungo." sagot ni Enrique.

Sumagot pa. Gusto ata niyang ma-fire out sa buhay ni Julia.

Enrique, ano ba! Baka nakakalimutan mo, pinsan ni Julia ang kausap mo!

Hindi na sinagot ni Alec si Enrique. Sa halip, binaling niya ang tingin sa kanyang pinsan. "Julia, sumabay kana saming kumain."

Napa-angat naman ng mukha si Julia pagkatapos ay tumango ito at agad na lumapit sa table namin. Habang si Enrique, nanatiling nakatayo doon.

"Hi Julia." masigla kong bati, para ma lighten up naman kahit papano ang mood niya.

"H-hello Jai." nahihiya niyang sagot.

"Steak oh, masarap yan." nilapit ko sa kanya yung plato ko.

"Ah, salamat."

"Sabi ko, wag kang aalis sa tabi ko di ba?" sambit ng kakarating lang na si Enrique. Umupo siya sa last vacant seat, which is sa tabi ko. Since, umupo si Julia sa tabi ni Alec, kaharap ko.

"Hindi ako anino mo para sumunod sayo." sagot ni Julia.

Aba! Tumatapang ang lola mo.

"Julia." turan ni Enrique na para bang tunog warning.

Binasa Ni Crush Ang Diary Ko!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon