Chapter 33: Nag iisang panalo..

345 7 0
                                    

Simula nang sabihin ni Alec yun, iniwasan ko na si Tom. Kapag inaaya niya akong lumabas, tumatanggi agad ako. Kahit nga mga pinsan ko minsan hindi ko na nasasamahan kasi alam kong kasama din nila si Tom. Naging close narin kasi siya dito dahil sa dalawang linggo naming pananatili dito.

Oo, two weeks na kami dito sa Bacolod. Pero ayun si Mama, mukhang wala pang balak umuwi. Hindi narin naman ako umaangal kasi alam kong minsan niya lang makakasama ang mga kapatid niya eh. Isa pa, mga tita't pinsan ko naman ang mga kasama ko dito. Siguro dapat ding makipagbonding ako sa kanila.

"Jai, inaaya ka ng mga pinsan mo. Magswimming daw kayo"

"Opo, pakisabi susunod nalang po ako."

Nakarinig ako ng buntong hininga mula sa kabilang linya ng telepono.

(Kailan ang uwi niyo?)

"Hindi ko alam kay Mama eh. Sana next week?"

(Ah, sige. Pasalubong ko ha?)

"Pagdala kitang buhangin. Gusto mo?" natatawa ako sa tanong ko. Monggoloyd ka talaga, Jai.

Natawa siya sa sinabi ko.

(Sige. Pwede na ang isang sakong buhangin, mahal)

"Isang sako? Demanding ah! Sinong magbubuhat non?"

(Si Tom..)

Katahimikan.

Awkward moment 101.

"Jai! Tara swimming tayo!"

(Tinatawag kana ata ng mga pinsan mo. Sige na)

"Tawag ka ulit mamaya?"

(U hum. I love you)

Napangiti ako. "I love you, too. Miss na miss na kita, mahal ko!"

Narinig ko siyang napangiti.

(I miss you too, mahal. Sige na. Ingat ha?)

"Opo. Bye. I love you!" binaba ko ang telepono ng may ngiti sa labi.

Lumabas ako ng bahay at sinamahan ang mga pinsan ko na kasalukuyang nagsswiming na sa dalampasigan.

"Jai, halika dito! Ang lamig ng tubig."

Nginitian ko sila at agad narin akong lumusong sa tubig. Whoa! Ang lamig nga. Sarap maligo dito. Ang linaw ng tubig, sobrang linis. Naglakad pa ako hanggang sa umabot na ang tubig sa bewang ko.

Tinanaw ko ang mga kasama ko, mga babae kaming lahat dito. Mabuti naman. Ligtas ako kay Tom. Hehe.

Sinubukan kong lumubog. Kitang kita ang ilalim ng tubig. Lumangoy ako ng lumangoy.

Ang sarap ng lagaslas ng tubig sa katawan ko. Malamig at presko sa balat.

Feel na feel ko ang paglangoy sa dapat. Pakiramdam ko, ako si Dyesebel! Mwahaha. Oo na, ambisyosa na ako. Wag na kayong kumontra diyan. Minsan lang naman eh!

Ilang minuto rin akong palangoy langoy, hanggang sa di ko namalayang malayo na pala ang naabot ko. Nang subukan kong abutin ang ilalim, lumubog ako. Anak ng tokwa! Nalulunod ata ako!

"Tulong! Ablk." pinilit kong ikaway ang mga paa ko pataas sabay ng pagkaway ng kamay ko. Pero nung tumagal, naramdaman kong pinupulikat ang paa ko. Ouch!

Hindi na ako nakakaway pataas. Unti unti akong lumulubog. Katapusan ko na ata.

Alec, nasan ka?

Unti unti kong pinikit ang mga mata ko. Kasabay ng pagtangis ng luha sa pisngi ko. Katapusan ko na ata. Unti unti nakong nawawalan ng hininga.

Binasa Ni Crush Ang Diary Ko!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon