Habang binabasa ko sa screen ng phone ko ang pangalan ni Tom, parang nanariwa sa ala-ala ko ang lahat. Unti unting nagsibalikan sa ala-ala ko ang mga nangyari noon..
---------------* FLASHBACK*----------------
Nagkakilala kami ni Tom 3 years ago. Bakasyon namin, before fourth year high. We meet through our common friend, Marie. Nagkataon kasing nagmall kami ni Marie tapos nakita namin siya nagsstroll mag isa. Kaya inaya siya ni Marie na sumama na samin and he did.
We introduce ourselves with each other. Siya daw si Tom Doromal, nag aaral St. Agustine High. Sa araw palang na yun, nagclick na kami ni Tom. Masarap kasi siyang kausap. Napaka natural niyang tao. Yun bang, honest lang. Hindi tulad ng iba kong kilalang lalaki na maangas at trying hard maging cool at astig. Siya, he was being himself. Hindi siya nahihiyang maging siya, parang ako. Kaya siguro nagkasundo kami agad dahil pareho kami ng ugali.
After that, nagpalitan kami ng number ni Tom. He often text me. Kinakamusta ako, tapos we'll talk about a lot of things. Para ngang hindi kami nauubos ng pinag uusapan. Madalas din siyang tumawag nung tumagal. Tinatamad daw siyang magtext kaya tumatawag nalang siya. And there, we often talk. Dahil dun, mas nakilala namin ang isa't isa.
Hanggang sa bigla niya akong ayain na lumabas. Magmall daw kami. Pumayag naman ako since nakagaangan ko naman siya ng loob. And so we meet. Again, ang dami naming napagkwentuhan. Kulang pa ata ang isang araw para matapos ang kwentuhan namin. Sa sobra nga naming pagiging comftable, hindi na namin napansin ang oras.
The night after that, Tom texted me na dalasan daw namin ang paglabas. Sobrang natutuwa daw siya sakin and gusto pa daw niya akong makilala. Malugod naman akong pumayag sa ideya niya since komportable naman na akong kasama siya at isa pa, gusto ko din siyang makilala.
Mula noon, palagi na kaming lumalabas ni Tom. Dahil dun mas nakilala pa namin ang isa't isa at lalong lumalim ang friendship namin.
Nagpasukan na ng 4th year, palagi parin kaming magkatext o magkausap ni Tom.
Malimit rin kaming lumabas. As days past by, lalo kaming naging malapit sa isa't isa. Hanggang sa isang raw nagising nalang ako na nahulog na pala ako sa kanya.
Hindi ko sinasabi sa kanya ang tungkol sa nararamdaman ko. Kahit pa, tingin ko ay medyo halata na dahil sinasakyan ko minsan ang ka-sweet'an niya. Yes, Tom starts to become sweeter. Tingin ko nga, he fells first. At inamin naman niya sakin yun. Na espesyal daw ako sa kanya.
We don't have a formal commitment. Pero alam kong mutual ang feelings namin. As far as I know, alam din niya yon kahit di ko sabihin. Kasi hindi naman ako mag aaksaya ng panahong itext siya at lumabas kasama siya if I wasn't feeling the same. So dun palang, parang nagkaintindihan na kami.
No formal confirmation. Merely mutual understanding, ika nga.
Months have past. I started to fall deeper into him. That's when the like turns to love. At sa tingin ko, ganun din siya.
One day, nag aya siyang magmall. Nagkaproblema daw kasi sa kanila. His parents fights. He was so down that he needed me. Too bad na saktong kailangan din ako ng pamilya ko. Nahospital kasi si Mama nun. Hindi ko siya maiwan kaya sabi ko, hindi ko muna siya masasamahan.
Akala ko noon, magagalit siya sakin pero hindi. Hindi naman daw kasi siya nag isa dahil nakita niya sa mall ang kaklase niyang si Desiree. So, I thank God for it. Hindi niya pinabayaan si Tom.
Lumabas ng hospital si Mama and everything went fine. Minus the fact na naging madalang nalang ang paglabas namin ni Tom dahil sobrang busy na sa school dahil last quarter na. Thesis, final requirement, exams etc.

BINABASA MO ANG
Binasa Ni Crush Ang Diary Ko!
РазноеBook Two ng Dear Diary. :) Make sure na nabasa na yung book one para alam ang nilalaman ng Diary ni Jai. THANKYOU! :))