Chapter 48 Itaga mo sa bato.

187 4 0
                                    

Bestie! Ayoko na yata. Parang gusto ko ng mag back out sa concert. Bakit ganun? Hindi ko maiwasang madala sa duet namin ni Tom? Pinilit kong wag maapektuhan sa kanya pero palagi lang akong nabibigo. Bukas, umpisa na ng practice namin ng Chacha. I feel so guilty. Hindi ko pa sinasabi kay Alec ang tungkol sa pagpapartner namin ni Tom sa kanta at sayaw. Baka masorpresa nalang siya. Hindi ako makahanap ng tyempo. Palaging nakadikit sa kanya si Nelle. Anong gagawin ko, Bestie?

Signing off: Jyra May.

"Emo?"

Mabilis kong sinara ang Journal ko nang marinig ang boses ni Tom sa gilid ko. Break namin ngayon at mamaya lang ay itutuloy na namin ang pag uusap tungkol sa gagawing sayaw.

"Hindi. Unwind lang." Tipid kong sagot.

Hindi siya sumagot, sa hali ay tumayo siya at nilisan ang tabi ko. Nag kunot noo ako sa pag alis niya ngunit ang pagbaling ko sa direksyong tinahak niya ang naging sagot sa tanong ko. Nakatayo doon ang matangkad na si Alec.

"Jai, pwede ba tayong mag usap?"

Ginapangan ako ng kaba nang makita ang seryoso niyang mukha. Makikipaghiwalay kaya siya sakin? Pinilig ko ang ulo ko sa ideyang naisip.

Tumayo ako at sinundan siya palabas ng Amphitheater. Umupo kami sa mga upuang nakahilera malapit sa pinto ng Hall.

"Hindi mo yata kasama si Nelle?" Tanong ko.

Umiling siya. "Sabi ko, may pupuntahan ako sa Student Council. Hindi niya alam na dito ako pumunta."

"Baka mag-huramentado na naman 'yon." Malamig kong tugon.

"Hayaan mo siya. Wag mo siyang isipin."

"Paanong hindi ko siya iisipin eh dahil sa kanya, hindi tayo makapag usap." Napailing ako dahil sa pait ng tono ko.

"I'm sorry. Alam ko, nagkukulang ako sa'yo." Aniya.

Nang balingan ko siya ay nakatingin lang siya sa harapan. Hindi siya makatingin sakin at sa simpleng ideyang iyon ay kumirot agad ang puso ko.

"Busy rin kami." Sagot ko at ginaya nalang siya. Itinuon ko nalang din sa harap ang tingin ko upang maiwasan kong maging emosyonal.

"Pansin ko nga. Inalok ako ng president niyo na kumanta." Nakita ko sa gild ng mata ko na bumaling siya sakin.

"Anong sabi mo?" Ngunit nagmatigas ako at hindi ako nagbawi ng tingin.

"Titignan ko. Marami rin kasing ginagawa sa Student Council." Aniyang nakatitig parin sakin. Siguro ay pinag aaralan ang ekspresyong binibigay ko.

Tumango ako. Pero sa gilid ng utak ko ay may iilang tanong. Hindi ba siya sabik na makasama ako ulit? Can't he find this a way para mapalapit sakin? Bakit hindi niya tinanggap ang pagkakataong ito? Masyado ba talaga siyang abala o ayaw lang talaga niya?

Tumayo siya, matapos makita ang kawalan ko ng sasabihin. May inabot siya saking styro at isang bote ng mineral water. "Binilhan kita ng pagkain. Baka sa sobrang busy mo, makalimutan mo ng alagaan ang sarili mo." Sabi niya at pumihit na paalis.

"Salamat." Halos pasigaw ko ng sabi. Mabilis siyang nakalabas ng Hall kaya isinigaw ko iyon para marinig niya.

Bubuksan ko na sana ang styro nang mapansin kong may sticky note pala sa harap nito, nakatupi. Nang buklatin ko iyon ay halos maiyak ako.

- I just want to remind you that I still love you. Hindi ko man palaging naipapakita pero wag kang magduda, mahal. Ikaw parin at ikaw lang.

Ganado akong bumalik sa practice matapos kong kainin ang bigay na pagkain ni Alec. Hindi matanggal ang ngiti ko sa buong araw na nag uusap kami tungkol sa concert. Pagkatapos ng meeting ay nag umpisa narin kaming turuan ni Sir Ralph ng sayaw.

Pagpasok ng buwan ng Disyembre ay mas naging abala ang lahat. Halos hindi na kami magkandaugauga sa kaka ensayo ng Chacha. Kailangan naming ma-perfect iyon bago matapos ang linggo kaya puspusan ang practice namin.

"Tigilan mo nga yang pagngisi mo." Masungit kong sabi kay Tom. Buong practice namin ay nakangisi siya. Nanunuya ang mga ngiti niyang iyon.

"Bakit? Naga-gwapuhan ka na ba sa dimples ko?" Ngisi niya.

"Nahahanginan, pwede pa. Kumakapal ang mukha mo, ano?"

Nagawa pa talaga naming mag usap habang sumasayaw. Inikot niya ako sa isa niyang kamay at halos mahilo ako nang paulit ulit niya iyong ginawa.

"Kakatayin talaga kita mamaya!" Inis kong sabi. Alam na alam niya kung paano ako pikunin. At sa mga nagdaang araw ay iyon ang paborito niyang gawin.

Humalakhak siya. "Galit ka na ba?"

"Hindi. Bwisit na bwisit palang." Nag igting ang panga ko at pinakita ko sa kanya ang panggagalaiti ko. Sakto namang magkaharap kami noon at magkahawak kamay na ginagawa ang step ng Chacha.

"Shit. Bakit ang ganda mo pag naiinis?" Lumitaw ang malalim niyang dimples dahil sa pagngisi niya ulit.

"At kailan ka pa natutong magmura ha?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"Shit ulit! Concern ka sakin, Jai?" Halos mapunit na ang labi niya sa kakangisi.

"In your dreams!" Inirapan ko siya. Humalakhak lang ang mokong.

"Sabi ko na nga ba, mahuhulog at mahuhulog ka ulit sakin." Mayabang niyang utas.

"Gagawin ko ang lahat, wag lang akong mahulog sa'yo, Tom."

"Hindi mo ma kailangang pigilan amg sarili mong mahulog sakin, Jai. Kasi hindi ko naman hahayaang masaktan ka. Dahil handa akong saluhin ka." Aniya habang pinapanuod akong umikot sa braso niya.

"Hindi na kailangan, Tom. Kasi in the first place, hindi naman ako mahuhulog." Sabi ko pero napasigaw ako nang gawin namin ang final pose at hindi niya ako sinalo. Kumapit ako sa damit upang hindi tuluyang bumagsak sa sahig.

"Walanjo ka talaga!" Sigaw ko habang naghahabol ng hininga. Muntik na akong atakihin sa puso sa kaba. Ang walang hiyang ito! Hindi niya inalalay sa likod ko ang kamay niya at kung hindi pa mabilis ang reflexes ko ay baka bumagsak na ako sa sahig.

Mariin siyang tumingin sa mata ko at naramdaman ko ang pagsuporta ng kamay niya sa likod ko. "Sa huli, kakapit ka parin sakin. Mamahalin mo ako ulit, Jai. Itaga mo yan sa bato."

Binasa Ni Crush Ang Diary Ko!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon