Chapter 36: All that matters.
Kinabukasan, nagkita kami ni Alec sa school. Pinuntahan niya ako sa room namin nang maglunch time na. Nagtilian pa ang mga kaklase ko nang makita siya sa may pintuan ng room namin.
"Look! Andito ang president ng Student Council."
Kung popular na dati si Alec, mas naging popular pa siya ngayon dahil sa pagiging SSC President niya. Ngayon, hindi na lang siya basta hinahanggaan o tinitilian ng mga kababaihan, kundi nirerespeto at ginagaling na siya ng lahat ng estudyante dito sa Western dahil sa awtoridad na meron siya.
"Aga niyo atang nagdismiss?" tanong ko nang malapitan ko na siya. Sinalubong niya naman ako ng may matamis na ngiti.
"Oo. Nag quiz lang kasi kami." utas niya. Kinuha niya agad ang dala kong bag. Sweet, as ever.
"Boyfriend pala ni Jai yung president ng student council?"
"Oo. Matagal na nga sila eh. Hula ko malapit ng mag one year."
"Grabe, nandito pala ang first lady ng Western. Haha!"
Napailing nalang ako sa malakas na bulung bulungan ng mga kaklase ko. Binaling ko nalang ang atensyon ko sa katabi kong si Alec na ngayon ay kasabay ko ng naglalakad papuntang Cafeteria.
"Kumusta sa student council?" tanong ko.
"Yun, okay naman. Though, medyo nakakabusy siya. Kaya naman." sabi niya sabay ngumiti siya sakin. "Ikaw? Kumusta? Okay ba mga profs mo?"
"Oo. Nakakamotivate sila." tanging sagot ko.
"How about your classmates? Hindi ka ba nahihirapan? Hindi mo na kaklase si Vince, di ba?"
"Hindi naman. May mga kakilala narin ako. Tsaka, may makakaclose din ako sa mga yun in due time." ngumiti ako sa kanya.
Tumango siya. Pagkatapos pinagbuksan niya ako ng pinto dahil narating na namin ang Cafeteria.
"Thanks!" sabi ko.
"Anything for you." ngumiti na naman siya. Nasilaw ako sa ngiti niya. Mesmerizing, as before.
Malapad ang ngiti ko habang papunta kami ni Alec sa isang table doon. Hindi namin nakita sina Vince, Cayle, Julia at Enrique. Ang alam ko, plano nilang kumain sa labas ngayon. Hindi na ako sumama kasi inaya nga ako ni Alec na sabay na kaming maglunch.
"Anung gusto mo, mahal?" tanong niya nang makaupo na kami sa isang vacant table.
"Hmm, sweet spicy beef with fried rice tapos orange juice and chocolate ice cream."
"Hindi ka kaya magka diabetes niyan mahal? Ang tatamis ng mga inorder mo ah. Hm, ayaw mo water nalang yung drinks? For good digestion?" tanong niya at tinignan ako with pleading eyes.
"Tch! Anu pa nga ba?" hindi ko siya matanggihan. "Sige, water."
"Thank you. Bait talaga ng girlfriend ko." kinurot niya ang pisngi ko. Aw! "Yun nalang din oorderin ko. Hintayin mo ako diyan, mahal."
Pinanuod ko lang siya habang naglalakad siya papunta ng counter. Ang tangkad ni Alec. Ganda ng figure niya. Lalo pang nagpagwapo sa kanya ang neat uniform niyang suot. Pati ang I.D lace niyang parang necktie. Argh! Everything about was just perfect. His innocent kind looking face, his long eyelashes, his perfect nose, and red lips. His killer smile and expressive eyes!
Shems! Sa bawat pagtitig ko sa kanya, lalo pang nagiging perfect ang mukha niya. Pero hindi lang yun ang nagpapaangat sa kanya. Kundi pati ang personality niya. Sobrang friendly, super nice at down to earth na tao. He almost got it all. Talented siya at matalino. Pero never siyang nagyabang o nagmalaki. That's what I love about him. His very kind heart that touches every people he meets.
BINABASA MO ANG
Binasa Ni Crush Ang Diary Ko!
AcakBook Two ng Dear Diary. :) Make sure na nabasa na yung book one para alam ang nilalaman ng Diary ni Jai. THANKYOU! :))