Chapter5: Malapit Na Akong Maniwala..

863 15 9
                                    

AJ - Agpangan JyraMay

"The feeling is mutual."

"I like you."

The song he compose.

ANO BA?!

MALAPIT NA AKONG MANIWALA!

GUSTONG GUSTO KO NG MANIWALA..

Oo, capslock para intense. Oh bakit, bawal?

NAKAKABALIW NA KASI EH. PROMISE!

Yung tipong, sobrang gusto mo yung isang tao, sa totoo lang, mahal ko mo nga eh. Tapos isang araw, bigla siyang aamin sayo? Pagkatapos niyang malaman ang nararamdaman mo sa kanya.

Yung tipong, gusto mo ng maniwala sa kanya, pero mas nangingibabaw parin ang takot na baka hindi pala totoo ang lahat. Na baka magising nalang ako isang araw, panaginip lang pala ang lahat.

Argh! Bakit ba kasi ako natatakot?

Mabuting tao naman siya. Mukha naman siyang seryoso at sincere.

Ay teka nga!

Umamin siya, pero wala naman siyang tinatanong.

Ibig bang sabihin nun, wala syang balak manligaw?

Ehh? Anong feeling niya, kami agad ganon?

NO WAY!

May karapatan parin naman akong magpakipot no! Babae padin ako.

Ay ewan! Bahala ka sa buhay mo, Alec Dungo.

Hindi ako magpapastress para lang sayo.

Mwahaha. Ang bad ko.

*/~ AKO ANG RINGTONE MO. SAGUTIN MO NAMAN ANG PHONE MO! ~/*

"Hello?"

(Ate Jai !)

"Oh Cayle. Napatawag ka?"

(Psh. Nakakatampo talaga kayo)

"Ha? Bakit?"

(May performance kami mamaya. Hindi nyo alam?)

"Ha? Performance? Saan?"

(Di ba nag audition ako sa Westernians Got Talent?)

"Ah oo! Tanda ko na. Ehh. Ngayon na ba yun?" tanong ko.

(Ay hinde. Bukas bukas! =___=)

"Aba! Ikaw Cayle ah. May nalalaman ka ng pa-sarcastic tone dyan. Jombagin kita dyan eh!"

(Psh! Osiya. Ikaw na pong tumawag kay Kuya Alec no? Byee!)

"H-ha? Teka lang Cayle--

*Doo doo doo*

=____=

Hanep tong si Cayle ah. Ako pa talaga ang inutusang magsabi kay Alec? Hindi ba nya alam ang sitwasyon ko ngayon?

Psh!

Nagtype ako ng message sa phone ko.

/ Alec, nuod raw tayo sa Westernians Got Talent, mamaya. Kasali si Cayle /

Send to: Alec Dungo.

Pagkatapos itext si Alec, dinial ko naman ang number ni Vince.

(Hello?)

"Vince! Panuorin natin maya si Cayle."

(Ah, si Cayle) parang lumungkot ang boses niya.
(Oo sige)

"Hindi parin ba kayo okay na dalawa?" tanong ko.

Bumuntong hininga sya. (Hindi parin eh. Ilag parin siya sakin)

"Ano ba kasing nangyare ha?"

Nagsigh siya ulit. (Kasalanan ko)

"Bakit? Ano bang nagawa mo?"

(Hindi ko siya nasuklian)

"H-ha?" naguguluhan kong tanong. Hindi niya nasuklian? "Hindi ko gets."

(Basta, to cut the story short, kasalanan ko ang lahat)

"Hay nakoo. Wag ka ng malungkot diyan. Magiging okay rin ang lahat."

(Sana nga..)

"Oo yan."

(Sige Jai. Kita nalang tayo mamaya sa Auditorium)

"Sige, bye."

Hay. Nakaka bother naman.

Ano kayang nangyari sa dalawa?




                                                                      - Cayle's POV -

Nandito na kami sa backstage. Mamaya, magsstart na ang contest. Nandun na kaya sina Vince? Este sina Kuya Alec?

Sana naman, Oo. Kinakabahan kasi talaga ako.

Tinignan ko, for the last time ang phone ko, bago ito itago sa bag.
May dalawa itong messages.

Unang message, galing kay Kuya Alec.

/ Goodluck Cayle! Andito na kami sa Auditorium. Kaya mo yan. =) /

Bahagya akong napangiti. Buti nalang andito ang mga kaibigan kong to. Kahit na medyo stress ako this past few days, naccheer up naman ako dahil sa kanila.

Iniscroll up ko ang phone at nabigla ako nang makita ang pangalan ng
ikalawang nagtext.

Si Vince.

/ Goodluck Cayle /

Lalo akong nakaramdam ng kaba. Andito rin kaya siya? Manunuod din ba siya?

Parang hindi ko na ata kaya. Mag quit na kaya ako.

Pero, patapos na ang unang nagperform.

At ako na ang kasunod. Anong gagawin ko?

"Wow! That was an awesome performance from Rock Breakers!" dinig kong sabi ng MC.

Oh my gosh! Tapos na ang first performer. Ako na ang kasunod! Lord, please help me.

"Ngayon naman, i welcome natin ang 2nd performer natin, coming from BS.I.T-IA, Cayle Yzon!"

Puno man ng kaba, nagawa kong sumampa ng stage.

Kailangan kong gawin to. Kailangan kong lampasan ang takot ko.

Wala namang mawawala kung susubukan ko, hindi ba? There's no harm in trying.

"Let's give a round of a plause for Ms. Cayle Yzon!"

Nagpalakpakan naman ang mga manunuod. Inilibot ko ang tingin sa buong
Auditorium.

Binasa Ni Crush Ang Diary Ko!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon