Epilogue

363 9 9
                                    

3 Years Later..

"Fiancé, may good news ako sayo!"

Mabilis kong tinapunan ng masamang tingin si Alec. "Hindi tayo engaged. Stop calling me that." Mataray kong sabi. Hinawi ko ang buhok ko at binalik ang tingin sa computer sa harap ko. "Ano yung good news mo?"

Lumapit siya sakin at pumangalumbaba sa harap ko. "Natapos ko na yung system na pinapagawa sakin." Aniya sabay kindat pa.

"Wow! Congrats!" Untag ko habang patuloy parin sa pagtipa sa keyboard.

"Makakapagdagdag na tayo ng isa pang unit."

Bumaling ako sa kanya. "Alec, hindi ka obligado na iinvest lahat dito ang assets mo ha. Remind lang kita. Pwede mo rin yang gamitin sa personal needs mo."

"I know. But let me remind you too. I work for us. For our future. So, might as well, invest ko na lahat dito. Don't you think so?" Nakangiti niyang tugon.

"How sure are you that we are going to be partners in the future, hmm? Don't you think its too early to tell who will you end up with?" Sagot ko ng nakangisi.

Biglang nagseryoso ang mukha niya. "I'm already sure its you, since college. I already knew its you, I'll end up with. Ewan ko lang sayo if you feel the same." Tinagilid niya ang kanyang ulo at bahagyang umigting ang kanyang panga. He's upset, nakikita ko iyon sa mapupungay niyang mata.

Napangiti ako. "Di ka naman mabiro. Ofcourse, I knew its you. Noong college pa, alam kong ikaw narin ang para sakin."

That made him smile. "Can't we get married now?" Nakangisi niyang tanong.

Natawa ako. "We are not even a couple yet."

"Then, let's be." Seryoso niyang sabi.

Lihim akong napangiti. Handa na akong sagutin siya nang biglang bumukas ang pinto ng shop.

"Pwede na po ba?" Tanong ng isang estudyante samin. Pamilyar ang mukha niya sakin dahil regular na naglalaro dito.

Bumuntong hininga si Alec, halatang dismayado. Kung hindi kasi dumating ang lalaking ito ay baka sinagot ko na siya. Natawa tuloy ako. Salubong kasi ang kilay niya nang buksan niya ang isangunit ng computer.

"Oo, pwede na. Ikaw, nag almusal ka na ba? Ang aga ng dota mo ah." Biro ko.

"Ah, hindi po ako magdo-dota. Magsskype kami ng girlfriend ko. Anniversary po kasi namin." Sagot niya.

Tumango ako. "Ah."

Nakasimangot na bumalik si Alec sa tabi ko. "Ayon, sa number 6 ka." Aniya sa kliyente.

Hindi ko napigilang matawa sa itsura niya. Para siyang pinagsakluban ng langit at lupa. "Okay lang yan. Baka hindi pa ito ang perfect time." Untag ko at tinapik siya sa braso.

"Tss." Umiiling niyang sabi. "Samahan mo akong bumili ng bagong computer mamaya?"

Nakangiti akong tumango. "Sure! After natin magsara ng shop."

"Tagal." Humilig siya sa counter at sumilip sa screen ng computer ko. "Ano yan? Financial Statements?" Tanong niya tapos ay tumingin sakin.

Tinanguan ko siya at pinakita ang nakakabaliw na computation sa isang sheet. "Grabe! Nakakabaliw talaga ang Accounting."

"Balance na ba?" Tanong niya.

Sinimangutan ko siya, "Hindi pa nga e. Hindi tally yung cash ng balance sheet sa cash flow."

"Paano nangyari 'yon?" Kinuha niya mula sa kamay ko ang mouse at nag umpisa na siyang i-check ang FS na ginawa ko. "Wala ka bang na miss out na expenses?"

Binasa Ni Crush Ang Diary Ko!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon