Chapter 34: Outing.

380 8 0
                                    

Dahil sa pursigido si Cayle sa pagsset ng outing namin, heto at nai-push nga ang pinropose niyang first swimming get away ng barkada.

Andito kami ngayon sa Vacay Resort. Infernes, maganda dito. Madaming halaman, kaya masilong. Hindi ka mabibilad kahit nagsswimming. Tsaka marami ang swimming pools, ang hahaba pa ng mga slides, may isang wave pool at isang Jakuzi. Oh di ba? Ang sossy! Kaso ang entrance naman, P200. Ang mahal! Josme. Tapos yun pang Villa namin, P2,000 eh ang liit lang. Though may tv naman siya at aircon. Pero mahal padin! Biruin mo, di nga kami kasyang anim dun sa kama. Pangtatlo lang ata yun eh, or dalawa. *pout*

Pagkalapag namin ng mga gamit sa Villa, agad nagtakbuhan sina Cayle at Julia papunta ng banyo para magbihis. Magsswimming na raw sila. Wow ha! Excited much?

Habang ako, umupo lang sa maliit na couch katapat ng kama at kumuha ng chichirya. Binuksan ko ang nadampot kong Piattos green at inalok sina Alec, Vince at Enrique. "Gusto niyo?"

Umiling ang dalawa.

"Di ka magsswimming, mahal?" lumapit sakin si Alec at dumukot sa Piattos na kinakain ko.

"Hindi muna siguro. Mamaya nalang." nakangiti kong sagot.

Naalala ko yung nangyari sakin sa Bacolod. Nung muntik nakong malunod. Hindi ko yun sinabi kahit kanino. Tanging kami ni Tom at mga pinsan ko lang ang nakakaalam sa insidenteng yun.

Sa totoo lang, kinakabahan ako ngayon kasi baka ang effect nun sakin ay nagka phobia ako sa tubig. Tapos kapag pumunta kami nina Alec sa swimming pool at makita ang reaksyon ko eh magtaka siya. Tapos mauungkat yung sa nangyari sa Bacolod, tapos magagalit siya kasi naglihim ako. Tapos makikipagbreak siya sakin. HINDE! Hindi yun pwedeng mangyari. Kaya hindi na muna ako lalapit sa pool. Dito na muna ako para mas safe and sound. Hehe.

Maghahanda muna siguro ako kung paano ko haharapin ang tubig sa pool.

"Hoy panget,"

"Ay pangit ka!" kakagulat naman tong si Enrique.

"Kanina kapa lutang diyan. Mukha kang tanga."

"Wala akong pakialam sa opinyon mo sungit! Lumabas kana nga!" ka-BV talaga. Tsk.

"Tss." pailing iling siyang umalis. Kainis talaga!

"May problema ka ba, Jai?" umupo si Alec sa gilid ng kama at ngayo'y kaharap ko na.

"Wala, mahal." ngumiti ako ng todo. Yung convincing pero pekeng ngiti.

"Sure ka?"

"U hum." tumango ako.

"Sige. Sabi mo e." nagtungo siya sa banyo.

"Ehh? Magsswimming kana din, mahal?" tanong ko over the door. Kakapasok niya lang ng banyo eh. Tingin ko naman, narinig niya pa ako.

"Oo, habang hindi pa mainit."

"Ah, sige." kainggit naman. Gusto ko nading magswimming. Gusto kong itry dun sa wave pool. T.T

"Ikaw, mahal? Sure ka, mamaya kana?" binuksan ni Alec ang banyo at lumabas siya mula rito. Nakasando siyang kulay puti at board shorts. Yiee, gwapo talag oh!

"O-oo."

Tinaasan niya ako ng kilay. "Talaga?"

"U hum!" tumango ako. Pero parang may stiff neck ako, di ko maitango ng husto ang ulo ko. Huhu. Labag kasi sa kalooban eh.

"Tss." hinila niya ako mula sa couch at tinulak papasok ng banyo. "Magbihis kana. Hihintayin kita. Sabay tayong pumunta dun."

Ehh? Magsswimming kami? AYOKO! Baka mangyari yung naimagine ko kanina. Baka magbreak kami pagkatapos!

Binasa Ni Crush Ang Diary Ko!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon