Chapter 32: Boyfriend feels.

362 10 0
                                    

Lumipas ang mga araw ng wala namang unusual na nangyayari. Syempre, wala ding masyadong kilig moments. Dahil haler! Isang pulo ang layo namin sa isa't isa. Nasa Luzon siya, habang ako andito sa Visayas. Though madalas ko parin siyang makausap through phone call o text, iba parin pag nakakasama ko siya ng personal.

"Miss mo na siya?" nagulat ako nang tumabi sakin si Tom.

Nakaupo kami ngayon sa tabing dagat. At tinatanaw ang papalubong ng araw.

"Oo, miss na miss." sabi ko. Nakatanaw parin ako sa kulay pusyaw na langit.

Natawa siya ng kaunti. "Ilang araw ka palang dito ah?"

"Limang araw na, Tom. Para sakin matagal na yun. Sa school kasi, halos araw araw ko siyang nakikita. Kaya nasanay na akong palagi siyang kasama."

"Ah. Ganun ba?" nabakas ko ang kalungkutan sa boses niya. "Mahal mo talaga siya no?"

"Oo, sobra." napangiti ako nang maalala kung paano ako nahulog sa kanya. Yung gwapo niyang mukha, yung swabe niyang pagsayaw, yung napakaganda niyang boses, yung mala-varsity niyang galing sa basketball at volleyball, yung mala einstein niyang utak sa pagiging genius. Higit sa lahat, yung kabaitan niya at pagiging maalaga.

"Maswerte siya sayo."

"Hindi, mas maswerte ako sa kanya." nakangiti kong sabi.

Ngumiti din siya. "Masaya ako na masaya ka, Jai."

"Salamat." nakangiti kong sabi.

Tuluyan ng bumaba ang araw at unti unti ng kumagat ang dilim. Kaya tumayo na ako at ganun din siya. Inabot pa niya ang kamay niya sakin upang maalalayan ako. Malugod ko naman yong tinanggap. Nagngitian kami at sabay na umuwi.


"Pupunta ka ba mamaya?" tanong ni Tom. Naglalakad na kami ngayon pabalik ng bahay.

"Saan? May salu-salo na naman ba?"

"Hindi. May sayawan kasi mamayang gabi." sagot niya.

"Ah talaga? May ganun pala dito."

"Oo. Taon taon daw yun ginagawa e. Hmm. Sana pumunta ka."

"Huh?" napangiti ako sa naisip. "Gusto mo akong isayaw no?" natatawa kong biro sa kanya.

"Tss. Assuming ka talaga! Pero dahil sinabi mo, sige isasayaw kita." pagsakay niya sa biro ko.

"Asa! Hindi ako pupunta." binehlatan ko siya.

"Aba! Nanghahamon ka ba ng habulan, Bach?"

Pinanliitan ko siya ng mata. "Anong tinawag mo sakin?"

"Bach. Tabachoy ka e."

Binasa Ni Crush Ang Diary Ko!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon