Pagpasok palang ng buwan ng Agosto, naging abala na ako sa paghahanda ng regalo para kay Alec. Isa para sa birthday niya at ang isa naman ay anniversary gift. Scrapbook ang naisipan kong ibigay sa kanya as the latter gift pero sa birthday niya, hindi ko parin alam. Para kasing nasa kanya na ang lahat eh. Ano pa kayang gusto niya?
Habang iniisip kung ano ang ibibigay kong birthday gift kay Alec, inumpisahan ko ng gawin ang scrapbook. Laman ng scrapbook na ito ang mga alaala namin ni Alec. Ang aming lovestory, at lahat ng pinagsamahan namin sa nagdaang isang taon ng aming relasyon.
Noong una, hindi ko alam kung paano simulan. Parang masyadong marami ang pahina ng scrapbook na hindi ko kayang punan lahat. Pero habang tumatagal, ang daming pumapasok sa isip ko. Ang dami kong nasusulat, ang dami kong gustong sabihin. Lahat ng nilalaman ng puso ko, sinulat ko sa scrapbook na ito.
Limang araw na tig limang oras lang ng tulog ko, dahil sa dami ng ginagawa sa school at sinasabay ko pa ang paggawa ng scrapbook. Pero, baliwala ito sakin. Ganun siguro talaga pag mahal mo ang isang tao. Handa kang gawin lahat para sa kanya, para sa ikaliligaya niya.
August 6. Maaga akong pumasok sa eskwela, dala dala ang mga lobo at iba pang pan design na gagamitin ko. Naisip ko kasi na isang romantic date nalang ang iregalo ko kay Alec sa kaarawan niya. Gusto ko, kahit isang araw lang, makapag relax siya. Mawala lahat ng iniisip niya, at the same time, magkakaroon pa kami ng quality time para sa isa't isa. Celebration narin to para sa anniversary namin.
Pagdating ko sa rooftop, inayos ko na ang venue. Daig ko pa ang caterer. Buti nalang at nakakuha ako ng ideya sa internet kung paano mag ayos ng date venue. Red and white ang theme nitong lugar. Nagpatulong ako sa crew sa Cafeteria sa pag akyat ng tables at chairs. Buti nalang at kabasa ko yung crew. Pinayagan akong mag set up dito sa rooftop.
Halos isang oras rin ang ginugol ko sa pag aayos ng venue. Saktong nagring ang bell ay natapos na ako sa pagkalat ng rose petals sa floor.
"This is it!" Excited akong pumasok sa klase ko. How I wish, mag lunch break na para makita na ni Alec ang hinanda kong regalo para sa kanya.
** KRIIIIIIIIIIIIIIIIIIING! **
"Alright!" Napatayo ako at napasuntok sa hangin nang tumunog ang bell.
Pinagtinginan ako ng mga kaklase ko at kasunod noon ay ang malakas na tawanan. Nang ibaling ko sa aming Prof ang tingin ko, halos humandusay ako sa sahig dahil sa talim ng titig niya.
"Peace po. Hehe."
"Follow me on the guidance office, Ms. Agpangan."
"But Ma'am--"
"No buts. Follow me."
Bawat minuto na nasa Guidance Office ako, para akong unti unting sinasaksak. Alam kong limitado lang ang oras na meron si Ales ngayon kaya kailangan kong sulitin ang bawat oras. Pero andito ako sa G.O, pinapagalitan ng Councelor.
12:20 na nang nakalabas ako ng G.O. Excited kong tinawagan si Alec.
(Hello?)
"Happy Birthday!"
(Happy Anniversary!)
Napangiti ako sa pagbati niya. "Happy Anniv. Nasan ka?"
(I'm outside the Campus. Why?)
"May ipapakita sana ako. Asan ka? Sinong kasama mo?"
(Nasa resto ako. I'm with Nelle and his dad. Mukhang papayag na siyang mag invest sa school. Isn't that a great gift?)
"Ahh. Oo nga.." Nakaramdam ako ng kirot sa tinuran niya. Paano naman yung gift ko?
(Sige na, Jai. Hindi ko pwedeng patagalin to baka mag change mind si Mr. Valderama. I'll call you later, okay?)

BINABASA MO ANG
Binasa Ni Crush Ang Diary Ko!
CasualeBook Two ng Dear Diary. :) Make sure na nabasa na yung book one para alam ang nilalaman ng Diary ni Jai. THANKYOU! :))