Chapter 54: Walang Halaga

266 5 4
                                    

Naging malupit ang mga sumunod na araw sa akin. Alec went colder to me. Pag nakakasalubong ko siya sa hallway ay para lang akong hangin sa kanya. Sa Cafeteria ay hindi niya kami nilalapitan ng barkada. Kapag sinusubukan kong lapitan siya ay agad siyang umiiwas. Hindi ko na alam ang gagawin ko. My heart is dying in pain everytime I see him happy with Nelle. He seems to be totally fine. At ang ideyang iyon ang pumipiga ng husto sa puso ko.

"Lunch out?"

Tamad kong binalingan si Tom. "Pass. Wala ako sa mood lumabas."

"Pero naka mood kang magmukmok? Common, Jai. Cheer up!" hamon niya.

Umiling ako. "I can't. I can't be okay knowing that Alec is treating me like a stranger."

"Ano ba kasing nangyari? Why don't you tell me? Gusto ko ng upakan ang kumag na 'yon. He's making you miserable and you don't deserve it. Nakikita mo ba kung paano siya tumawa kasama si Nelle? He's perfectly doing fine while you are suffering like hell."

"Kasalanan ko, okay? Kasalan ko. I deserve it." Hindi ko na napigilan ang pagdaloy ng luha sa mata ko,

"Shit, Jai. Wag kang iiyak dito." Aniya at nilibot ang tingin sa buong klase. Abala ang iba sa pag aayos ng gamit, habang ang iba ay nakalabas na. Nakaupo ako, habang si Tom naman ay nakatayo at nakaharang sa harap ko.

"Sorry, Tom. Ang sakit sakit na kasi, e." Bulong ko at nagpigil ako ng paghikbi. Mabilis akong hinila ni Tom palabas. Nakayuko ako sa kanyang likod. Nagtungo kami sa kanyang kotse sa parking lot at doon niya ako pinakalma.

Nang makapasok kami sa kanyang kotse ay agad niyang inabot ang panyo niya sakin."Isa pang beses na makita kitang umiyak dahil sa kanya, aagawin na talaga kita."

Lalo akong naiyak sa sinabi niya. "Wag mo na ngang pahirapan ang buhay ko. Ang hirap na nga e. Mas gagawin mo pang komplikado."

"Jai, nandito lang ako. Kahit hindi mo ako mahal, pwede mo akong sandalan. Kung hindi ka niya kayang alagaan, ako aalagaan kita na parang prinsesa. Jai, sabihin mo lang kung hirap ka na sa kanya, babawiin na kita."

"Ano ako, isang bagay na pwedeng ipahiram at bawiin matapos akong paglaruan?" Sinamaan ko siya ng tingin. "Tom, sa love, no return no exchange. Hindi porket hirap ako sa sitwasyon namin ni Alec ay babalik na ako sayo. Hindi ako ganoon. Oo, siguro nga, nagkamali ako nung inakala kong ikaw ang nandito at hindi siya. Isa 'yong malaking pagkakamali, Tom. Dahil sa kabila ng lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon, hindi ko parin magawang talikuran siya at sumuko sa aming dalawa. Kahit ako nalang ang lumalaban. Nananatili akong matatag. Dahil mahal ko siya at totoo ang pagmamahal na 'yon."

Nasaksihan ko ang pagtulo ng gabutil na luha mula sa mata ni Tom.

"I'm sorry, Tom. Pero mahal ko talaga siya at kahit ilang ulit pa akong masaktan ay hindi ko parin siya bibitawan." untag ko at lumabas sa kotse niya.

Muli kong pinunasan ang luha sa pisngi ko matapos kong makalabas doon. Huminga ako ng malalim bago hinarap ang bakanteng parking lot. Laking gulat ko nang nakita ko si Alec na nakatayo doon, mariing nakatitig sa kotseng pinaglabasan ko. Naging matalim ang tingin niyang iyon nang kumalabog ang pinto sa may driver's seat. Hudyat na lumabas na rin si Tom.

"Kailan pa nagsimulang maging kainan ang loob ng kotse? Lunch break ngayon." Malamig niyang utas.

"Alec, its not what you think." Iling ko.

"We are not eating. Nag uusap lang kami." sabat ni Tom.

Sinamaan ko siya ng tingin. Just shut up, will you?

"You can talk everywhere. Why chose to do it here?" Alec rebutted.

"Alec, can we talk?" Pakiusap ko. I'm seeing a hint of chance between us. Ang paglapit niya sa amin ngayon ay isang senyales na may pakialam parin siya sa akin. He still cares who I am with and I can sense a hint of jealousy in the way he acts.

Binasa Ni Crush Ang Diary Ko!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon