TIME CHECK - 01:48 Midnight.
MYGAD! Mag-aalasdos na ng madaling araw, hindi parin ako makatulog. Ni hindi pa nga ako dinadalaw ng antok. Ilang beses ko ng sinubukang ipikit ang mata ko, pero shemay lang. Di talaga ako makatulog ever! Tatlong oras nakong pabali-balikwas dito sa kama ko. Err!
Ganito ba talaga kapag may first kiss kana? Hindi ka agad makatulog kasi paulit ulit na nagfflash yun sa utak mo? Yun bang kahit iniisip mo nalang, kinikilig ka parin? Gosh lang. Hindi ko alam na ganito pala kalala ang magiging effect sakin ng first kiss ko with my first perfect boyfie, Alec.
Kung alam ko lang, edi sana bumili ako ng sleeping pills para hindi ako iniinsomia ng ganito! Or better yet, ede sana hindi nako naggalit-galitan para hindi na nauwi sa kissing scene ang moment na yun.
Pero, ganunpaman. I don't feel like regretting. I feel more like, loved.
MYGAD! Nababaliw na ata ako.
--
/Wag mo na akong sunduin. Sasabay nalang ako kay Enrique ngayon. Diretso ka nalang ng school, okay?/
Eto ang text ko kay Alec pagkagising ko. Mas maaga kasi akong nagising ngayon eh. Ewan ko ba! Kung kailan madaling araw nako natulog, tsaka naman ako nagising ng maaga. Kainis lang di ba? Limang oras lang tulog ko. TT_TT
"Pangit mo." puna ng ever so hambog na si Enrique.
"Mas pangit ka, unggoy!" inis kong sabi at agad na bumaba sa motor niya.
Ang kumag na'to, hindi man lang ako pinasuot ng helmet. Napaka ungentleman talaga! Sabi niya, good for Julia Montes lang daw ang extra helmet niya. Oh, ang bait di ba? Eh kung sumbong ko kaya siya kay Alec? Sigurado ako, maffire out to!
"You're welcome ha!" pasigaw niyang sabi. Nakalayo na kasi ako sa pinagparkan niya ng motor dahil pagkababa ko, agad na akong naglakad nang di siya hinihintay.
Asa pa siyang magtthankyou ako sa kanya. Napilitan lang siyang isabay ako dahil sa pangungulit sa kanya ni Tita Elvie. Sinadya pa nga niyang kalimutan yung isang helmet niya eh. Kumag talaga. Tch!
"Goodmorning."
Napalingon ako sa likuran ko. Oh shems! Nalampasan ko pala siya.
"Alec." napangiti ako nang makita kong ang maaliwalas niyang ngiti. Kahit kailan talaga to, lakas makahawa eh. Lakas maka Good vibes!
Saglit lang kaming nag usap ni Alec, pagkatapos nun, nagpunta na kami sa kani-kaniyang klase namin.
"Uy! Inlove si Jai." agad na puna ng katabi ko.
Napakunot-noo naman ako. Parang gusto kong sabihin na, 'Haler, matagal na kaya akong inlove. Ngayon mo lang nalaman?'
BINABASA MO ANG
Binasa Ni Crush Ang Diary Ko!
RandomBook Two ng Dear Diary. :) Make sure na nabasa na yung book one para alam ang nilalaman ng Diary ni Jai. THANKYOU! :))