Pagpasok ng third week ng January, nag umpisa na ang kampanya ng mga candidates for Supreme Student Council (SSC) for the next school year. Tatlong partylist ang magkakalaban para sa posisyon.
Ang Wisely Partylist, Sama Na Partylist at United Partylist - ito ang partylist nina Alec.
Si Alec bilang president, si Ken bilang vice president internal, at si Faye bilang VP external. Parehong BSIT sina Alec at Ken. Habang si Faye, yung running secretary at treasurer ay from BSBA naman. Tapos from various dept. naman yung mga representative (from 1st year to 4th year)
Tingin ko, sigurado na ang panalo nila Alec. Kasi, nag unite yung dalawang departments with other various sections pa and years. Mula palang sa name nila, united silang lahat. Sigurado na ang supporta ng iba't ibang college sa kanila kaya malakas ang kumpyansa kong mananalo sila.
Fighting!
"Good Afternoon, BSBA 2A!" panimulang bati ni Alec.
Shems. Bakit parang kinakabahan din ako? Eh samantalang, nagccampaign lang naman sila? Tsaka, sigurado na ang boto ng class namin. Sila ang susuportahan namin, 100%.
Sabi ko naman kasi kay Alec, wag ng magkampanya sa section namin eh. Di ako pinakinggan. Tch!
"Ayieee! Shet ang gwapo ng boyfriend mo, Jai."
"Sshhh!" anas ko sa katabi ko. Ang ingay eh. Hindi ko tuloy marinig yung sinasabi ng My labs ko.
"I believe, narinig niyo na ang Unity Partylist. From the name itself, implies na we will act as one. And our goal? The betterment of our university. Yes, well develop na ang Western U pero there are still areas to improve. Marami po kaming mga proposals na nakahanda na para sa eskwelahan natin, and for us students as well."
Ang galing talagang magsalita ng taong to, parang wala man lang kabang nararamdaman.
"But first, ang ultimate goal po namin ay ang mapag-unite lahat ng students ng Western U. Hindi lang dapat magkaka-department ang magkakasundo, o magkakaibigan. We are in the same school, kaya dapat maging isa din tayo. United as one. So, we are.."
"UNITED PARTYLIST!"
Nagstep forward si Alec. "I am Alec Brandon Chaii Dungo, running for President." sambit niya ng may maaliwalas na ngiti sa labi. Inilibot niya ang tingin sa buong classroom, at nang makita ako, his smile becomes wider.
Yieee. >///<
My labs!
Nagstep backward ulit siya, then nagstep forward si Ken. "I'm Ken Valdez, running for Vice President internal."
Recently ko lang din nakilala si Ken. Nung nabuo na ang United Partylist. Minsan kase, sinasama ako ni Alec pag nagm-meeting sila. Kaya yun, I got to meet them, specially Ken. Tropa kasi sila ni Alec.
"Gosh. Ang cute niya."
Napailing nalang ako.
Sino bang hindi maggwapuhan kay Ken? After Alec, eh next in line siya pagdating sa ka-gwapuhan. Ofcourse, #1 padin ang My labs ko!
"Hello, I'm Faye Samonte. Running for VP external."
Si Faye naman ay ka-department ko. Pero never ko pa siyan nakaklase. But then, matagal ko na siyang kilala. Matunog kasi ang pangalan niya sa dept namin dahil matalino din siya. Palaging nasali at nanalo sa mga contest.
After magpakilala lahat ng mga candidates ng United, nagpaalam na sila samin. Pero bago yun, Alec whispered in the air. 'Love you!'
"Ayieee!"
BINABASA MO ANG
Binasa Ni Crush Ang Diary Ko!
RandomBook Two ng Dear Diary. :) Make sure na nabasa na yung book one para alam ang nilalaman ng Diary ni Jai. THANKYOU! :))