CHAPTER 1: I'm not a bad person.

1K 16 2
                                    

This Moment is Infinite
CHAPTER 1

Pumunta ako sa rooftop para mag chill. Pag nag stay pa kasi ako sa room, hindi titigil si Monique. Arguing with her is very exhausting. Roof top lang din talaga ang takbuhan ko sa tuwing malungkot at may dinaramdam ako. Dito kasi, nakikita ko yung langit. At sa tuwing nakikita ko ang langit, I feel free.

“Skipping class again, Rivera?” may narinig akong boses ng lalake habang nakahiga ako. Hindi ko na kailangan tignan kung sino, alam ko naman na din kung sino yan eh— si Erl.

“Get lost.” I said monotonically. Gusto ko lang kasing mapag-isa ngayon. I don’t want to talk to anyone. Simula naman kasi dati wala na akong masyadong nakakausap. Nasanay na rin ako.

Naramdaman ko na hindi sya umalis, at saglit lang rin ay umupo sya sa tabi ko at nag simula ng mag kwento. What an annoying guy. Hindi yata naturo sa kanya kung ano ang ibig sabihin ng get lost.

“Alam mo ba yung story ng aso na nainlove sa isang mataray na ibon?”

“Meron ba nun?” idinilat ko ang mata ko at tinignan ko sya.

Gawa-gawa. Wala naman akong naririnig na kwentong ganyan eh. Pero sige na nga.

“Meron kaya.” nginitian nya ako. “May isang ibon, maganda at kaakit-akit ang ibon na yun kaya marami ang nagkakagusto sa kanya. Maganda at kaakit nga sya pero di naman sya masaya. Bakit?  Nakakulong kasi sya sa isang hawla. Dahil nga sa nakakulong ang magandang ibon, marami ang nang gugulo sa kanya at inaalog-alog yung kulungan nya. Lagi nalang nang hihina ang ibon na yun pero ganon pa man, ipinapakita nya pa rin na malakas sya.”

Huminga naman sya ng malalim nun tapos umayos ng upo saka nag patuloy sa kwento nya.

“Isang araw, habang natutulog ang ibon, nag taka sya kasi walang umaalog sa kulungan nya. Nakatulog talaga sya ng mahimbing nun. Nung nagising ang ibon, nakita nya sa labas ng kulungan nya ang isang aso, binabantayan nya yung ibon. Natuwa ang ibon kaya hinalikan nya ito. Tinanong nya rin kung bakit ginawa yun ng aso para sa kanya. Alam mo kung anong sabi ng aso?”

Seryoso syang tumingin sa akin kaya ako naman, na-curious dun sa sinabi nya. Naman eh! Lakas mambitin!

“Ano?”

“Aww- Aww- Aww..” sabay ngiti.

Natawa ako kasi akala ko seryoso yung kasunod nyang sasabihin. Kainis ‘to. Seryoso naman kasi yung mukha nya tas ganon pala ang kasunod, ang kulit lang.

“Edi napatawa din kita.” tumingin naman sya sa ibang direction nun, “Ayokong nakikita kang malungkot.”

“Sus.” sinuntok ko nalang sya sa braso pero mahina lang. “Salamat.”

I thanked him not only because he told me that story but also, I thanked him kasi yun ang unang tawa ko this day. Actually, ngayon nalang talaga ulit ako tumawa. Hindi ko na nga maalala kung kelan ako huling tumawa, e.

“Ikaw pa, alam mo namang mahal kita.” bulong nya sa sarili nya, I heard it anyway. Tumayo na sya nun at pinagpagan yung pants nya.

Nag kunwari nalang din ako na hindi ko narinig yung sinabi nya. I’m sorry Erl, I’m really really sorry.

“May sinasabi ka?” tanong ko sa kanya.

“Sabi ko tara na.”

Inabot nya yung kamay nya sa akin at agad ko naman itong inabot. Ang lamig ng kamay nya, grabe. Kinakabahan ba sya? O talagang ganon lang sya? Pero ang lambot ng kamay nya ha, mas malambot pa nga ata kesa sa kamay ko, e.

Bumalik na kami sa classroom pagkatapos. Dapat whole day yung pasok namin today pero dahil may meeting kaninang umaga yung mga teachers, half-day lang kami.

This Moment is InfiniteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon