CHAPTER 30: The voice that I will never forget.

412 5 1
                                    

This Moment is Infinite
CHAPTER 30

Pasukan nanaman. Ang bilis nga eh, 3rd week na agad ng November ngayon. Ilang araw pa’t holiday break nanaman.

“Ang haba naman nito. Paiksiin ko nalang ha tapos saka ko ilalagay sa power point.”

“Okay. Thank you talaga Gia. Tarantang-taranta na ako kanina, nakalimutan ko kasi eh.”

Asa library kami ngayon ni Janelle at gumagawa ng report nya. Paano ba naman kasi, kay haba ng bakasyon pero hindi nya ginawa hanggang sa nakalimutan nya. Buti nalang talaga at vacant namin ngayon kasi wala yung teacher namin sa MAPEH kundi nalagot talaga tong babaeng ‘to.

Habang gumagawa kami ng report, may lumapit naman sa amin na lalake at may iniabot sya sa akin na maliit na papel. Pagkaabot nya sa akin, agad din naman syang umalis.

Good Morning beautiful.

Tapos sinundandan pa ito ng isa pa.

Did you know that you’re the most beautiful girl in this room?

Si Ronnie naman yung sunod na lumapit sa akin at nag bigay ng maliit ng papel.

Can I take you out for dinner?

This time, si Dustin na ang lumapit sa akin at nag bigay ng papel.

Please say yes.

Nginitian ko sya at matik na yun na pumapayag ako sa hinihingi nyang dinner.

“Baliktarin mo yung mga papel.” Bulong nya sa akin.

Ginawa ko naman yung sinabi nya, may nakasulat pa pala sa likod nun.

I LOVE YOU BABE.

Yan yung nakalagay sa mga papel nung ipinagdugtong-dugtong ko. Enebeyen! Baka magka-diabetes na ako!

“I’ll pick you up at 8. I love you.” pabulong nya ulit na sabi sa akin at ibinigay nya sa akin yung pink rose na nakatago sa likuran nya. Ang init-init ng mukha ko at alam ko rin na sa mga oras na ‘to, nag ba-blush na ako.

Tumango-tango lang ako. Oh God, thank you for letting me have him. Mako-consider ko na talaga na I’m the luckiest girl in the world. Nung nakalabas na ng library si Dustin, nakita ko nalang na kilig na kilig ang mga tao dito sa loob. Pati nga yung librarian naming na si Ms. Faye, kinilig din.

Buong araw akong good mood, dagdagan pa na may dinner kami mamaya nung loko. And speaking of Dustin, hindi ko nanaman sya nakita matapos naming mag lunch. Asan nanaman kaya yun?

Habang nag lalakad ako sa may garden dahil break time namin sa hapon, may bigla namang nag takip ng mata ko.

“MIKI!”

“Ouch!” narinig kong sabi nya mula sa likuran ko.

Hinarap nya ako sa kanya at pagkakita ko sa mukha nya, seryosong-seryoso sya na medyo gloomy ever.

“Umamin ka nga, mahal mo ba si Miki?” he asked with a pained expression.

“Hindi no.” mabilis kong sagot sa kanya.

“Eh bakit pangalan ni Miki ang sinabi mo?”

“Kasi naman po, sya yung madalas gumawa sa akin nyan.”

“Pero di mo sya mahal?” Ay ang kulit ng lahi.

“Hindi nga ang kulit.”

“Talaga?” may halong pagduda yung tingin nya sa akin pero binawi nya naman agad yun at napalitan ng makulit na mukha. “Buti naman, dapat ako lang ang mahal mo. Ang pogi ko kaya.”

This Moment is InfiniteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon