CHAPTER 15: Real men knows when to give up.

484 7 0
                                    

This Moment is Infinite
CHAPTER 15

GIA’s POV:

Busy na masyado si Dustin sa practice kasi next week na ang simula ng inter-high competition. Hindi ko na sya masyadong nakakasama pati na rin si Miki.

Si Janelle at Maya lang ang lagi kong kasama ngayon mapa-school o galaan. Si Tammy kasi bumalik ng Canada para ayusin yung mga papers nya. Lilipat na din kasi sya ng school, at ang gusto nya dito rin sa school ko para lagi daw kaming magkasama.

“Gia, may gagawin ka ba after school?” tanong sa akin ni Janelle.

“Wala naman, bakit?”

Nag tinginan lang silang dalawa nun saka ngumiti. Ano nanaman kayang plano ng dalawang ‘to, iba yung ngiti eh. Abot hanggang tenga, ang saya lang?

“May ime-meet kasi kami na taga-ibang school. Gusto ka sana naming isama.”

Hay! Buti naman at luma-lovelife na din ang dalawang to. Tinignan ko lang sila na parang nag iimbestiga ako at sila naman, panay ang ngiti.

“Anong school ba yan?”

Mas lumaki ang ngisi nila nung tinanong ko yun.

“Mga taga Brasley High yung ime-meet namin. Tamang tama kasi pupunta din sila dito para manuod ng practice.” sabi ni Janelle.

“After nila manuod, saka kami mag me-meet. Sige na, sumama ka na ha? Hindi naman siguro magagalit si Dustin.” dagdag pa ni Maya.

Galing sa dati kong school? Sino kaya ang mga yun. Oh well, wala naman akong gagawin so pumayag nalang rin ako na sumama sa kanila.

Buong araw wala si Dustin sa room, nakakamiss din pala yun. After ng last subject namin, pumunta na kami nila Janelle at Maya sa may coffee shop malapit sa school. Sinabi na daw kasi nila sa mga ka-meet nila na dun nalang sila mag aantay. Super excited yung dalawa at todo re-touch at pabango pa. Nakakatuwa silang tignan.

Nilalaro ko yung phone ko nung may nag pop-out bigla na message.

From: Mi Novio

Asan ka?

Nag reply naman din agad ako sa kanya, sinabi ko na asa coffee shop ako malapit sa school at sinamahan ko lang si Janelle at Maya kasi may ime-meet sila. Tinanong ko naman sya kung may practice pa sila, aba ang loko di na nag reply. Ang galing talaga kahit kelan!

Nag order na ako ng pagkain at juice nun, nakakagutom kasing mag antay sa kanila. Maya maya pa, tumatawag si Dustin sa akin.

“Okay ka lang ba?”

Ang OA naman neto. Para namang asa gera ako o ano, eh asa coffee shop lang naman at kumakain.

“Oo naman, andito pa din ako sa coffee shop. Nag hihintay pa rin kami nila—”

Hindi ko na natapos yung sinasabi ko kasi may biglang tumawag sa akin kaya napalingon nalang ako sa likuran ko.

“Gia!?” dali dali nya akong nilapitan at niyakap ng mahigpit. “I missed you so much.” saglit lang bumitaw din agad sya sa akin.

“Erl, ikaw pala.”

Naku talaga, namiss ko ‘tong lalakeng ‘to. Sya yung pinaka-close ko sa Brasley eh tapos study buddy at lunch buddy na din. Nakaliktaan ko namang may kausap pala ako kaya dali-dali kong tinignan ang phone ko pero nag end na ang call. Di bale na, tatawagan ko nalang sya mamaya.

“Hindi ko alam na dito ka na nag-aaral, bigla ka na lang kasing nag drop out sa school. Hindi ko man lang alam kung san ka lumipat tapos iba na yung number mo.”

Ngumiti ako sa kanya, tapos tinignan ko syang maigi. Pumayat sya ngayon, pero parang mas tumangkad. Kamusta na kaya ‘to? Nakakamiss.

“Teka, isa ka ba sa ka-meet nung dalawa?”

Tinuro ko naman si Janelle at Maya. Hay naku talaga, yung dalawang babaita, hindi maitago-tago yung ngiti.

Umiling si Erl, “Nah, inaya lang din nila ako.” sabay turo nya dun kina Tim at Yuan na dati ko ding mga kaklase. “Uuwi na kasi sana agad ako, buti nalang pala nag bago ang isip ko.”

“Tss.” pang-aasar ko pa sa kanya.

Tinawag ko sina Tim at Yuan tapos sabay-sabay kaming nag punta kina Jan at Maya tapos ayun, pakilala and everything.

“Hindi ko alam na tiga Brasley ka pala dati, hindi mo man lang sinabi.” sabi sa akin ni Janelle habang nilalaro nya yung straw ng iniinom nya.

“Hindi naman kayo nag tanong eh.”

Matagal din kaming nag kwentuhan dun, halos lagpas isang oras na din siguro. Habang nagkukwentuhan kami, may nag text naman kay Tim kaya ayun, nag ayang mag bar. Malapit lang daw sa Brasley High ang bar na yun tapos opening daw nun ngayon.

“Gia, tara sama ka. Shot tayong konti.”

“Ah, sige lang kayo nalang.”

Hindi ko naman kasi ugaling mag bar, saka isa pa, hindi ako pwedeng uminom ng mga alcoholic drinks. Ang bait kong bata kaya. Hahaha.

“Sus, sige na. Ipagpapaalam kita sa boyfriend mo.”

“Hindi, okay lang talaga.” sabay ngiti ko sa kanila.

Si Tim naman, nag tap kay Erl sabay ngiti sa akin ng nakakaloko. Naku, naku. Mukhang alam ko na ‘to.

“At may boyfriend ka na pala ngayon Gia. Kawawa naman yung iba dyan, sa tinagal tagal ng hinintay, mauunahan lang din pala. Diba Erl?”

Siniko naman sya ni Erl sa tsyan pero mahina lang sabay tawa ni Tim.

“O pano, mauuna na kami?” sabi ni Yuan.

Tumango lang ako sa kanila tapos napatingin ako kay Erl. “Hindi ka ba sasabay sa kanila?”

Ngumiti lang sya, pero yung matamlay na ngiti.

“Ah kasi di ko alam kung ihahatid ako ni Dustin eh.”

“Si Dustin pala ang boyfriend mo.”

Tumango ulit ako. Oo nga pala, magkakakilala nga pala silang dalawa. Naiilang ako kasi yung mukha ni Erl ang lungkot, tapos parang pilit na pilit nalang yung mga ngiti nya. Hindi ko naman intensyon na saktan sya eh, may mga bagay lang talaga na di pwedeng ipilit.

“So I guess it’s time to give up, huh?”

Parang may kumurot bigla sa puso ko, kasi pag kasabi nya nun, he gave me a pained-smile at isang expression na ngayon ko lang nakita sa kanya.

This Moment is InfiniteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon