CHAPTER 36: Rude

440 3 0
                                    

This Moment is Infinite
CHAPTER 36

That was one heck of a weekend. Sobrang refreshing at sobrang saya ng Zambales escapade namin.

After naming manuod ng firework display ni Dustin, bumalik na kami at nakipag-bonding sa mga schoolmates namin. Nag night swimming yung iba habang kami naman nila Tammy nanuod ng mga bartenders na nag mimix ng kung anu-ano at pinanuod din namin yung mga fire dancers.

Sa sobrang pag-eenjoy, halos 'di na magising ang iba kinabukasan. Yung iba dahil sa pagod at sakit ng katawan, yung iba naman dahil sa hangover.

After lunch, nag island hoping kami kaya medyo nabuhayan yung katamihan. Sobrang nagustuhan ko ang Annawangin Cove, kasi bukod sa white sand yung island eh tahimik din ito. Pwede ka din mag trek dun sa may badang kanan ng island para makita mo ang kabuoan ng Annawangin. May mga nag build ng tent nila dun, may mga nag pi-picnic at yung iba tamang picture lang.

Around 5pm na kami nakaalis ng Zambales kaya medyo late na kami nakarating sa kanya-kanya naming mga tahanan. Sinundo ako ni Dad at inihatid namin si Tammy, Maya at Janelle. Si Dustin naman sinundo ni Tito Alex, yung Dad nya na sobrang bait.

*  *  *

“Ate Gia! Ate Gia!” huminto ako sa paglalakad at lumingon sa likuran ko at nakita ko yung dalawang third year na hingal na hingal.

“Okay lang kayo?” tanong ko sa kanila at tumango naman ang mga 'to. “Uhm, may kailangan kayo?”

“Ah-eh, kasi po sana yung interview po?”

“Ay oo nga pala. Nakalimutan ko yung tungkol dun, ngayon na ba?” nakalimutan ko na talaga ang tungkol dun sa interview, naging masyadong busy kasi ako last week... kay mom, dad at Dustin at pati sa mga kaibigan ko.

“Kung okay lang po sana.” said Alana, kung hindi ako nagkakamali.

“Okay sure.” tugon ko rito since free cut ko pa naman. Nginitian ako ng mga third year at inayos na nila yung camera nila. Nag set-up ng tripod at kung anu-ano pang mga papel na hawak nila.

Bigla naman may nag takip ng mata ko at mukhang kilala ko na kung sino ‘to.

“Miki.” nag smirk ako matapos kong sabihin yun at tinanggal ko yung kamay nya mula sa pagkakatakip sa mata ko at lumingon sa kanya. “Hahaha. Joke lang, alam ko namang ikaw yun eh.” ang ewan nito, parang batang nawawala yung itchura.

“Lagi mo talagang sinasaktan ang damdamin ko. Ang sakit nun ha, dyan ka na nga.” tapos nag walk-out sya. Pikon talaga, parang niloloko lang sya eh.

“O-okay lang po ba kayo ni Kuya Dustin, ate?” tanong nung third year kaya napalingon ako sa kanila.

“Nakuha nyo yun?” tumango sila kaya napangiti ako, “Good. Para maipakita ko sa kanya na para syang batang kalye na ewan kapag napipikon sya.” sabi ko at mas lumawak yung ngiti ko this time.

Napagod yung utak ko kakasagot sa mga tanong ng mga third year, napaka-showbiz nila grabe. Ganito din siguro yung feeling ng mga artista, ang hirap pala.

Pag balik ko ng room para sa last class ko, wala si Dustin. Umuwi na daw kasi may pupuntahan. Maya-maya lang, nag text sya sa akin na puntahan ko daw sina Tammy kay ginawa ko nalang rin.

Kasama ko si Tammy, Jan at Miki sa Old Spaghetti House ngayon. Sabi kasi ni Dustin ipapakilala nya daw sa amin yung best friend nya. Si Cassy naman, susunod nalang daw. Ang tagal na din naming di nakikita ang babaeng yun, sobrang busy kasi sa buhay kasi nag mo-model na sya ngayon.

At since pinadiretso kami ni Dustin dito mula sa school, naka-uniform pa kaming lahat.

Habang nagkukwentuhan, nakita naming pumasok si Dustin na may kasamang magandang babae na kaedad lang rin namin. Maputi, matangkad, at mukhang mabait. Nakangiti si Dustin habang papalapit sa table namin kaya ngumiti rin kami.

This Moment is InfiniteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon