This Moment is Infinite
CHAPTER 31Nilingon ko sya at nakita kong nakangiti sya sa akin. I ran towards her and I hugged her tightly.
“Hi mom, I missed you so much. I’m sorry. I’m sorry. I’m really sorry.”
Mas hinigpitan ko yung yakap ko sa kanya, natatakot kasi ako na baka panaginip lang ang lahat ng ‘to, na baka sa oras na idilat ko ang mga mata ko, mawala nanaman sya. I don’t wanna lose her again. I love her so much.
Napaluha nalang ako nung naramdaman ko na niyakap nya ako pabalik. After ng ilang taon, ngayon ko nalang ulit naramdaman yung init ng mga yakap nya. Sobrang namiss ko ‘to, I miss everything about her.
“Anong oras matatapos ang class nyo?”
“F-Five P-Pm.” sagot ko sa kanya na may kasamang hikbi.
“Ssh, stop crying.” pinahid nya yung mga luha ko saka nag salita ulit, “Sige, I’ll wait for you sa coffee shop. Gusto mo mag dinner tayo mamaya?”
Oh shiz, I can’t.
“I’m sorry mom, but I can’t may dinner po kami ni Dustin.”
“Dustin? Boyfriend mo?” napataas ang kilay ni Mommy na may halong pagtataka yung expression.
“Y-yes mom.”
This time, nag liwanag na yung mukha nya at ngumiti.
“Okay then. Papuntahin mo sya sa bahay mamaya. Gusto namin syang makilala.”
“Namin?” turn ko namang magtaka.
“Yes, namin. Gusto namin syang makilala ng Daddy mo.”
“Okay na kayo?” nanlaki yung mata ko nun. Nakakagulat naman kasi yung mga turn of events sa buhay namin. Hindi ko inakala na magkakabalikan pala si Mom at Dad. I mean, hindi naman talaga sila ng divorce, sadyang nagkalayo lang sila. Siguro gusto lang makapag-isip ni Mom kaya sya umalis.
Nag blush si Mommy nung sinabi ko yun at pa-sweet na tumango. Parang teenager ah. Napangiti nalang ako. Nung maalala ko na andun pa pala sa likuran ko, nilingon ko sila. Aba’y patuloy pa palang nag vi-video ang mga ‘to.
“Guys, mommy ko.”
Kumaway-kaway naman sila at nag Hi kay Mommy.
After that, umalis na si Mom. Sanabi ko lang sa kanya na sa bahay nya nalang ako hintayin. 2 hours pa kasi syang magaantay kung aantayin nya ang uwian namin. Ayoko namang magaantay sya ng ganon katagal at isa pa, sya lang magisa.
Sinabi ko lang din sa mga third year na bukas nalang namin ituloy yung interview para kasama ko na si Dustin. Pumayag din naman at ayun, kinuhanan pa ako ng picture bago sila umalis tapos paulit-ulit na nagpasalamat. Ang kukulit ah, nakakatuwa.
Pag dating ko sa classroom, tinanong agad ako ng mga kaklase ko kung may maganda daw bang nangyari sa akin. Tinignan ko naman sila na para bang hindi ko alam yung mga pinagsasasabi nila. Patay malisya.
“Gia? Where’s Gia?”
Kahit na asa dulo ako nakaupo, rinig ko pa rin yung boses ni Tammy na sya namang andun sa may pintuan. Ang lakas kasi, dinaig pa ang microphone.
“Ang ingay mo naman.”
“Kailangan natin mag-usap. May hindi ka sinasabi sa akin.”
Tinakpan ko naman yung bibig nya, halos ipagsigawan na kasi sa mundo na kailangan naming mag-usap. If I know, tungkol ‘to sa amin ni Mommy.
“Ang lawak ng sakop ng radar mo ha.”
“So ano na nga, okay na kayo?” masigla nyang tanong sa akin na kulang nalang eh mag lululundag sya sa tuwa. So I nodded then I smiled at her.
BINABASA MO ANG
This Moment is Infinite
Teen FictionCOMPLETED || Pag nag mahal ka, mahal lang.. wag yung mahal na mahal. Para pag iniwan ka nya at nasaktan ka, masakit lang.. hindi masakit na masakit.