CHAPTER 52: ñ. As in Puñeta!

353 3 0
                                    

This Moment is Infinite
CHAPTER 52

“Gusto mo samahan na kita?”

Umiling ako saka ngumiti, “Hindi na, mabilis lang naman yun eh. Kita nalang tayo after kong magpa-check up.” tugon ko at tumango sya tas ginulo yung buhok ko. Kahit di sya magsalita, alam kong worried sya. “Wag kang mag-alala, malabong magkita kami ni Dustin. At kung magkita man kami, pipilitin kong wag ng magpa-apekto sa kanya.”

Ngumiti sya. Ang laking tulong na ng ginawa sa akin ni Gab. Tulad nga ng sabi nya, tinulungan nya akong makapag-move-on. Isang bwan na din ang nakalipas mula nung nag tapat sya sa akin at mula din nun, 'di ko na nakita si Dustin.

Nag request sina Mommy na mag home schooling na lang daw ako para naman daw ma-monitor yung kalagayan ko at para iwas stress na din daw. Madalas na kasing sumasakit ang dibdib ko kaya natatakot si Mom.

Pupunta ako ngayon sa school para kumuha ng final exam. Next month ga-graduate na ako ng high school and after that, I will start anew. Pupunta ako sa ibang bansa para mag-aral pero this time, hindi na medicine. Dun ako sa second choice ko which is Interior Design.

Sa nakaraang isang bwan, masasabi kong naging matatag ako. I think I somehow deserve a pat in the back kaya naman ginawa ko ito saka ngumiti. Tama nga si Gab, darating din ang araw na hindi na ako iiyak ng dahil kay Dustin.

Parang kahapon lang, feeling ko 'di ako makaka-move on sa kanya, pero tignan mo naman ako ngayon, 'di na umiiyak ng dahil sa kanya at nagagawa ko pa ring mabuhay kahit na wala na sya.

Tanggap ko na… na hindi na kami pwede. Narealize ko kasi na love is not about how much you want to hold on, it’s about how willing you are to let that person go even if it’s hard to do so.

Oo, aaminin ko na nalulungkot pa din ako sa tuwing naaalala sya at yung nakaraan namin, pero 'di dahil sa namimiss ko sya eh magmamakaawa nanaman ako. I’ve had enough, may limit din yung pagiging tanga.

Bandang 8am ako nakarating sa school at dumiretso ako sa faculty room para dun mag take ng exam. Hindi naging madali yung exam sa ibang subjects ko lalo na sa Physics kasi self-study lang naman ang ginawa ko dun, paminsan-minsan nagpupunta ako sa condo ni Tammy para magpaturo.

Tinatanong naman ako nung teacher ko dati kung kailangan ko ba pa daw ng karagdagang tulong pero sabi ko na okay na ako. 11am na nung natapos ako sa exam, after nito wala na kaming pasok at mag hihintay nalang kami ng graduation. Pag labas ko ng faculty room, kinuha ko yung phone ko at nakita ko na nag text si Tammy.

From: Tammy

See u sa resto. Love u

Habang nagta-type ako ng reply kay Tammy, I bumped into someone kaya agad akong nag sorry dito.

“Kamusta na?”

“Okay naman.” sabi ko tapos ngumiti ako sa kanya. Ngumiti rin sya sa akin at nung moment na yun, bumalik yung mga butterflies— tulad ng dati.

Ay pucha! Yung asa level 999 ka na ng pag mo-move-on tapos bigla syang magpapakita sayo at kakausapin ka na parang walang nangyari, deputa talaga. Balik zero nanaman.

Sabi ko kaya ko na, sabi ko wala na syang halaga pero… akala ko lang pala.

“Sige, una na ko, pupuntahan ko pa si Tammy eh.” ngumiti ulit ako nag simula ng mag lakad paalis. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko, kainis!

Tinawag nya yung pangalan ko pero 'di ako lumingon, alam ko kasi na once lumingon ako, magpapakatanga nanaman ako para sa kanya, na aasa nanaman ako at paulit-ulit nanaman akong masasaktan.

Tinawag nya ulit ako at tulad ng una, di ko pa rin sya nilingon. But before I knew it, nahinto na ako sa paglalakad at tumulo yung luha ko.

Nakayakap sya sa akin ngayon mula sa likuran.

This Moment is InfiniteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon