This Moment is Infinite
CHAPTER 25Mamaya na ako magpe-perform kaya iniiwasan ko talagang ma-badvibes.
Pinapunta ako ni Mrs. Ty ng maaga sa Franklin’s Place para sa last practice. Dumiretso na din agad ako sa Evangeline Hall, dun kasi gaganapin yung event mamaya.
May 2 piano dun sa stage, sa left at sa right. Ang sabi ni Mrs. Ty, yung sa right daw yung gagamitin ko. Nag start naman na din yung practice namin at nagsisimula ng magdatingan yung mga representative ng ibang school.
Nagulat nalang talaga ako nung bigla ko nalang nakita si Cassidy dun. Representative kaya sya ng anong school? Matapos kong mag practice, pumunta ako sa gilid para kunin yung inumin ko.
“Gia, goodluck later. Sana maging maganda ang performance natin.” narinig kong sabi nya sa akin kaya napalingon ako.
Alam kong hindi nya naman talaga mini-mean yun, paano ba naman kasi parang ang plastic ng smile tapos ang sama pa ng tingin.
Hinayaan ko nalang, alam mo naman yun. Two-faced bitch, magaling lang makisama kapag kaharap si Dustin. Nginitian ko nalang sya at umalis na dun. Habang naupo ako dun sa baba ng stage, tinawag naman kami nung organizer. May ininstruct din sa amin yung mga kasamahan nya.
4 lang dapat kaming tutugtog, kasi 4 na school lang ang sumali sa inter-high ngayon. Pero dahil nga sa nag invite pa sila ng 6 pa, 10 na kaming tutugtog. At sa 10 yun, kung mamalasin ka nga naman, si Cassidy yung makakasabay ko.
Ang sabi sa amin, dalawang representative ang sabay na pupunta sa stage. Ang unang tutugtog eh yung uupo sa left side ng stage tapos standby yung asa right, uupo ka lang dun sa harapan ng piano at aantayin mong matapos yung isa bago ka tutugtog. Sa right ako, kaya ibig sabihin, si Cassidy muna ang tutugtog bago ako. After ng briefing sa amin, pinayagan na kaming umalis para makapag-prepare na.
6pm pa naman yung start ng program kaya balak ko pa sanang manuod ng game nila Dustin. Habang naglalakad ako palabas ng hall, sinabayan naman ako ni Cassidy sa paglalakad.
“Ang ganda no?”
Ipinakita nya naman sa akin yung sinasabi nya, wirst band pala. At hindi lang basta bastang wrist band, yun yung wrist band na binili ko para kay Dustin. Gusto kong bawiin yun sa kanya at sabihing tigilan na nya si Dustin pero di ko magawa. Hindi ko nalang ipinahalata na naiirita ako. I acted all calm and composed.
“Ano namang ikinaganda ng wrist band na yan?” mataray kong tanong sa kanya.
“Ah, wala naman. Naisip ko lang na maganda kasi bigay ni Dustin to sa akin.” talaga lang ha, baka ninakaw mo lang yan eh.
Nag kibit balikat lang ako sa kanya at tumango. “Ganon ba. Sige, maganda na. Sabi mo eh.”
Iniwan ko na sya dun pagkatapos at nag lakad ako ng mabilis. Bwiset! Wag na ngang makanuod ng laro nila Dustin. Nagpasundo ako sa driver namin at nauwi agad ako sa bahay. Grabe! ang lakas talaga mambadtrip ng babaeng yun.
**
Andito na ulit ako sa Evangeline Hall kasama sina Janelle at Miki, ewan ko nga ba kung asan si Dustin. Kanina ko pa nga sya tinatawagan pero out of coverage yung phone nya. Magsisimula na in a few minutes yung event kaya naman ipinatawag na kami. Dapat kasi naka standby lang kami sa backstage. After ng opening remarks at mga kaekekan ng mga kung sino man, magpe-perform na kami.
Nung andun na ako sa back stage, sumilip ulit ako kung andun na si Dustin. At sana pala hindi na ako sumilip, nakahanap lang kasi ako ng dahilan para mas mabadtrip. Kasabay na dumating ni Dustin si Cassidy at nagfe-feeling girlfriend pa tong si babae.
BINABASA MO ANG
This Moment is Infinite
Teen FictionCOMPLETED || Pag nag mahal ka, mahal lang.. wag yung mahal na mahal. Para pag iniwan ka nya at nasaktan ka, masakit lang.. hindi masakit na masakit.