This Moment is Infinite
CHAPTER 14DUSTIN’s POV:
From: Tammy
2 weeks from now, birthday na nya pare. What’s your plan?
Shit! Nakalimutan ko. Sa lahat ng makakalimutan ko, yung birthday nya pa. Masyado akong naging busy sa practice and all kaya nawala sa isip ko yung tungkol sa birthday nya.
And the week after that is our 1st monthsary.
To: Tammy
I don’t know yet. Isa pa, susuyuin ko muna yun. Nagtatampo eh.
Saglit lang, nag reply din sya agad.
From: Tammy
Goodluck! (9^.^)9
Nag tatampo sa akin ngayon si Gia my love so sweet.
Paano ba naman kasi, after namin mag simba kahapon, dumiretso kami sa mall. At habang nag lalakad kami sa mall, may nakasalubong kaming babae at bigla nalang akong niyakap. I think she’s one of the girls that I’ve gone out before.
Pilit kong tinatanggal yung kamay ng babae sa pag kakayakap nya pero ang kulit ayaw akong bitawan. Iritado na ang mukha ni Gia nung tinignan ko sya at sinensayan nya ako na kakaltukan nya daw ako pag di ko pa pinaalis yung babae.
Ayaw tumigil ng babae sa kaka-kwento sa akin kaya umalis na si Gia nun, sinundan ko din naman agad ito. Mukhang mapapahamak pa yata ako ah.
Sabi nya pa, “Sa lahat nalang ba ng lugar na pupuntahan natin, may mga linta tayong makakasalamuha?”
Ang sama nanaman ng tingin sa akin ni Gia. Naihatid ko na sya sa kanila at lahat-lahat, di nya pa rin ako kinakausap. Ang tindi talaga mag tampo. Minsan nga, pinag sisisihan ko na naging playboy ako dati eh.
Ma-text nga yung mahal ko at baka sakaling pansinin na ako. Nakakailang tawag at text na ako pero wala pa din eh.
To: Mi Gia
(A/N: “Mi Gia” means “My Gia”. Hindi mi as in mami :D)
You have no idea how good it feels to wake up every morning knowing that you are mine and I am yours. Good morning babe. Wag ka ng mag tampo please? I love you! \(^_^)v
Nag antay ako ng nag antay pero wala pa ding reply mula sa kanya.
Gia naman ehhhhhhh! -_______-
Hindi ko nalang sya sinundo sa kanila kasi wala din namang mangyayari, babalewalain lang din ako nun. Pag dating ko sa room, nakita ko nalang yung bag nya katabi nung bag ni Mariz. Nakipag palit sya ng upuan kay Matt kaya si Matt yung katabi ko ngayon. Kitams? Tama talaga yung desisyon ko na di mag punta sa kanila.
Tingin ako ng tingin pero to infinity and beyond yung pangdededma nya sa akin.
“Psst! Gia.”
Ayaw lumingon ah! Parang walang narinig. Maganda sana, bingi lang.
“Huuuuuy. Gia!”
Kinalabit na sya nung kaklase namin pero dedma pa din sya.
“Patawag nga Mariz.”
BINABASA MO ANG
This Moment is Infinite
أدب المراهقينCOMPLETED || Pag nag mahal ka, mahal lang.. wag yung mahal na mahal. Para pag iniwan ka nya at nasaktan ka, masakit lang.. hindi masakit na masakit.