CHAPTER 19: She's not my girlfriend, she's my life.

467 6 0
                                    

This Moment is Infinite
CHAPTER 19

Nauwi ako sa bahay na ganado na tila hindi ko na talaga mapigilan yung sayang nadarama ko. Ito naman kasing si Dustin, masyado akong pinapasaya sa mga kakornihan nya sa buhay. Sabay kaming kumain ni Tita at Tito, buti na nga lang madalas ko ng makita sa bahay si Tito nitong mga nakaraang araw eh.

Matapos naming kumain, nag pahinga lang ako saglit tapos nag linis na ng katawan. Naisipan ko ding tumambay muna sa terrace kasi ang lamig ng hangi at nakakarelax. May maliit kaming swing dun sa terrace, pang dalawahan yun. Habang nag rerelax ako dun, naupo sa tabi ko si Tita.

“Mukhang masaya ka yata?”

Napangiti lang ako. Gusto ko mang ikwento pero di ko magawa kasi parang takot akong mawala yung kilig.

“Simula nung nagaral ka sa Prinston, malaki ang ipinagbago mo.”

Ang ganda ng ngiti sa akin ni Tita sa mga oras na ‘to. Mabilis nya din naman inalis yung tingin nya sa akin at ibinaling sa mga tala.

“Unti-unti ng bumabalik yung dating Gia na masayahin at masigla.” tumingin na ulit sya sa akin, “Wag ka ng babalik dun sa pagiging mataray ha. Mas gusto ko yung ganito ka lang, ayokong nakikita kang Biyernes santo lagi ang mukha eh.”

Niyakap ko lang sya at nagtawanan kami. Ganitong ganito din kami ni Mommy dati eh. Yung nakaupo kami sa garden at nag kukwentuhan, tapos binibigyan nya ako ng advice kung pano ko mapapalago yung mga halaman ko. Yeah, I miss those times.

Kung sana lang naging honest ako sa kanya.

**

SUNDAY.

Andito sa bahay ngayon si Dustin, sinamahan nya ako kasi wala si Tita at Tito. Si Manang Felieh, at Annie lang ang kasama namin ngayon dito. Gagawa kami ni Dustin ng chocolate cake. Gusto nya daw kasing subukan gumawa nun.

“Bakit ba bigla mo nalang naisipan to ha?”

Hindi ako pinapansin ng mokong, nakatuon kasi ang attention nya dun sa recipe book at sa mga ingredients na hinahalo nya.

“Huy, ano na? Bingi lang?”

Pag lingon nya sa akin, natawa nalang ako. Parang batang kalye kasi, ang dungis ng mukha. Dali-dali ko namang kinuha ang phone ko at kinuhanan sya ng picture. Ang kulit, naka pink na hello kitty apron pa sya. Wala kasi kaming plain na apron, puro hello kitty kasi favorite ni Tita Margaux yun. Oh? Akala nyo mga bagets lang ang bet si Hello Kitty? Hahaha.

“Eh kasi gagawan kita nito sa valentines day para tipid.” ngumiti sya ng nakakaloko sabay nag make face. “De joke lang, gusto lang talaga kitang ipag-bake ng cake to siomai love. Hopia like it.” then he winked.

Umaarangkada nanaman sya sa mga paandar nya. Kakilig ng slight. Haruuu, kung puro kilig lang kami dito, aba’y aabutin kami ng magdamag kaya tinulungan ko nalang sya dun para mas mabilis matapos. Nailagay nadin namin sya sa oven at maghihintay lang kami ng ilang minuto kaya naupo muna kami dun sa sala.

“Dapat practice mo ngayon ah?”

“Masakit pa ang paa ko eh.”

Ang arte! Eh nakakatakbo na nga sya kanina. Natanggal na kasi yung supporter nya sa paa kahapon, nakakapaglakad at nakakatakbo na ang lalakeng ‘to, nagiinarte lang.

“Arte neto. Mga dahilan mo eh.” sabay gulo ko sa buhok nya.

“Magiging busy na kasi ako next week kaya gusto kong i-spend muna yung weekend kasama ka.” nag wink sya at ngumiti tapos ako naman, nag kunwari na nahimatay dahil sa ginawa nya.

Oha, pang big screen yata yung acting ko. Para kaming mga baliw na dalawa. Ang dami naming arte sa buhay.

Nung okay na ang cake, pinalamig lang namin ng konti tapos nilagyan na namin ng frosting saka naman namin nilagay sa fridge. Bandang 2:30, nabagot na kami sa kakaantay na mag set yung cake kaya nag aya naman si Dustin na mag simba muna kaya ayun, pumunta kami sa Cathedral.

After ng 3pm mass, dumiretso nadin kami sa mall para mag-ikot saglit.Napadaan kami sa Hap Chan restaurant at may biglang tumawag kay Dustin. Isang haliparot na naliligaw sa mall.

 “Hi Dustin. Long time no see.”

“Vernice.”

Ay jusko, na o-OP nanaman ako dito teh. Ang harot talaga, makapang chansing kay Dustin wagas. Sige lang, chansing pa habang buhay ka pa, mamaya lang bye-bye world ka na girl.

“Ow, may kasama ka pala.”

Hindi, wala. Wala syang kasama, palamuti lang ako dito. Supalpalin ko yang ngala-ngala mo eh! Huhuhu T^T

“Girlfriend mo?”

“No.” mabilis na sagot ni Dustin.

Natawa naman yung mga lamang lupa na kasama nung babae. Letche ka talaga kahit kailan Dustin! Nilandi ka lang ng konti wala ka na agad girlfriend? Humanda ka sa akin mamaya, mawawalan ka talaga ng girlfriend akala mo!

“I see. Hindi naman din kayo bagay.”

Nagpipigil nalang talaga ako ngayon. Ang sarap na talaga manapok ng tao eh. Aw, my bad. Hindi pala tao, higad pala na nagfe-feeling butterfly.

Hinawakan ni Dustin yung kamay ko nun kaya napatingin ako sa kanya. Diretso lang syang nakatingin dun sa babae.

“No, she’s not my girlfriend. She’s my life and she’s perfect for me. Oo, hindi kami bagay. Tao kasi kami at nagmamahalan.” sabay smirk at inakbayan ako. “Bye Vernice. May date pa kami eh.”

Naglakad na kami paalis pagkatapos nun. Hindi ako makapag salita. Akala ko kasi talaga hindi pa rin nagbabago yung pagka playboy nitong si Dustin. I was wrong, kahit di ko man sabihin nahusgahan ko rin talaga agad sya.

Dustin, kung alam mo lang talaga kung gaano kita kamahal at kung gaano ako natatakot na baka ma-in love ka nalang bigla sa iba at iwan ako.

I wanted to be the best para walang sinuman ang mangangahas na agawin ka sa akin.

and…

I want to be the girl you fall for, when everybody else is falling for you.

This Moment is InfiniteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon