This Moment is Infinite
CHAPTER 34Naglakad papalapit sa kanya si Miki. Jusko, wag naman sanang mag away ang dalawang ‘to. Abnormal pa naman yang si Dustin pag nagseselos, kahit ilang beses kong sabihin sa kanya na sya yung mahal ko, wa epek pa din kasi talagang insecure sya kay Miki.
Ewan ba dyan, ayaw na ayaw nyang magkasama kami ni Miki eh bestfriend nya naman yun. Hindi naman sa maharot, pero naging kaibigan ko muna si Miki bago pa maging kami ni Dustin at alam din naman ni Miki na yung best friend nya ang mahal ko, mas malinaw pa sa tubig yun.
Huminto si Miki sa harap ni Dustin, yung kaliwang kamay nya asa kanang balikat ni Dustin. Si Dustin naman nakatingin lang sa akin at medyo nanlaki yung mata nung may sinabi ata si Miki, tumingin lang sya dito then inalis ni Miki yung kamay nya at tumingin sakin saka ngumiti.
Lumapit sa akin si Dustin at kinuha yung kamay ko saka nya ako hinila papunta sa kung saan man.
“Gia!” sigaw ni Tammy nung kinuha ni Dustin ang kamay ko at sinimulan na akong hilahin paalis.
Lumingon naman ako at ngumiti, “Don’t worry, I’m fine.” I said then I waved at them.
Sumunod lang ako kay Dustin kasi kung magpupumiglas ako mas masasaktan lang ako, ang higpit kasi ng pagkakahawak nya sa kamay ko. Finally, tumigil na kami sa paglalakad at binitawan na nya yung kamay ko. Nakayuko lang ako habang hawak hawak ko yung kanang kamay ko na kanina pa sumasakit sa pagkakahawak ni Dustin.
I heard him sigh at niyakap ako. “I’m sorry.”
Sorry saan? Sorry sa pag hila sa akin, sorry sa di mo pag contact ng ilang araw o sorry kasi ‘di mo na ako mahal? Uhg. Please lang utak, wag praning. Hindi nalang ako sumagot at hinayaan ko lang syang magpatuloy sa pagsasalita.
“I’m really sorry, alam mo namang nag seselos ako kay Miki diba?” hindi pa rin ako sumasagot, hinalikan nya yung ulo ko at kinuha yung kamay ko. “Masakit ba?” tinignan ko lang sya, naging pipi na yata ako. He sighed again, ang laki ng problema mo ha!
“Umiiyak ka daw ng dahil sakin?” and that’s it, nag simula nanamang mangilid yung mga luha ko. Niyakap nya ulit ako at hinagod hagod yung likod ko. Bwiset, naiyak tuloy ako ng tuluyan.
“Alam mo bang sobra kitang namiss? Nag-alala ako sayo tapos napapraning na ako, kung anu-ano nalang ang pumapasok sa isip ko. Na baka nakahanap ka na ng iba, na baka iwan mo na ako, na baka di mo na ako mahal!” tuloy tuloy kong sabi sa kanya, tinawanan nya naman ako. Tamo ‘to, bastos. Umiiyak na nga ako dito’t lahat lahat nagagawa nya pa akong tawanan.
“Alam mo, praning ka.” tumawa sya ulit. “Kaya naman ‘di ako nakakapag-pakita sayo kasi sinamahan ko sa hospital yung best friend ko. Tinangka nya kasing magpakamatay ng dahil sa iniwan sya ng boyfriend nya.”
So babae pala ang best friend nya. Isang mala-Cassidy na kaso nanaman ba ‘to?
“Hey don’t frown. It’s not what you think okay? You’re really silly.” he chuckled, “Malabong ma-in love sa akin si Gwen, eh nasa diaper pa lang kami nun mag best friends na kami eh, saka in love na in love yun sa boyfriend nya. Kita mo nga diba? Tinangka nyang magpakamatay dahil sa mokong na yun.”
“Promise?”
He nodded, “Promise. You know how much I love you right?” humalik sya sa pisngi ko.
Naalala ko naman yung sumagot sa phone nya nun kaya tinanong ko na sya, “Dust, sino nga pala yung sumagot ng phone mo nung nakaraan? Tinawagan kasi kita nun tapos sabi nya wala ka daw at wag daw muna kitang tatawagan.”
Napakunot-noo naman sya nun, naku mukhang masamang idea na nag tanong ako. Wag na nga. “Tara na? baka hanap na tayo dun.”
Tumango lang sya at nag lakad na kami pabalik, habang naglalakad kami nasabi nya na nag pahatid nalang daw sya sa driver nila kasi na-late sya ng gising at buti nalang bumalik na sya sa normal nyang pagiisip. Baliw-baliw eh.
BINABASA MO ANG
This Moment is Infinite
Teen FictionCOMPLETED || Pag nag mahal ka, mahal lang.. wag yung mahal na mahal. Para pag iniwan ka nya at nasaktan ka, masakit lang.. hindi masakit na masakit.