CHAPTER 42: Tulak ng bibig, kabig ng dibdib.

337 4 1
                                    

This Moment is Infinite
CHAPTER 42

“Tuloy mo lang, wag mo akong pansinin. Hayaan mo lang akong titigan ka.”

Nakakailang pala yung ganito, yung may ginagawa ka tapos tititigan ka ng isang tao. Hindi ako sanay, sana pala tulog nalang sya. Ang tahimik at ang bait nyang tignan nung tulog sya eh, pero ang kulit at ang prangka nya pala. Madalas kaming 'di magkasundo at sadyang natatahimik lang ang buhay ko kapag tulog sya.

“You’re really pretty.”

Inilapag ko yung lapis at sketch book sa side table nya. 'Di ko na keri to! Aalis na ako.

“Alis na ‘ko.”

“Iiwan mo ako? Pano kung may mangyari sa'kin, makakaya ba ng konsensya mo? Grabe ka.” See what I mean?

Oo, nagising na si Gab. Mahigit isang linggo na syang gising. Nagising sya nung naka-admit pa ako sa hospital. Matagal-tagal ko din syang 'di nabisita kaya bumabawi ako ngayon. Nah, I’m kidding. Pinipilit nya akong puntahan sya sa hospital kasi nga daw he’s bored at walang bumibisita na kaibigan nya sa kanya. Whatever! Ang totoo nga nyan, araw-araw syang binibisita ng mga kaibigan nya mula nung nalaman nilang nagising sya. Ewan ko ba dito sa taong ‘to, medyo naalog talaga siguro ang utak nung naaksidente.

“Shut up Benitez. Ayan ka nanaman sa homily mo. Baka nakakalimutan mo, pinag-tripan mo ko at kinonchaba mo pa si Ate Eunice kaya tuloy 'di natuloy yung—” 'di ko na natapos ang sasabihin ko kasi sumingit agad ang mokong.

“Ang pakikipagbalikan mo kay Dustin. I know. Nag sorry na ako diba?”

Tsk. Ano pa bang magagawa ng sorry mo eh nangyari na yun?

// flashback //

“Si Gab? Anong nangyari kay Gab ate?” hinihingal ko pang tanong sa ate nya. I’m not supposed to run pero nagawa ko ng dahil sa takot at kaba na baka 'di ko na maabutan si Gab, pero wala lang din pala.

“He’s gone.”

I’ve never felt so exhausted in my life, ngayon lang. Parang yung buong pagkatao ko napagod. A tear fell from my eyes hanggang sa napaupo ako sa sahig. Kung may makakakita nga siguro sa akin baka akalain nila na isa akong artista. Galing ko eh.

“No.”

“Dapat nga masaya ka diba Gia? Kasi maibibigay na sayo yung puso nya.”

What? So dapat akong maging masaya kasi patay na ang kaibigan ko at magkakaron ako ng panibagong puso? Ganon ba?

My brows furrowed sa sinabi nya.

“So dapat na ba akong mag pasalamat?” note the sarcasm. I rolled my eyes at sinubukan kong icompose ang sarili ko, but I can’t. Napayuko nalang ako at hinayaan ang sarili kong umiyak.

“How can I be happy kung patay na ang kaibigan ko?”

May narinig akong tawa mula sa likuran ko kaya napalingon ako dito. S-si Gab! Nakaupo sa wheelchair habang may hawak hawak na sketchbook— my sketchbook. Pero teka! Buhay sya!?

“You’re so sweet. I think I’m starting to fall in love with you.” he said with a hint of smirk.

“You’re a-alive.” Okay, nagmumukha na akong tanga dito. Nakaupo pa rin ako sa sahig habang nakatingin sa kanya.

“And kicking.”

What the hell? So ano pala yung iniiyak-iyak ko dito? Kainis! Nag aksaya ako ng luha para sa wala. This guy right in front of me is really rude and mean. To think na minsan kong nasabi sa sarili ko na medyo crush ko sya. Uhg! Feeling ko tuloy naging unfaithful ako kay Dustin nung mga panahon yun.

This Moment is InfiniteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon