CHAPTER 50: Fanaa

355 3 0
                                    

This Moment is Infinite
CHAPTER 50

“Stand up Gia. Wag mong hayaan ang sarili mo na mas mag mukha pang tanga. Tara na.”

Tumayo ako at niyakap si Miki.

“Ang sakit sakit.”

“Ssh, stop crying.” sabi nya habang hinahagod and likod ko. “Naalala mo yung sinabi mo sa akin dati? Sabi mo ‘Move on. If people suddenly leave me or give up on me without any reasons, it’s their loss, not mine.’ sabi mo rin, ‘Crying doesn’t do any good. It doesn’t change things.’ naalala mo?”

“Pero sana naman kahit ngayon, kahit ngayon lang talaga… hayaan mo akong umiyak. Ang sakit kasi talaga eh, sobrang mahal ko sya. At wala man lang akong magawa para makuha sya or kahit maging okay man lang ako.”

Matapos yun, hinayaan ako ni Miki na umiyak. Si Tammy? Nakikiiyak rin. Nakaka-gaan lang sa pakiramdam na kahit isang malaking kahibangan nalang ‘to, may mga tao pa ring handang damayan ako.

*  *  *

A week has passed since that day at naging awkward ang lahat. Pilit akong chini-cheer up ng mga kaibigan at kaklase ko at sobrang naaappreciate ko yun. Balik nanaman ako sa dati kong gawi— yun bang kunwari 'di na ako nasasaktan, na kunwari matapang ako… pero ang totoo, gabi-gabi akong umiiyak. Umiiyak ako hanggang sa makatulog ako.

Paminsan-minsan, nakikita kong nakatingin sa akin si Dustin pero agad nyang iniiwas yung tingin nya kapag nahuhuli ko sya. Nakakainis lang kasi sa tuwing ginagawa nya yun, parang nabibigyan ako ng pag-asa.

“H-hi Dust.” sabi ko. Nilapitan ko sya nung makita kong 'di pa sya lumabas kahit na nag ring na yung last bell. “Cookies, nag bake ako para sayo.” tinitigan nya lang yung cookies na inaabot ko sa kanya at tinignan ako.

“Just stop Gia.” then tumayo na sya at nag lakad paalis.

Nakakainis naman ‘tong mga luha na ‘to. Ayaw ng tumigil sa pag labas, buti nga at 'di pa ako natutuyuan ng tubig sa katawan eh.

Sana kahit man lang saglit, kahit saglit na saglit lang… sana bumalik yung dating Dustin na nagger, palatawa, pilosopo, maangas, mayabang. Yung Dustin who annoys the shit out of me, at yung Dustin na… mahal na mahal ako. Miss na miss ko na kasi ang Dustin na yun eh.

“Pwede bang makahingi ng cookies mo?” napalingon ako nung narinig ko ang boses nya. Nung una nagulat pa ako pero napangiti ako nung nakita ko sya.

“Anong ginagawa mo dito?” pinahid ko yung luha ko at ngumiti sa kanya. Hindi naman siguro isang malaking krimen ang ngumiti kahit nasasaktan ka diba?

“Ano pang silbi ng mga paa ko kung di ko gagamitin ‘to diba? Isa pa namimiss na kita eh. Di mo man lang ako dinalaw nung last day ko sa hospital. So here I am binibisita ka.”

“Sorry.”

“Tara na nga. Mag date nalang tayo ng sumaya ka naman kahit papano. Wag kang magpaka-emo dahil dun sa ex mo.” kinuha nya yung bag ko mula sa akin at hinawakan yung kamay ko. “Akong bahala sayo. Tatanggalin natin yang lungkot mo.”

I smiled at pilit kong ikinompose ang sarili ko.

“Okay." tugon ko. Desperada nadin kasi talaga akong matanggal tong lungkot na nararamdaman ko. Ayoko na rin kasing malungkot eh.

Ang swerte ko sa mga kaibigan ko kasi ginagawa nila ang lahat para tulungan akong wag malungkot. Dapat tulungan ko rin ang sarili ko, hindi naman kasi pwedeng malungkot nalang ako habang buhay. Ganon naman talaga eh, hindi lahat ng love story masaya. Dapat matanggap ko ng hindi na kami pwede ni Dustin. Dapat mag move-on na ako kasi… there’s more to life than love. Yan ang turo ni Sir RB.

This Moment is InfiniteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon