This Moment is Infinite
CHAPTER 9DUSTIN’s POV: (Yay! Cheers for this guy’s POV! *wink*)
“What’s your problem?”
I can say that she’s really pissed ‘cus I glared at her.
“Ikaw ang problema ko.”
Bakit kasi ang manhid manhid mo?
“Wala akong pakealam kung may problema ka sa akin, problema mo na yun! Nakakairita ka!”
Ganun lang, at hindi nanaman kami nag pansinan. This girl’s really cranky. She gets pissed easily.
Nung breaktime, gusto ko syang ayain pero baka deadmahin lang ako. Ang lungkot ko tuloy, kaya nanggulo nalang ako sa iba. Pag pasok ko ng room, napansin kong nakatingin lang sa akin si Gia kaya nilapitan ko sya at kunwari naiirita akong tinitignan nya ako.
“Hoy Gia!”
“Hoy ka din!”
Ayan nanaman sya, magkasalubong nanaman yung kilay. Hindi nya ba alam na mas maganda sya kapag nakangiti sya?
“Why are you staring at me?”
“Sorry, I’m not staring at you. I’m daydreaming and you were in my way. Wag kag assuming.”
Assuming pala eh! Napahiya na ako’t lahat-lahat bakit di pa rin magawang magalit sa babaeng to? Naiinis tuloy ako sa sarili ko.
Siguro nga in love na ako sa babaeng to kahit na masungit at very hot tempered sya.
Last week, nung araw na binigyan ko ng libro si Gia, bigla nalang bumilis ang tibok ng puso ko nung nag smile sya sa akin matapos kong i-abot sa kanya yung book. Binalewala ko yun kasi akala ko wala lang. Pag dating ko sa room hiniram ko yung gitara ng kaklase ko, hindi nyo naitatanong pero mahilig akong mag gitara.
Bigla nalang pumasok sa isip ko yung kantang ‘Fallin’ ni Janno Gibbs at yun nga ang kinanta ko.
Habang kinakanta ko yun, tingin ako ng tingin kay Gia pero patuloy pa rin sya sa pag babasa. Hindi man lang sya tumingin sa akin ni isang beses. Yun tuloy, nawalan na ako ng gana at tumigil na ako sa pag kanta. Saka lang sya tumingin nung tapos na akong kumanta.
Nung uwian din ng araw na yun, aayain ko sana syang mag mall kaso kasama nya si Miki. Sinundan ko sila sa Gelatissimo at nakita kong tawa ng tawa sya kasama si Miki.
“Ang saya mo talaga pag si Miki ang kasama mo no?” nasabi ko nalang nun sa sarili ko.
Habang pinapanuod kong tumawa si Gia, saka naman may tumawag sa akin.
“Dustin?”
Nag ‘Hi’ nalang rin ako sa kanya. Hindi ko kasi maalala kung sino sya. Pag tingin ko ulit kina Miki, nakatingin na sa akin si Miki.
“Shit.”
“Bakit?”
Baka malaman nilang sinusundan ko sila. Pero hindi, hindi siguro nila mahahalatang sinundan ko sila. Buti nalang at dito talaga ako nag park malapit sa Gelatissimo kanina. May excuse ako kung sakali.
“Iinom kami ngayon, gusto mong sumama? Sa may Cowboy’s kami.”
Pumayag nalang rin ako. Tinawag ako nun ni Miki kaya tinignan ko nalang rin sila.
Pag dating namin sa may cowboy’s pinababa ko na agad yung babae, sinabi ko na nag bago ang isip ko at hindi nalang pala ako nakikipag inuman sa kanila.
Naupo agad ako sa kama ko pag dating ko sa bahay at tinignan yung mga pictures ni Gia sa phone ko.
“Damn, when did I become so addicted to your pictures?”
Madami akong pictures ni Gia. Puro stolen yun kasi ayaw nya yung pinipicturan sya. Habang tinitignan ko yung mga pictures nya, ang lakas ng tibok ng puso ko. Natakot ako. Natakot ako kasi hindi naman ganito dati. Natatakot akong maramdaman ulit yung tulad ng naramdaman ko kay Cassidy.
Pilit kong iniwasan si Gia, at nakipag date ako ng nakipag date. I messed with a lot of girls this week pero wala pa rin. Pati kay Miki, umiwas din ako kasi wala lang, trip ko lang umiwas sa kanya.
Sa tuwing nakikita kong magkasama si Miki at Gia, naiirita ako. Ayokong magkasama sila! Gusto ko akin lang si Gia. You can say that I’m really selfish.
Habang nakatambay ako sa corridor, nakita kong may kausap si Gia na lalake dun banda papunta sa CR at parang iritadong iritado sya nun kaya nilapitan ko na.
“Ang arte mo naman. Dati ko pa hinihingi ang number mo ah. Masyado kang pakipot.”
“Tumahimik ka. Ayoko sa mga taong katulad mo.”
“Anong sabi mo?”
Hinawakan nya si Gia sa braso nun.
“Bitawan mo nga ako, nasasaktan ako.”
Tinanggal ko yung kamay ng lalake mula sa pagkakahawak nya sa braso ni Gia.
“Dustin, ikaw pala. Wag ka ng makialam dito dude.Wait, are you two dating?”
Nag salubong nalang yung kilay ko.
“No, we’re not dating, but she’s still mine.”
BINABASA MO ANG
This Moment is Infinite
Teen FictionCOMPLETED || Pag nag mahal ka, mahal lang.. wag yung mahal na mahal. Para pag iniwan ka nya at nasaktan ka, masakit lang.. hindi masakit na masakit.