CHAPTER 7: Missing in Action

554 15 0
                                    

This Moment is Infinite
CHAPTER 7

Thursday na ngayon, pero wala pa din yung si Dustin. Meaning 4 days ko na syang hindi nakikita. Teka? Bakit ko nga ba hinahanap yun?

Madalas na kami ni Miki ang magkasamang kumakain sa cafeteria. Minsan kasama pa namin kumain yung mga kaklase ko at yung mga kabarkada nila Dustin. This week, every after class na din kaming pumupunta ni Miki sa Gelatissimo para mag chill lang.

Habang nakaupo kami ni Miki sa may bandang pintuan ng Gelatissimo, may grupo ng mga babae ang pumasok sa loob at ang ingay-ingay. Napansin kong napahinto si Miki nun at parang nag iba yung expression ng mukha nya.

“Miki, anyare sayo?”

“H-ha? W-wala.”

Ako pang niloko neto! Malakas kaya ako sa mga ganyan.

“Di nga, anong nangyari?”

Lumapit sa amin yung isa sa mga babaeng kakapasok pa lang at nag kiss kay Miki sa cheeks. Nakakagulat naman si ate, nanghahalik nalang bigla-bigla.

“Hi babe. Long time no see. How are you?”

“I’m fine Patrice.”

Tumingin sa akin this time yung babae. Ex-girlfriend? Ito kaya yung sinasabi ni Miki na nangiwan sa kanya?

“Oh I’m sorry. Are you guys on a date?” ngumiti sya sa akin pero ba’t parang iba yung feeling ko sa ngiti nyang yun. Parang ramdam kong hindi nya ako feel. “Hi I’m Patrice Alexandra Swan. I’m Miki’s 1st Ex-girlfriend.”

“Ah talaga?” yun lang talaga ang na-manage kong sabihin.

“Ay, hindi mo pala nasabi sa kanya babe? Tsk. Don’t worry, wala na akong feelings para kay Miki.”

Tumayo na rin ako nun para magpakilala. Bahagya nya akong tinaasan ng kilay kaya naman yung pagkapilya ko eh umiral.

“Hi, I’m Gia Claudelle Rivera. I’m Miki’s girlfriend. Don’t worry din, hindi ka naman na din mahal ni Miki. Matagal na syang naka get-over sayo. Sigurado ako dun.” nginitian ko sya ng nakakaloko kaya medyo nag iba yung facial expression nya.

Natutuwa talaga ako sa tuwing may nabu-bully ako. Ewan, pero natutuwa lang ako sa mga facial expression nila. Hahaha. Certified bully? Di naman. Mabait kaya ako. Promise.

“Hindi ko alam kung anong pamasok sa isip ni Miki at pumatol sya sayo. I mean, yeah. We’re both rich pero syempre magkaibang magkaiba tayo no.”

Aba! Ang taray, akala mo naman matangkad. Ang sarap lang paiyakin ng bubog at pakainin ng mantel. Loko to!

“You want to know the difference between us? I have class and you don’t.” derechahan kong sinabi sa kanya kaya medyo napa-atras sya. Arte!

Pikon na pikon na yung itchura nya this time at natatawa na talaga ako pero pinipigilan ko lang. Pakunwari ko namang tinignan yung relo ko.

“Ay, late na pala. Akalain mo yun? Sige ha. Mauuna na kami. Nice meeting you.” hinila ko na si Miki after nun. Hindi pa kami nakakalayo nung nilingon ko si Patrice para sa konting pahabol, “Patrice, isang difference pa pala natin is yung height. Try mong mag suot ng mas mataas na heels sa susunod ha?”

Pag labas namin ng Gelatissimo, tawa ako ng tawa. Si Miki naman hindi ma-drawing yung mukha. Parang gulat na gulat na ewan.

“Miki, galit ka? Sorry ha. Sorry sa mga sinabi ko. Nakakapikon kasi yung ex mo eh kaya pinagtripan ko lang ng konti.”

This time ngumiti na ulit sya sa akin at inakbayan ako saka ginulo yung buhok ko.

“Okay lang yun no. Totoo naman yung mga sinabi mo eh, matagal na akong naka get-over sa kanya. Saka hindi ko nga alam kung anong nangyari dun eh. Dati naman mabait talaga yun.”

This Moment is InfiniteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon