This Moment is Infinite
CHAPTER 21Sa tuwing nakikita nyang suot ko yung sombrero na bigay ni Erl, naiirita sya. Sabi nya kasi parang feeling nya nag tataksil na daw ako sa kanya kapag nakikita na yun. Tapos nung game naman ni Miki, ayaw nyang todo cheer ako. Batukan ko nga! Ang OA eh, masyadong seloso tapos pag binatukan mo naman paawa effect at pout agad sya.
Anyway hi-way subway, Wednesday na nga pala ngayon at andito kami ngayon sa Mall. Nagpasama kasi syang bumili ng wrist band, nawala kasi yung wrist band nya after nung game nila.
Habang pumipili ako ng wrist band para sa kanya, nag excuse naman sya kasi may tumatawag sa phone nya. Binalewala ko nalang rin yun, pero nung tinignan ko sya ulit parang tuwang tuwa pa syang nakikipagusap dun sa tumawag sa kanya.
Sino kaya yung kausap nya at parang tuwang tuwa sya? Grabe ha, parang nakakaselos. Hindi naman sa possessive pero nakakaselos naman kasi yung makita mong ganyan kasaya yung boyfriend mo habang nakikipag-usap sa kung sino man yang kasuap nya.
Hay Gia, tama na nga yan. Bumalik nalang ako sa pagpili ng wristband kesa sa mag-isip ako ng kung anu-ano, tapos binayaran ko na rin kasi ang tagal bumalik ni Dustin. Gusto pa yatang makipag telebabad buong maghapon.
Nung nakita nyang papalapit na ako, nag paalam na sya dun sa kausap nya. Tss! Sino kaya yun?
“Mukhang tuwang tuwa ka ah.”
“Ah, kasusap ko yung close friend ko. Kakabalik nya lang galing Canada, I’ll introduce her to you.”
‘Her’ so babae pala yung ‘close friend’ nya. Okay then. Close friend lang pala na babae eh, suusss, di ako nagseselos ah. Promise, di talaga. Ba’t naman ako mag seselos? Eh babae lang naman yun, tapos close friend nya. Close friend. Walang dapat ipagselos.
**
SCHOOL.
Nag punta ako sa locker ko para kunin sana yung music sheet ko para sa Canon. Yun nalang muna ang ipa-practice ko kasi hindi ko pa din nahahanap yung music sheet ko para sa Fur Elise. Grabe! nangangapa na talaga ako sa Fur Elise kasi sa Sunday na ako mag pe-perform.
Pag bukas ko ng locker ko, nakita ko dun yung bigay na music sheet ni Mrs. Ty kaya tuwang tuwa ako. Sino kaya yung nag balik nito dito? Pero sigurado akong kakilala ko lang yung nag balik nito, kasi alam nya yung combination ng lock ko. Dumiretso din naman agad ako sa music room para mag practice. Pag pasok na pagpasok ko pa lang sa music room, nakita kong nakaupo si Janelle dun sa harapan.
“Janelle.”
Tumayo din sya agad nung narinig nya ako.
“Nakuha mo na pala. Sorry kung binuksan ko ang locker mo. Dapat kasi aalis ako ngayon kaya nilagay ko nalang yan sa locker mo at hindi na din kita natext.”
“No, it’s okay. Thanks! Kanino mo nga pala nakuha to?” nakangiti kong tanong sa kanya pero sya, seryoso yung mukha at parang ang lalim ng iniisip. Kung ganyan sya, iisipin ko talagang na-engkanto yan. Di naman kasi ako sanay na ganyan sya kaseryoso sa buhay.
“Kay Cassidy.”
“Oh? Small world. Kilala mo din pala sya.” nakangiti para rin ako ng todo nun.
Matamlay sya and it seems like there’s something bothering her. Hindi naman sya usually ganyan, nagaalala tuloy ako.
“Jan, anong meron? Bakit parang matamlay ka?”
“Hindi mo ba kilala kung sino talaga si Cassidy?”
Napakunot-noo nalang ako pero patuloy pa rin ako sa pag ngiti. Ano bang meron kay Cassidy na kelangan kong malaman? Syempre wala akong clue sa pinagsasasabi nya kaya tinignan ko lang sya na para bang nagtataka.
Napahinga sya ng malalim nung napansin nyang nag hihintay ako sa isasagot nya sa akin.
“Si Cassidy…” parang naghe-hesistate pa syang sabihin sa akin yun, “Sya yung ex at first love ni Dustin.”
Tila yung ngiting hindi mawala-wala sa mga labi ko kanina eh bigla nalang naglaho. Napatigil ako nung sinabi yun ni Janelle. Pilit ko namang ipinakita sa kanya na okay lang ako at wala lang yun sa akin, pinilit ko ring ngumiti sa kanya kahit na halata namang hindi totoo ang ngiti kong yun.
“Ah talaga? Ang liit pala talaga ng mundo no?” nag simula na akong mag lakad papunta sa stage nun para mag practice. Pag dating ko sa harap ng piano, tumingin ako kay Janelle at ngumiti ulit. “Kung gusto mong mag stay, okay lang. Saglit lang din naman akong magpa-practice eh.”
Tinignan nya lang ako ng diretso at umiling. “Aalis na ako, may gagawin pa ako eh. Take care okay?”
Pagkaalis na pagkaalis nya, napaupo nalang ako sa may upuan. Akala ko talaga okay na ang lahat eh, na tila kaya kong harapin ang lahat ng problema na darating sa aming dalawa pero bakit ganon? Bakit parang bigla nalang ganito yung feeling ko? Bakit feeling ko wala akong panama sa ex nya?
I feel so inferior kay Cassidy. Dahil ba sa sya yung unang minahal ni Dustin?
Alam mo kung sino ang pinakamahirap na kalaban mo sa laban na ‘to? Hindi yung mga tao na umaaligid sa taong mahal mo, hindi rin yung mga gustong manira sainyo. Ang pinakamahirap na kalaban dito eh yung taong mas una nyang minahal kesa sayo.
So don’t blame me if I’m scared, I just can’t help it. I’m so afraid that he might… fall in love with her again.
BINABASA MO ANG
This Moment is Infinite
Teen FictionCOMPLETED || Pag nag mahal ka, mahal lang.. wag yung mahal na mahal. Para pag iniwan ka nya at nasaktan ka, masakit lang.. hindi masakit na masakit.