This Moment is Infinite
CHAPTER 40Dustin’s POV
“Bro, tama na yan. Sabi ni manang ilang araw ka ng 'di kumakain at puro alak nalang ang iniinom mo.” si Miki. Ba’t ba andito ‘to? Dapat nga matuwa pa sya kasi wala na kami ni Gia diba? Ngayon may chance na syang sulutin yung babaeng mahal ko na mahal nya din.
“Leave me alone. Puntahan mo na si Gia, alam ko namang kating-kati ka na. Kunwari ka pang nagmamalasakit, natutuwa ka 'diba? Natutuwa ka kasi pwede mo ng ligawan si Gia.”
Naramdaman ko nalang na tumama yung kamao ni Miki si mukha ko. Masakit, pero wala ng mas masakit pa sa ginawa ni Gia. Shit, sa tuwing naiisip ko naiiyak nalang ako. Ang sakit eh, mahal na mahal ko kasi.
“Kung tapos ka na dyan sa pagiging siraulo mo, tumayo ka na at mag pahinga. Ilang araw ka ng 'di pumapasok, last day na bukas bago mag Christmas break. Ayusin mo ang sarili mo kung gusto mong balikan ka pa ni Gia.” matapos nyang sabihin yun, umalis na sya.
Ano nga bang ginagawa ko sa sarili ko? Hindi ‘to magugustuhan ni Gia kaya kailangan kong umayos.
I've decided to groom myself. I took a long bath tapos nag pahinga. I woke up early and for the first time in forever, lumabas na ako ng kwarto at kumain ng almusal.
Pag dating ko sa school, nakita ko si Gia na kausap yung iba naming kaklase. Balak ko sana syang lapitan pero pinigilan ako ni Janelle.
“Dust, hayaan mo muna sya.”
I wanted to talk to her. Ang sakit kasi ang lapit nya lang sa akin pero feeling ko ang layo-layo nya. Hindi man lang nya ako magawang tignan. Kahit tarayan nya ako okay lang, hindi yung ganito. Hindi yung parang hindi ako nag-eexist sa buhay nya.
“Gia, lunch?” aya ko nung nag ring na ang bell para sa lunch. Tinignan nya lang ako at sinabi na may kasabay na daw sya. “I’ll tag along then.”
“No. Leave me alone.”
Ayokong iwan sya kasi natatakot ako na baka pag ginawa ko yun, mas lalaki yung gap sa aming dalawa. Natatakot ako na baka 'di ko na sya makuha pang muli.
“Ayoko nga. Tara sa cafeteria.” humawak ako sa braso nya pero pilit nya itong tinatanggal pero 'di pa rin ako bumitaw. Napagod na siguro sya kaya naman tumigil na sya.
“Kayo na ulit?” tanong ni Rona.
“NO!” “Yes.” sabay naming sagot. Na-confuse siguro si Rona kaya nag shrug nalang sya at umalis na.
“Ano ba Dustin? Leave me alone! Hindi mo ba naiintindihan yun?” I don’t know her anymore. Hindi ko na kilala ang babaeng asa harapan ko ngayon, hindi na sya yung babaeng minahal ko ng sobra. Feeling ko ibang tao na sya.
“I won’t leave you alone, not until I get my Gia back.”
“She’s not coming back.”
That was a punch in the gut for me. Anong nangyari sayo Gia? She’s so cold, and it seemed like she’s dead. Wala na yung spark sa mga mata nya, tila ba naging ice na yung puso nya.
“Ang sakit Gia. Sobra mo na akong sinasaktan pero bakit 'di parin kita magawang kamuhian at kalimutan? I love you so much it hurts.” napahawak nalang ako sa dibdib ko, “If that’s what you want, then I’ll abandon you.” I want to hug her but all I could do is umalis sa harapan nya at wag na syang guluhin pa.
Gia’s POV
After he left, nag simula ng tumulo yung luha ko. Hindi mo lang alam kung gano kahirap para sa akin ‘to Dust, hindi lang ikaw ang nasasaktan.
BINABASA MO ANG
This Moment is Infinite
Teen FictionCOMPLETED || Pag nag mahal ka, mahal lang.. wag yung mahal na mahal. Para pag iniwan ka nya at nasaktan ka, masakit lang.. hindi masakit na masakit.