This Moment is Infinite
CHAPTER 51Everyday, iniisip ko yung sinabi sa akin ni Tammy. Maybe tama nga sya, tama sya nung sinabi nyang masyado ko ng sinisira ang sarili ko para sa isang taong 'di naman na ako babalikan. Tulad nga ng sabi ni Dustin, there’re billions of people in this world so siguro naman may mahahanap rin ako.
“Katamad gid aning bataa. Wa uroy ka kapuya anang imo style pangga? Hala. Pag barog na diha kay naa pa kay check-up sa imong Tito karon.”
Sa lahat ng sinabi ni Yaya Maring, check-up saka Tito lang yung naintindihan ko. Nakakatuwa tong si Yaya eh, ang daming chika sa akin mula nung dumating sya nung Tuesday kaya tuloy wala na akong time para mag emote— which is good.
Sya yung nag alaga kay Dad at Tito nung mga bata pa lang sila. Wala syang anak kaya nung nabalitaan ni Dad at Tito na nag-iisa nalang pala sya, inanyayahan nilang dito nalang ulit manirahan at manilbihan bilang mayordoma. Wala syang ibang gagawin kundi ang i-guide yung mga kasambahay dito.
Tanghaling tapat naman kasi kaya nakakatamad gumawa ng kung ano, tapos 4pm pa naman yung schedule ko. May ilang oras pa sana ako para maging tamad kaso si yaya Maring kinukulit na ako na mag ready na daw para sa check-up ko. Lakas din ng trip neto oh.
30 minutes before 4pm, umalis na ako ng bahay. Nagpahatid ako sa driver namin sa hospital at sabi ko nalang sa kanya na sasabay nalang ako kay Tito Fred kaya wag na nya akong hintayin, maaga kasi syang uuwi ngayon.
Bago ako pumasok, napalingon ako sa bandang kanan ko at may nakita akong familiar na kotse— kay Dustin. Ang sweet nya naman, sinasamahan nyang magpa check-up si Gwen. Ang swerte nya kay Dustin, tingin ko magiging mabuting ama sya ng magiging anak nila kahit na bata pa sya.
Isang araw, makaka move-on din ako sayo. Yung tipong pag nakita kita, magagawa ko ng ngumiti ng hindi pinipilit ang sarili ko at 'di na rin ako nasasaktan.
“Lalim ng iniisip natin ah.” nagulat ako dun sa kapre na biglang kumalabit sa akin.
“Kamote ka talaga! May sakit na nga ako sa puso tas gugulatin mo pa ako? Papatayin mo ba talaga ako ha?”
“Sus, eh kung wag ka kaya kasing nakatulala dyan na parang ewan?”
Inirapan ko nalang sya ng pabiro at nag lakad na ako papunta sa loob. Aba’y ang loko buntot ng buntot, wala nanaman sigurong magawa sa buhay.
“Ano bang ginagawa mo dito ha?”
“Sabi kasi ng mom mo na may check-up ka, kaya here I am, sasamahan kita.” sabay akbay.
“Aray ha, mabigat. Tanggalin mo yang kamay mo kung gusto mong kausapin pa kita.” pilit kong tinatanggal yung arm nya mula sa pagkakaakbay pero ang kulit eh, binabalik pa din talaga.
“Yabang mo naman pig, ikaw kaya ang mabigat dyan. Tabachoy ka eh. Ilang kilo ka nga? 43?”
Luh! Ilang kilo kaya yung payat para sa kanya? 20? Eh adik pala to eh.
Habang nag kukulitan kami, nahinto ako sa pagtawa at paglalakad nung nakita ko si Dustin at Gwen sa harapan namin. Nakatingin lang silang dalawa sa amin at ayun, naging awkward nanaman. Nakatitig sa akin si Dustin na para bang minumura na ako sa loob nya kaya napayuko nalang ako.
Saglit lang at nag salita na si Gab. “Bachoy, si Tito Fred oh. Tara na.” hinawakan nya yung kamay ko at hinala na ako paalis.
Hindi naman totoo na nakita ni Gab si Tito, sadyang gusto nya lang akong ilayo sa situation na yun. Buti nalang talaga at kasama ko sya, kung ako lang mag-isa nun baka kung anong kagagahan nanaman ang gawin ko.
BINABASA MO ANG
This Moment is Infinite
Fiksi RemajaCOMPLETED || Pag nag mahal ka, mahal lang.. wag yung mahal na mahal. Para pag iniwan ka nya at nasaktan ka, masakit lang.. hindi masakit na masakit.