EPILOGUE

451 5 2
                                    

EPILOGUE

“Hi Claud.” bati sa akin nung matandang kapitbahay namin.

“Hello Mr. Clarkson, you look good. Are you going to visit your wife today?”

Ngumiti sya at tumango. “You bet.” sabi nya tapos nag wink, “I’ll go ahead. You take care, okay?”

“Yeah, you too.” sagot ko naman.

May Alzheimer’s disease yung asawa nya kaya araw-araw nya itong binibisita. Ang cute nga eh kasi parang yung sa The Notebook lang. Minsan nga pinanuod namin yun kasama si Gab, naiyak sila pareho. Ayun, nagka-idea si Mr.Clarkson para sa kung ano ang gagawin nya para sa asawa.

Kung si Noah binabasahan nya ng love story nila si Aly, si Mr. Clarkson naman dinadala lagi yung painting na ginawa nung asawa nya. Ipinapakita nito sa asawa yung isang napaka-gandang painting. May dalawang tao na nakaupo sa isang bench or more like katawan ng puno na ginawa nilang upuan at nakaharap ito sa lake. Nakatingin sa lake yung dalawang tao habang naka-akbay yung babae sa lalake, parang nag lalambing ba.

Sabi ni Mr.Clarkson, silang dalawa daw yun ng asawa nya nung mga bata pa lang sila. Childhood friend nya yung asawa nya at hanggang sa pag tanda, magkasama pa din sila. Sabi nya, hinding-hindi daw sya magsasawang ipaalala sa asawa nya yung pagmamahalan nila. Pero tingin ko, hindi naman talaga nakalimutan ni Mrs. Clarkson yung pagmamahalan nila eh, yung memory lang siguro, panandaliang nawawala pero yung pagmamahal nila sa isa’t-isa? It can never be forgotten or erased.

“By the way Claud, have you ever found your one great love?” aba’y humihirit pa ‘tong si Mr.Clarkson.

“I told you many times already, Gab’s my one great love.” napalunok ako. Ano nanaman kayang iniisip ni tanda at parang iba nanaman yung ngiti nya sa akin?

“Really now? Because everytime you say that, it’s not Gab that I see in your eyes but someone else.” he smiled, “Are you going to marry him? If so, think about it first Hun. Think about it thoroughly so that you can be truly happy in the end.” matapos yun, tuluyan na syang umalis.

Someone else ka dyan, si Gab na kaya ang mahal ko. Hello four years na kaming mag-on tapos two years nya akong sinuyo, at sa loob na matagal na panahon, hindi nya ako sinukuan. Akala ko dati hindi ko kayang mahalin ng higit pa sa isang kaibigan si Gab kasi akala ko din hindi ko makakalimutan yung unang lalakeng minahal ko, pero nagawa ko. Nagawa kong mahalin si Gab at ngayon, masaya na ako.

I’m happy, I’m perfectly happy. Really.

Pumasok ako ng bahay at kumuha ng voss water. Ito yung routine ko araw-araw, jogging sa umaga, magpapahinga saglit, kakain tapos papasok na sa coffee shop. Ako yung nagma-manage ng coffee shop na itinayo ni Mom dito, itinayo nya lang ito dati para naman daw meron akong distraction. Pero ngayon, pinag-iisipan ko na din yung gusto ni Dad. Gusto nya kasing dun na din ako sa company nya mag trabaho para ma-train na nya ako.

Maraming changes na ang nangyari sa buhay ko since nung heart transplant ko six years ago. Pinursue ko yung Interior Design kahit na nakapasa ako Juilliard, at nag double major din ako— Interior Design and BusAd. Nabuhay ako ng normal at na-in love ako sa isang lalakeng too good to be true.

Naupo ako sa couch at tinignan yung ipinadalang painting ni Tita Margaux, nakauwi na silang Pilipinas last year kasama si Mommy at Daddy. Naiwan naman kami ni Tito Fred dito sa America kasama si Gab. Kami lang ni Gab ang nakatira dito sa bahay kasi mas minabuti ni Tito na dun nalang sa apartment nya tumira. Habang tinitignan ko yung painting, napansin kong may isa pang nakabalot kaya binuksan ko ito. Bumulagta sa akin yung mga sketchbook ko dati, sketch na puro mukha ni Dustin.

This Moment is InfiniteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon