CHAPTER 35: Remembering the past.

387 4 0
                                    

This Moment is Infinite
CHAPTER 35

“Okay ka na ba?” tanong ni Tammy sa akin habang nakaupo sa bed at hinahagod yung buhok ko.

Nginitian ko sya at tumango, “Okay na. Napagod lang ako.”

This time tinignan at nginitian nya naman ako ng nakakaloko.

“Anong ginawa nyo ni Dustin at napagod ka?” aniya at patuloy pa rin sya sa pag ngiti ng nakakaloko.

Green! Namasyal lang naman kami, nag picture, namulot ng shells tas ano… nag kiss ng konti.

Sa tuwing naiisip ko yung kiss namin ni Dustin, feeling ko umiinit yung mukha ko. OMG! Am I blushing? Baka mahalata ni Tammy! No!

“Tsk, tsk. Ayan kasi, harutan ng harutan.” tinawanan nya naman ako. Nanahimik nalang ako at baka sabihin pang masyado akong defensive, alam ko ‘tong si Tammy eh, pag naging defensive ako gagawin nya ang lahat mapaamin lang ako sa kung ano ang ginawa namin. Ayoko nga i-share, samin lang yun ni Mongi.

*  *  *

“Ba’t kaya tinawag pa 'tong camping eh di naman talaga ‘to camping? Sana sinabi nalang nilang chill out diba?” reklamo ni Janelle, kanina pa yan may ipinaglalaban sa buhay.

Nakaupo kami sa harap ng bonfire ngayon pero mangilan-ngilang fourth year at third lang ang andito ngayon. Yung iba kasi nag punta sa bar, di na natiis at nagpa-party na. Sinamantala ang pagkakataon kasi wala yung mga teachers, sinamahan kasi nila si Ms. Girlie sa hospital kasi halos mamatay na sa sakit sa tagiliran.

“Miki, crush mo pa din si Gia?” nakangiting tanong pa nung kaklase ni Miki na nakalimutan ko kung anong pangalan. Napatingin kami kay Miki tapos tumingin yung iba sa akin. Nag salita naman ulit yung babae, “Oh shit. Wag mo ng sagutin, andyan na si Dustin.”

Gustong-gusto kong matawa, pano naman kasi pag dating ni Dustin tahimik ang lahat at nakatingin sa kanya kaya napataas nalang yung kilay nya at tumabi sa akin.

“Bakit ganyan sila makatingin?” bulong nito sa akin.

“Pogi ka daw kasi.” sabi ko sabay hawak sa kamay nya. Yung mokong tuwang-tuwa naman sa sinabi ko. 'Di maipagkaila sa ngiti nito.

“May nakita akong nag seset-up ng fireworks kanina. Nuod tayo?”

“Anong oras ba?”

Hindi sya sumagot, instead hinawakan nya ang kamay ko at nag lakad na kami paalis. Nagalit pa nga si Tammy kasi baka sa kung san daw ako dalhin ni Dustin, inaya naman sya nito pero 'di sya sumama. Baliktad talaga ang isip ng babaeng yun, pag 'di mo inaya gusto sumama tas pag inaya mo naman sya yung aayaw.

Dumating kami sa isang mini-garden na kitang-kita ang dagat tapos andaming bulaklak, may bench din dun kaya dun kami naupo. Ang galing lang ng mga tao dito, napakaganda kasi ng nagagawa nila. Tumingin naman si Dustin sa relo nya at inakbayan ako.

“Five, four, three, two…”

Then saktong-sakto, nag simula na ang fireworks display.

“Ikaw ba ang may pakana nito?” nakangiti kong tanong sa kanya. Mukhang ramdam ko kasi na sya yung mag pakana nito eh. Tas may nalalaman pa syang may nakita lang daw syang nagseset-up ng fireworks kanina.

“Mahal kita eh, 'diba nga sabi mo gustong-gusto mong nakakakita ng firework display?”

Tahimik lang kaming nanuod ng mga fireworks, nakasandal yung ulo ko sa balikat nya at nakaunan naman yung ulo nya sa ulo ko.

“Dust.”

“Hm?”

Ngumiti ako, “Ang saya ko ngayon, at dahil yun sa ikaw ang boyfriend ko, dahil okay na kami ni mommy at dad tapos okay na ang parents ko tapos…” I mentally slapped myself nung muntik ko ng ma-spill out yung tungkol sa sakit ko. I can’t tell him just yet about sa sakit ko. Maybe in the near future, but not now.

This Moment is InfiniteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon