CHAPTER 5: Unofficial First Date

732 12 1
                                    

This Moment is Infinite
CHAPTER 5

1 month. 1 month na ang nakalipas mula nung lumipat ako dito sa Prinston Academy. Okay naman, nakakapag adjust naman na ako dito kahit papano. Nakasanayan ko na rin na laging kasabay tuwing recess si Dustin at lagi nadin kaming magkasama. Ang kulit nya kasi, ayaw tumigil hanggat di ka pumapayag na sumama sa kanya.

“Gia, tara. Pumunta na tayong cafeteria.”

“May kasabay na ako eh.” I lied. Pano kasi napagkakamalan na akong girlfriend ni Dustin. Ngumiti lang sya sa akin at hindi umaalis sa kinakatayuan nya.

“Bahala ka nga dyan, sabi ko naman kasi sayo may iba na akong kasabay.” patuloy pa rin ako sa pag aayos ng bag ko kahit wala naman talaga akong inaayos. Ang tagal naman kasi mumalis nitong si Dustin.

“Liar! Tara na kasi. Ang taray mo kaya sa iba pag inaaya ka kaya walang nang nag-aaya sayo eh.” bakit kaya napaka-energetic ng taong to? Wala yata tong kapaguran. Sumuko nalang ako at sumama sa kanya, hindi din naman ako tatantanan nito eh.

Nung asa cafeteria na kami, as usual ako yung nag bayad at sya, pakain-kain lang dun sa table. Kapal talaga ng mukha, laging nagpapalibre tapos hindi naman inuubos yung pagkain.

“Hoy Dustin! Bakit ba ako ang lagi mong gustong kasabay tuwing recess? Eh may barkada ka naman.”

Lagi nalang syang nakabuntot sa akin, yung mga barkada nya limang table lang ang pagitan sa amin. Ba’t di nalang sya dun? Mas okay pa ako kung ako lang ang kumakain mag-isa eh, sanay naman na ako. Sa sobrang tagal kong kumakain mag-isa, na-aawkward tuloy ako kapag may kasama akong ibang tao.

“Syempre may mga girlfriends silang kasabay kumain.”

“Bakit kasi hindi ka nalang mag hanap ng stable na girlfriend.”

“Ayoko nga. Ang boring ng buhay kapag ganon.”

Palibhasa playboy kaya hindi magawang mag stick-to-one. Hindi ko nalang sya pinansin at nag simula na din akong kumain. Ang layo ko sa kanya ngayon, asa magkabilang dulo kami ng table. Buti nga di ako kinukulit na lumapit sa kanya eh.

“Gia, may gagawin ka ba sa Saturday?”

“Meron.” mabilis kong sagot. Wala akong plano na kitain ka no, dalawang araw na nga lang ako magkakaron ng alone time eh.

“Totoo ba yan?”

Aba! Pinagdududahan pa ako ng lokong to. Hampasin kita ng sandwich dyan eh! Pero tama nga naman, nag sisinungaling ako.

“Sige, ganyan ka naman eh. Ayaw mo ba talaga akong kasama kaya gumagawa ka ng paraan para hindi mo ako makasama?"

Kawawa naman. Nag drama pa talaga sya, maniniwala na sana ako eh kung di lang talaga sya OA.

“Oo naman, ang kulit mo kaya. Sino naman kayang makakatagal sayo?”

“Sige okay lang. Intindi ko. Okay lang talaga.” umarte pa talaga sya na sobra syang nasaktan. Ang galing nya talaga, sang theatre club kaya ‘to kasali? Makasali nga rin dyan. Nung tumagal, nanahimik sya. Bwiset na to, kinonsensya pa ako.

“San ba?”

“Sa mall! Bibili akong regalo ni Mommy.” ang laki pa ng ngisi nya nun sinabi nya yun. Tamo, artista talaga no? Sarap hambalusin ng tray.

“Osha.”

“Sunduin nalang kita sa bahay nyo.”

“Bakit? Alam mo ba kung san ang bahay namin?”

“Hindi.”

Eh loko pala to eh! May pasundo-sundo pang nalalaman.

“San ba bahay nyo?”

This Moment is InfiniteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon